HM 18

3.5K 218 98
                                    

UNEDITED

"Bumili ka ba ng bagong motor?" Kakaupo ko palang sa lamesa para kumain ay iyon na agad ang pambungad ng nanay ko sa akin.

Off-duty ako sa araw na yun kaya may pagkakataon ako na sumabay sa pamilya ko para magbreakfast. Madalas kasi lagi ako nagmamadaling pumasok sa trabaho kaya nawawalan na rin ako ng oras para sakanila.

"May nakaparada kasing motorsiklo sa tapat ng bahay natin. Bagong-bago at mukhang mamahalin." Dagdag pa ni Nanay.

Nagbabasa ng dyaryo ang Tatay ko nang saglit niya akong sinulyapan, habang iyong dalawa kong nakababatang kapatid ay naka school-uniform na at tiningnan naman ako na puno ng pang-aakusa.

"Ang daya mo, Ate! Sabi mo bibilhan mo ako ng cellphone! Tapos may bago kanang motor!" Hindi nakapagpigil na bintang ng sumunod sa akin na si Zion.

"Tumahimik ka nga. Hindi sa akin iyong motor."

"Kanino?" Sabay pa na tanong ng mga magulang ko. Nasa akin ang atensyon nila kaya bigla ako napressure.

"Sa...ka-ibi-gan..ko?" Hindi sigurado na sagot ko at agad napakunot ang noo.


"Sa...ka-ibi-gan...mo?" Ulit pa nila.

Parang ang sagwa naman pakinggan nun.

"Kakilala ba namin tong ka-ibi-gan mo?" Tanong ni Tatay.

Napangiwi ako. "Kaibigan, Tay. Kaibigan. Hindi, ka-ibi-gan."

Napakamot ito sa ulo.

"Kasasabi mo lang na--"

"Kaibigan nga! In english, friend!" Biglang sigaw ko na siyang kinatahimik ng pamilya ko. Nakatingin nalang sila sa akin na parang katatakas ko lang sa mental hospital.

Tumikhim ako at umayos ng upo.

"Kain na po tayo." Kalmadong sabi ko bago tinuon ang atensyon sa pagkain. Ramdam ko pa din ang tingin ng pamilya ko sa akin.

"May nobyo kana ba, Zyra?"

Halos mabilaukan ako sa tanong ng Tatay ko. Mabilis na inabot ko ang tubig at tinungga yun.

"Diyos ko. May nobyo kana talaga, Anak?" -Si Nanay na OA pang tumakip ng bibig niya.

"Kailan namin makikilala yung lalaki?" -Si Tatay ulit na biglang seryoso na ang mukha.

"Matagal pa." Sagot ko. "Kahit ako, hindi ko pa din siya nakikilala." Dagdag ko na siyang kinahinga nang maluwag ng tatay ko samantalang parang nadisappoint naman yung nanay ko.

"Mabuti. Bata ka pa."

Hindi makapaniwalang hinarap ni Nanay si Tatay.

"Anong bata pa? Yung kapitbahay natin na si Lena na kababata netong si Zyra, may asawa na at dalawang anak na. Samantala siya, wala pang pinapakilala na lalaki sa atin."

"Bakit ba minamadali mo ang anak natin? Wag mong sabihin na naniniwala ka nga na tibo talaga tong si Zyra kaya wala pang lovelife?"

"Kahit tibo po lumalovelife. Si Ate lang talaga yung may problema." Sabad ni Zion na sinulyapan ko nang masamang tingin.

Humanda ang kutong lupang to, bawas allowance siya sa akin.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon