HM 12

2.9K 208 80
                                    

Not proofread.

Parang akong sinampal sa narinig. Lakas makainsulto ng hayop na to.

"Hindi yan baby bra!"

Napatingin siya sa direksyon ko dahil sa sigaw ko. Nakita ko ang pagkagulat na rumeshistro sa mukha niya. Noon ko lang naalala na wala pala akong saplot maliban sa underwear ko at dalawang kamay ko na nakatakip sa dibdib ko. Walang salita na agad siya lumublob pabalik sa tubig, habang mabilis naman ako tumalikod sa direksyon niya. Nakakahiya!

Kinuha ko na agad ang mga damit ko at sinuot yun nang may pagmamadali. Sakto naman umahon na ulit si Misagh nang matapos na ako sa pagbibihis ko. Kaya lang-- iyong bra ko, hawak pa din niya. At mukhang napansin niya na nasa kanya pa din ang bagay na yun. Akala ko ibibigay na niya yun sa akin nang lumapit siya, kaya lang hinagis niya ulit yun pabalik sa tubig.

"Ba't mo tinapon?!" Hindi ko na mapigilan ang galit ko sa ginawa niya. Pero hindi ko din mapigilan na mapasulyap sa katawan niya lalo na't isang itim na boxer short lang ang suot niya. Jusko. May naaninag akong bagay na makasalanan.

"Hindi ako mahilig sa baby bra." Supladong sabi niya at tinalikuran na ako para pumunta sa damit niya.

Kulang nalang bugahan ko siya ng apoy sa sinabi niya.

"That's D cup, Asshole!" Sigaw ko.

"Oh?" Lumingon pa ito sa akin na parang may sinabi akong hindi kapani-paniwala.

"Fine! Cup B! Pero hindi yun baby bra!"

Hindi na ito nagsalita at basta nalang ako tinalikuran ulit at nagbihis na. Napatingin naman ako sa bra ko na nakalutang pa din sa tubig. Hindi ko alam kung paano yun kukunin gayong nakabihis na ako. Kung bakit kasi hindi nalang binigay ni Misagh sa akin ng maayos ang gamit ko, edi sana hindi ako namomoblema. Kahit kailan asal-hayop talaga.

"Aalis na ako." Sabi pa niya. Tiningnan ko lang siya saglit at inirapan. Bahala siya kung aalis siya. Ayoko na siyang kasama. Nakapaka-judger at walang respeto. Bwisit. Aga-aga nanggigil ako.

*****

Hindi ko na mabilang kung ilan beses ko na pinatay sa isip si Misagh. Nakasunod pa din ako sa likuran niya habang naglalakad na kami sa kagubatan. Paminsan-minsan ay lumilingon ito sa akin kaya iniirapan ko agad.

"Pag hindi mo tinigilan yan, hindi ako magdadalawang isip na dukutin yang mga mata mo." Rinig ko na sabi niya at saglit lumingon ulit sa akin.

"Sa tingin ko, mas mabuti kung maghiwalay nalang tayo." Sabi ko at huminto sa paglalakad.

Huminto rin siya at hinarap ako. Ayan na naman ang galit sa mga mata niya na parang may ginawa na naman akong kasalanan sakanya.

"Sino bang may sabi sayo na sundan ako?!" Sigaw niya. Pakiramdam ko nga nabulabog niya pati ang mga hayop at insekto sa lakas ng boses niya.

"Sino namang may sabi sayo na hintayin ako?!" Balik ko nang maalala ang ginawa niyang paghihintay sa akin sa talon. Nang kinukuha ko kasi ang bra ko na tinapon niya sa tubig, hindi pa din siya umalis tulad ng sinabi niya.

"You talk too much, Slut!" Inis na sabi niya at muling naglakad. Kahit naiinis din ako ay sumunod pa din ako sakanya.

Wala na ulit nagtangkang magsalita sa amin. Malapit na magtanghali pero hindi pa din namin mahanap ang daan palabas sa kagubatan.

"Hoy, alam mo ba kung nasaan na tayo?" Tanong ko sakanya. At ang walanghiya ni hindi man lang sumagot. So ano to? Panisan ng laway?

"Misagh!"

"Tumigil ka nga sa kakatawag sa pangalan ko!" Asik niya at nilingon ako sandali. "Sinabi ko nang wag mo ako kakausapin, diba?!"

"Eh, sino kakausapin ko? Tong puno?" Sabay hawak ko sa puno na katabi at tiningnan to.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon