HM 55

1.6K 55 187
                                    

Naging tahimik na ang buong byahe namin patungo sa kampo-- kahit isa walang nagtangkang magsalita o magtanong man lang sa nangyari sa pagmumura ko kay Commander D- mukhang sasanayin ko na din ang sarili na tawagin siyang ganun.

And speaking of the animal-- Hindi na rin siya nagtangkang kausapin ulit ako o ang tingnan man lang, mukhang napahiya siya sa ginawa ko o siguro hindi niya talaga matanggap na founder siya ng isang organisasyon pero mumurahin lang ng isang babae sa harapan nang maraming tao, kaya halos iritado pa din ang itsura niya sa frontseat at hindi makausap ni Sid.

Ngunit ang akala kong ordinaryong kampo ng mga Hermosa na parang sa military din, ay nagkakamali ako. Mula sa van ay lumipat kami sa isang yate at dinala sa isang isla-- kung saan malayo pa lang ay natatanaw na namin ang mga nagta-training na kalalakihan sa maputing buhangin nun. At hindi tulad noon na lima lang miyembro nang Hemosa ang nakita ko-- mas marami na sila at puros mga lalaki lahat! Mabilis na lumipad sa direksyon ni Misagh ang tingin ko. Siya ang nagmamaneho sa yate at nakasuot na ito ng aviator habang hinahampas ng hangin ang suot niyang shirt. Hindi ko aakalain na sa loob lang nang limang taon, may ganito na siyang organisasyon! Parang may sarili siyang binuo na mga armies niya. Is this even allowed?! Hinayaan lang ng gobyerno to?!

"Ang gwapo talaga." Rinig ko na ungol ng katabing si Lily na tulad ko ay nakatingin na din kay Misagh imbes na sa isla na dadaongan namin. Kahit nakasuot ng aviator si Misagh, hindi maipagkakaila na sumulyap pa din ito sa direksyon namin ni Lily kaya agad ako umiwas nang tingin at nakakunot ang noo na pinagmasdan na lang ang isla.

"Gusto mo ba tumira sa isla, Piggy?" Biglang tanong ni Agent sa akin. Tumabi na pala ito nang hindi ko namamalayan at nakatanaw din sa tinitingnan kong isla. At kahit nawe-weirduhan sa tanong niya ay sinagot ko din naman siya.

"Isla din ang Sulu, Agent, kaya nga nagtitiis ako dito dahil ayoko tumira sa isla."

Maikling tumawa si Agent. "Buti na lang pala."

Mas lalo kumunot ang noo ko.

"Ako, gusto ko tumira sa isla!" Singit ni Lily sa usapan namin.

"Wala naman nagtatanong." Sagot naman ni Agent saka biglang umalis na sa tabi ko.

Sumimangot agad si Lily. "Ang sungit talaga ng Montervede na iyon!"

Sinalubong kami nang limang naunang miyembro ng Hermosa na nakilala ko sa HQ dati pagkadaong ng yate. Sila agad ang umalalay sa amin makababa sa yate.

"Welcome sa Isla Hermosa agents!" Bati ni Crimson sa amin at siya pa ang unang lumapit sa amin at nakipagkamay isa-isa sa mga kasama ko at pinakahuli sa akin.

"Nagagalak ako na makita ka ulit. I'm Crimson." Aniya sabay ngiti pa sa akin at pisil ng kamay ko na hawak niya.

"Is this even necessary?" Natatawang angal nung isa sa kasama nila na may pagka chinito pero nagsimula din makipagkamay sa mga kasama ko.

"Azure pala."

Sumunod ang tatlo na parang napipilitan nalang din. Napalingon kami lahat nang bumaba ng hagdanan si Misagh suot pa din iyong aviator niya.

"Pakihatid sila sa magiging kwarto nila." Utos niya sa mga ito sabay tingin na naman sa akin.

"Maliban sa isang ito." Tinuro niya pa ako. Kaya lahat ng mga mata napako sa akin. Pinigilan ko ang sarili na umirap, expected ko na rin na may parusa talaga siya sa naging asta ko, pero kung inaakala niya natatakot ako, well think again, Monkey.

"May nangyari ba?" Tanong nung Crimson.

"Oh, nag misbehave lang ang kasama namin." Parang napapahiya na sagot ni Lily saka ako pinalakihan ng mata na parang pinaparating niya sa akin na umayos ako. Maayos naman talaga ako, ah!

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon