HM 34

3.1K 203 105
                                    

Zyra

"Pwede kana ata magpatayo ng sarili mong flower shop, Bautista."

Hindi ko mapigilan mapakamot sa ulo nang makatanggap na naman ako ng isang dosenang bulaklak. Kanina pa ako kinakantyawan ng mga kasama kung hindi pa dumating si Chief hindi pa nila ako titigilan.

"Sino bang nagpapadala neto?" Tanong ko. Wala kasing card na nakalagay, ni hindi rin sinabi sa akin ng delivery boy kung sino yung sender.

Idagdag pa na namomoblema din ako kung anong gagawin ko sa bulaklak na to lalo na't sunod-sunod na araw na yung pagpapadala sa akin neto sa presinto.

"Flowers again?"

Napalingon ako sa kadarating lang na si Andres. Ngumuso ako nang lumapit siya sa tabi ko para tingnan yung bulaklak.

"Akala ko ba walang lalaki na lumalapit sayo ngayon?"

"Wala naman talaga." Pagsisinungaling ko kahit na ang totoo pinagdududahan ko na si Misagh iyong nagpapadala sa akin. Ang Tigre na iyon, pwede naman sa bahay nalang, ah! Dito pa talaga sa istasyon? At hindi ko aakalain na marunong pala iyon magbigay ng bulaklak. Pinigilan ko mapangiti sa iniisip.

"Gusto mo bang ako nalang ang magtapon?" Suhestyon ni Andres sabay kuha sa bugkos ng bulaklak.

"Wag!" Natataranta na agad ko iyon inagaw sakanya. Pero agad din ako natauhan nang mapansin ang pagdududa sa mukha ni Andres.

"I-ibigay nalang natin. Sayang naman." Pagdadahilan ko. Sakto naman dumaan iyong isang kasamahan ko na lagi kong pinagbibigyan ng bulaklak na natatanggap.

"Fernandes." Tawag ko sakanya, tumigil naman siya at agad lumiwanag ang mukha niya nang makita ang mga bulaklak na hawak ko.

"Wow. Akin ulit, Bautista?"

Napipilitan na tumango nalang ako. Halos hindi ko pa iyon mabitawan nang kukunin na ni Fernandes sa akin, kung hindi ko pa naramdaman yung panonood ni Andres sa amin baka hindi ko pa pinakawalan yung bulaklak.

"Salamat, Bautista! Matutuwa na naman yung nililigawan ko neto."

Pilit na ngumiti nalang kahit sobrang nanghihinayang talaga ako sa bulaklak.
Sigurado din ako magagalit yung Tigre pag nalaman niya na pinamigay ko lang yung mga bulaklak na pinapadala niya. Bakit kasi nandito si Andres?

Napatingin ako sakanya nang maalala iyon.

"Teka, ba't ka nga pala nandito? Naka off-duty ka ngayong araw, diba?" Tanong ko sa kaibigan. Bilang sagot ay may inabot siyang isang supot sa akin.

"Pagkain?" Tanong ko agad. Napangiti ako nang tumango siya. Parang bata na kinuha ko agad iyon para tingnan.

"Dumaan ako sa bahay niyo kanina para sunduin ka, pero maaga ka raw umalis. Nasabi din sa akin ni Tita na hindi ka nag-agahan."

"Salamat." Nakangiting sabi ko pero seryoso lang ang mukha niya na nakatingin sa akin. Uh-oh. Pag ganito siya alam kong may sermon na naman akong matatanggap sakanya.

"Zyra--"

"On diet kasi ako." Sabi ko agad sa tangka niyang panenermon.

"Pero dahil dinalhan mo ako neto, sige cheat time muna. Kain tayo." Yaya ko at tinalikuran na siya bago pa siya magsimula sa litanya niya. Pero bago pa kami tuluyan makapasok sa kitchen namin sa estasyon ay sinabi sa akin ni Fernandes na pinapatawag ako ni Chief sa opisina nito.

"Gusto mo bang samahan kita?"

Nangunot agad ang noo ko sa sinabi ni Andres.

"Ako lang yung pinatawag ni Hepe. Saka off duty ka nga diba?"

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon