HM 23

3.2K 218 105
                                    

"Lumayas ka na sa pamamahay!  Kung wala ka naman palang respeto sa amin! Hindi namin kailangan ng isang anak na walang pakialam kung mamamatay na ang mga magulang niya sa sobrang pag-aalala sakanya! Layas!"

Malakas na napabuntong hininga ako habang nakaupo sa labas ng bahay namin. Akala ko pa naman pagkauwi ko ay makakain na ako at makakatulog ng mahimbing-- iyon pala, lumilipad na kaldero  ang sasalubong sa akin. Dumagdag pa ang mga sapatos na binabato ng nanay ko at yung paborito niyang walis tingting na lagi niyang pamalo sa akin.

Nakakahiya, ang tanda-tanda ko na minamaltrato pa rin ako ng sarili kong ina.

"Ikaw naman kasi, sana tumawag ka agad kung saan ka pumunta. My God, Zy, muntik na namin ilagay ang mukha mo sa telebisyon." Sabi ng Bakla sa tabi ko.

Napasugod sila ni Andres sa bahay nang malaman nila na nakauwi na ako. Agad kasi nireport ni Jay sa pulis at sa mga magulang ko ang pagkawala ko sa yate. Hindi ko rin masisisi kung ganun ang reaksyon ng nanay ko. Sobra ko nga naman talaga silang pinag-alala tapos ni hindi ko sila nagawang tawagan. Kung ba't naman kasi ayaw ako pahiramin ng Tigre ng cellphone niya. Kasalanan niya lahat ng to!

"Alam mo bang nagkagulo din sa party ni Alex, akala namin may dumukot na sayo."

'May dumukot naman talaga sa akin.' Sa isip-isip ko.

Nadisappoint din ako sa nalaman na may sumira daw sa CCTV nung yate. Paano kaya kung yung babae na target talaga nina Misagh ang nadukot nila? Mas malaking problema yun.

"That's enough, Jay." Pagputol ni Andres sa litanya ni Bakla.

Laking pasasalamat ko na rin na nandito siya para pigilan ang kaibigan ko sa kakasermon sa akin. Wala na talaga akong lakas para makinig at magpaliwanag sakanila.

Mukhang napansin ni Andres ang kapaguran sa mukha ko. Alas-singko na rin kasi ng umaga tapos wala pa kong tulog.

"Doon kana na muna sa penthouse ko, Zyra." Alok niya.

Mabilis na tumingin si Bakla sakanya. "Bakit sayo pa?
Pwede naman siya sa condo ko, ah."

"Kailangan niya magpahinga. At sigurado ako na hindi mo siya titigilan sa kakatanong mo kung sayo siya sasama."

Umirap si Bakla. "Sus. Gusto mo lang siya solohin."

Hindi na ito pinansin ni Andres. At kahit gusto ko tumutol sa ideya niya ay mas pinili ko nalang tumahimik. Saka ko nalang iisipin ang lahat kapag may sapat na akong tulog at kapag lumamig na rin ang ulo ng nanay ko sa akin. Kahit may pagkasadista yun alam ko namang hindi ako matitiis nun.

Buong byahe patungo sa penthouse ni Andres ay tulog na tulog na ako. Kung hindi ko lang naramdaman na parang may kakaiba ay hindi pa ako magigising. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na nasa bisig ako ni Andres at buhat-buhat niya habang  naglalakad na siya patungo sa elevator.

"Andres---" Akmang aangal pa ako sa ginawa niyang pagbuhat sa akin nang inunahan na niya ako.

"Sleep, Zy."

"Pero--"

"It's okay. Matulog kana lang ulit." Sabi niya. Kaysa makipagtalo ay inayos ko nalang ang pagkakahawak ko sa leeg niya bago kumportable na sinandal ko ang ulo sa matigas na dibdib niya.

"Thank you, Andres." Tipid na ngumiti ako bago pinikit ulit ang mga mata.

"Anytime."

Hindi ako sigurado kung gaano ako katagal nakatulog pero nang magising ako ay medyo mataas na ang sikat ng araw at nasa isang malamig na kwarto na ako. Kung hindi ko lang nakita ang malaking litrato ni Andres na nakasabit sa dingding baka nakalimutan ko na nasa penthouse pala niya ako. 'Teka, akala ko ba sa guest room ako? Ba't parang kwarto to ni Andres?'

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon