HM 31

4.2K 292 266
                                    

#NOTPROOFREAD
#NOTEDITED

Ganun nagtapos ang lahat sa amin ni Misagh. Hindi naman sa nagkaroon kami ng relasyon para sabihin ko yun, pero sa tingin ko yung gabing yun ang naging tuldok sa lahat ng meron kami.

He's no longer texting, or stalking. Wala na talaga. At kahit may oras na hinahanap ko pa din ang presensya niya, mas pinili ko na abalahin nalang ang sarili sa trabaho at sa mga kaibigan ko, nang sa gayon hindi ko na rin maramdaman kung ano mang nararamdaman ko tuwing pumapasok siya sa isip ko.

"Police brutality to!"

Halos umikot lang ang mga mata ko habang pinoposan ang isang lalaki na nahuli sa pagnanakaw sa isang palengke.

"May pa police-police brutality ka pang nalalaman pero hindi mo naman kaya maghanap ng mabuting trabaho!" Angal ng isang tindera na isa sa mga biktima ng suspek.

Pinagkukumpulan na kami ng mga tao sa palengke na gustong kumuyog at mambubog sa suspek. Buti nalang may mga tanod na nakapalibot din sa amin para pigilan yung galit nila.

"Ibulok niyo yan sa bilangguan, nang hindi na yan makapang-biktima ng iba!"

"Akala mo naman kalakihan yung nanakaw ko sa kanya kung makapagsalita to. Hoy, Ale, singkwenta lang yung nakuha ko sayo, wag kang ano dyan!"

Hindi ko na napigilan na batukan yung suspek. "Kahit magkano pa yun, nagnakaw ka pa rin."

"Sus. Ang akala mo naman tong mga pulis, ang linis-linis at hindi gumagawa ng kasalanan."

Binatukan ko ulit siya. Ang patpatin na to!

"Tama na yan." Awat ni Andres na katulong ko kanina sa paghuli sa patpatin na lalaki.

"Yung mga gustong magreklamo sa kanya, sumunod nalang kayo sa presinto para masampahan niyo na siya ng kaso."

Agad na nag-sinang-ayunan ang lahat. Sumunod pa nga sila kahit na pinapasok na namin sa patrol car yung suspek. May ilan pa nga na nagmumura na sinasagot naman nung suspek.

"Kahit magnanakaw ako, atleast gwapo! Hindi katulad niyo mga hampas lupa! Kasing amoy niyo na yung mga isda na binebenta niyo! Pwe!"

Oh wow.

Napailing nalang ako. Iba din ang kakapalan ng magnanakaw na to.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Andres sa akin nang maayos na kaming nakasakay sa patrol car at nanahimik na din sa likuran yung suspek.

Tumango ako. "Oo naman. Ikaw?"

Ngumiti ito sa akin na matagal-tagal ko na ding hindi nasisilayan.

"Sobrang okay, Zy. Sobra."

Tipid na ngumiti nalang ako sa kaibigan. Sana din maging sobrang okay na ako tulad ng dati.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa labas ng sasakyan para panoorin ang ilang sasakyan na kasabayan namin sa daan.

At kahit ayokong isipin, pag nakakakita ako ng taxi, siya agad ang naalala ko.

"You don't need to insult me just to push me away!"

Pinikit ko saglit ang mga mata nang bigla naman bumalik yun sa isip ko. Just bear it, Zyra. Isang linggo pa naman ang nakakalipas kaya sariwang-sariwa pa rin yun sa isip mo, wait for a month, makakalimutan mo din siya. Paalala ko sa sarili.

Pero... namimiss ko din naman siya.

Agad ako napaayos ng upo at mahinang sinampal ang sarili. No. Don't say that, Zyra!

"Zy?" Tawag ni Andres sa akin na nagtataka sa ginawa ko sa sarili.

"Ah, inaantok lang ako." Pagdadahilan ko.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon