HM 35

3.4K 198 102
                                    

"Mas tumaas ang crime rate sa lugar natin kumpara nang nagdaang taon."

Humikab ako habang nakatingin kay hepe na kasalukuyang nagsasalita sa harapan. Kasama ko pa ang ilan sa mga katrabaho ko sa maliit na kwarto na iyon na nagsisilbing conference room namin. Hindi tulad ko ay mas seryoso ang mga mukha nila na nakikinig kay Hepe.

"Kailangan mas patibayin natin ang pagbabantay sa paligid."

Aktong hihikab ulit ako nang mahagip nang tingin ko ang mga mata ni Andres na seryosong nakatutok sa direksyon ko. Pasimple na sinarado ko ang bibig bago ito binigyan nang tipid na ngiti. Tumitig pa to ng ilang sandali sa akin bago walang reaksyon na tinuon ulit ang atensyon sa nagsasalitang si Hepe.

Nangunot ang noo ko at pasimple na hinawakan ang pisngi. 'May problema ba sa mukha ko?'

Pinilit ko na makapag-focus sa trabaho kahit halos mahulog na ang mga mata ko sa sobrang antok na nararamdaman.

Magmamadaling araw na kasi nang makauwi ako mula sa bahay nina Misagh. Kahit tapos na siyang gamutin ni doktora, hindi ko pa din siya nagawang iwan. Buong magdamag ay nakabantay lang ako sa walang malay na si Misagh. Kung hindi pa ako tinanong ni Sid tungkol sa trabaho ko baka tuluyan ko ding nakalimutan iyon.

"Here."

Naagaw ang atensyon ko nang may nilapag na tasa si Andres sa harapan ko. Nalanghap ko agad ang aroma ng kape.

"Kulang ka na naman sa tulog." Puna niya pero halata sa ekspresyon niya na nag-alala na naman ito sa akin.

Ngumiti na lang ako sakanya sabay kuha ng tasa na may laman na kape.

"Salamat. Kaya pala kung makatingin ka sa akin kanina parang gusto mo na akong batukan."

"I won't do that."

Napatawa nalang ako. "Joke lang. To naman ang seryoso."

Tumango na lang siya at bumalik din sa mesa niya. Pero nahuli ko pa din ang paglingon niya nang isang beses sa pwesto ko kaya ngumiti ulit ako sakanya.

Nang mapansin na abala na lahat ng mga kasama ko sa mga ginagawa nila ay pasimple kong sinilip ang cellphone para makitang may isang text akong natanggap mula sakanya.

From: M

Thanks.

Maikli pero halos hindi na ako mapakali sa inuupuan ko. Tinakpan ko din ang labi para hindi kumawala yung ngiti sa labi ko.

Tumikhim ako at umayos nang upo bago nagtipa ng reply sakanya.

To: M

Wag mo nalang ako pupuntahan ulit kung may tama ka ng bala.

Masyadong naman ata seryoso yung reply ko sakanya. Umiling ako. Sa tingin ko okay lang naman iyon, I mean pinag-alala niya ako ng sobra kaya dapat cold treatment ang ibigay ko sakanya.

From: M

Okay. Magpapagaling muna ako.

Kinagat ko ang labi. Hindi ko alam kung masyado akong assuming or may ibang kahulugan iyong text niya.

To: M

Dapat lang. Kumain kana ba?

From: M

Not hungry. You?

To: M

Paano ka gagaling nyan?

From: M

Puntahan mo ako at gagaling ako.

Ang corny jusko! Pero hindi ko din mapigilan na matawa kaya nakuha ko ang atensyon nang mga kasama ko.

"Uy, ano yan, Bautista?" Tukso ni Fernandes. Lumapit pa talaga ito sa pwesto ko kaya agad ko tinago ang cellphone.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon