HM 1

3.7K 239 55
                                    


THIRD POV

"Anong problema ng isang iyan?" Pabulong na tanong ni Raul sa katabing si Sid habang pareho nila pinapanood sa loob ng bahay ang nasa verandah na si Misagh. Kanina pa kasi ito nakatitig sa kawalan habang paminsan-minsan ay nililinis nito ang hawak na patalim na mukhang sobrang linis na sa tagal nito sa posisyon nito.

Nagkibit-balikat si Sid. "Alam natin pareho na maraming problema ang lalaking yan."

"Oo nga pala. Sa sobrang dami pati sarili niya ata pinoproblema na din niya." Akmang tatawa pa ito nang mabilis niya ito siniko para pigilan lalo pa't palapit na sakanila si Misagh.

"Oh Tol, tapos kana sa paglilinis ng kutsilyo mo?" Tanong agad niya para hindi mahalata nito na pinag-uusapan nila ito. May ugali pa naman ang kasama nila na bigla nalang nagagalit ng walang dahilan. Pero mukhang wala talaga ito sa sarili dahil nakakunot ang noo at nakatingin ito sa hawak na patalim.

"Patay na siya. Sigurado ako doon."

Nagkatinginan sila ni Raul ng marinig iyon, bago pa nila mausisa ito ay naglakad na ito patungo sa hagdanan.

"What the heck? Iyon talaga ang pinoproblema niya?" Pabulong ulit na tanong ni Raul. Napahilot siya sa sentido niya. As always, Misagh is Misagh. Wala itong ibang iniisip kundi kamatayan. He is totally a psycho. Walang duda doon.

"Pero Sid, wala ba tayong plano na itakas si Red?" Muling tanong ni Raul sakanya na siyang kinatigil niya. Kung siya ang papapiliin, gustong-gusto niya itakas sa kulungan ang isa pa nilang kasamahan. Mas malakas kasi sila kapag nandyan si Red. Bukod kasi sa hindi sila kayang galawin ng grupo ni Oliver, si Red din ang masasabi niyang medyo matino sakanilang apat.

"Kahit naman itakas natin ang isang iyon, babalik at balik pa rin iyon sa kulungan." Nasabi nalang niya ng maalala kung bakit mas pinili ng kasamahan nila ang magpakulong kaysa namnamin ang kalayaan na tinatamasa nila sa kasalukuyan.

Kung sa kanya mangyari iyon at mahanap nga niya ang babaeng para sakanya, handa niya rin talikuran ang madilim na bahagi ng buhay niyang ito. Kaya lang, baka bago pa mangyari iyon sa kanya, papatayin na siguro ni Misagh ang babaeng magugustuhan niya. Knowing that guy, hindi na ito papayag na may muli pang sumingit na babae sa grupo nila. Siguro ipagdadasal nalang niya na si Misagh nalang muna ang susunod sa yapak ni Red.

Napangisi siya. Iniisip palang niya, hindi na siya makapaghintay bumili ng popcorn at softdrinks habang pinapanood kung paano mabaliw ang kasama niya sa isang babae. Pero hindi niya rin maiwasan maawa sa babaeng magugustuhan ni Misagh.

__________

Zyra's Pov

"I told you before, Bautista, wag na wag ka mag ta-taxi! Kung kailangan mo nang susundo sayo, tawagan mo ako!"

Napangiwi ako sa lakas ng sigaw ng kaibigan at kasamahan ko sa trabaho na si Andres. Mula ata nang magising ako mula sa pagkakasaksak sa akin ay hindi na rin niya tinigilan ang kakasermon sa akin.

"Kaya ko naman ang sarili--"

"Kaya?!" Putol niya sa sinasabi ko. Lumapit pa ito sa gilid ng kama na hinihigaan ko.

"Kung ganun bakit kita natagpuan sa isang madilim na lugar na walang malay at duguan?! Kasama mo pa ang walang buhay na katawan ng pitong lalaki?!"

Napabuga ako ng hangin ng maalala ang sinapit ko. Iyon na siguro ang pinaka-nakakatakot na bahagi ng buhay ko-- ang makaharap ang kamatayan. Hindi ko alam kung paano ko iyon nalagpasan at natakasan pero hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Kung hindi lang talaga dumating si Andres baka RIP Zyra na ako.

"And now, you are not listening to me!" Medyo nagulat pa ako sa pagsigaw ulit ni Andres kaya parang doon lang din ako natauhan mula sa pag-iisip ko sa taong iyon.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon