HM 54

904 49 117
                                    

From: Tippy

Okay, Zy. I'll wait for you, my maid of honor. Hehehe.

Napangiti ako nang mabasa ang text ng kaibigan. Kailangan ko magpabango kay Captain para ituloy ang naunsyaming bakasyon ko at matulungan ang kaibigan sa kasal niya.

"Masyado naman matagal ang tatlong linggo, Zy." Ani ni Andres. Nakaupo si Andres sa gilid ng kama ko at pinapanood ako. Binaba ko na ang cellphone at nagpatuloy sa pag iimpake.

"Kailangan talaga na nandoon ako, eh." Sagot ko.

"Agent is also there?"

Tumango ako at napatingin sakanya nang mapansin ang pagtiim bagang niya.

"Andres, nagkabalikan na si Agent at ang asawa niya." Sabi ko nang mapansin na nagseselos na naman ito.

"He likes you, Zy. Kitang-kita ko iyon noon."

"Ginawa niya lang iyon dahil gusto niya lang ipamukha kay Eunice na kaya niya magkagusto sa ibang babae, alam mo naman na medyo ma pride din iyong lalaking iyon." Natatawang sabi ko pero nanatiling iritado pa din ang mukha ni Andres.

"Noong lumipat ka ng ibang department, wala pang isang buwan sumunod agad siya sa'yo."

Isa din iyon sa pinagtataka ko. Agent were supposed to be promoted sa mas mataas na posisyon, pero nagulat nalang ako nang isang araw ay dumating siya sa HQ para lang sumama sa grupo namin--gayong pwedeng-pwede na niya lagpasan ang ranggo ni Captain Ralph.

"He even used his connection to be part of your team, at makasama ka. Now, sabihin mo sa akin kung dapat ba akong mapanatag sa tatlong linggo na magkasama kayo? Halata namang may gusto talaga iyon sayo." Patuloy ni Andres.

Iniwanan ko ang ginagawa at umupo sa tabi niya. Hinawakan ko pa ang kamay ni Andres saka pinisil iyon. "Wala ka bang tiwala sa akin?"

"May tiwala ako sa'yo, Zy. Pero sa mga lalaki na umaaligid sa'yo, wala."

"Sa akin ka lang magtiwala, Andres. Dahil sigurado ako, sa'yo at sa'yo pa din naman ako uuwi."

Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at mukhang nakumbinsi ko siya sa sinabi.

"Basta pagbalik mo, magpakasal na tayo. Para sigurado akong wala nang aagaw sa'yo."

"Pagbalik ko, magpakasal na tayo."

Tipid na ngumiti ako at hindi pinansin ang alaala na iyon. "Okay. Pero kailangan ko muna tulungan si Tippy sa kasal niya."

Dismayadong napabuntong-hininga si Andres. "Nandyan naman si Jay, Zy."

"Laging nag aaway iyong dalawa, dahil ayaw ni Jay kay Red."

"Ba't kailangan iyong kasal natin ang mag-aadjust sakanila?"

"Sorry pero kailangan ko din makabawi kay Tippy."

Inalis ni Andres ang kamay ko na nakahawak sakanya at tumayo na."Pagbalik mo, aasikasuhin na natin ang kasal nating dalawa--"

"Kailangan ako ni Tippy--"

"Damn it, Zy! Ako na naman ba magpaparaya dito at maghihintay kung kailan pwede ka na?!" Biglang sigaw niya. "Just for once, make me your priority!"

"Andres, kasama ka sa mga priority ko. Hindi pa ba sapat na nakatira na ako sa'yo?"

Mapakla siyang tumawa. "Sa lahat nag li-live in, Zyra, tayo lang ang magkaiba ng kwarto!"

"Dahil kasama natin ang mga kapatid ko!" Nagtaas na din ako ng boses na sabi ko.

"At ilan beses ko na din sinabi sa'yo na kaya ko bigyan ng kanya-kanyang kwarto ang mga kapatid mo, kaya ko nga silang bilhan ng condo, pero ikaw lang naman ang ayaw pumayag!"

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon