PRIVATE CHAPTER

3.9K 193 182
                                    

"Nawawala kana sa plano natin, masyado kanang nagpapakabaliw sa babae na iyon."

Malakas na nilapag niya sa mesa ang isang bote ng alak na kakainom lang. Ang ayaw niya sa lahat ay iyong pinapakialaman siya sa mga ginagawa niya at isa na roon na patuloy kunin ang loob ng babaeng gusto niya.

Zyra Bautista.

Pangalan palang ng dalaga ay nawawala na siya sa tamang hisyo lalo na kapag nakikita niya tong nakangiti.

Dati, kaya naman niyang kontrolin ang sarili, ilan beses nga niya nilabanan ang nararamdaman sa dalaga, pero mas lalo lang pala iyon lalalim na hindi na niya gugustuhin pa pigilan ang sarili na patuloy ito magustuhan. At ngayon, wala na siyang ibang plano kundi ang makuha ito at makasama.

"What have you done to me, Zyra?" Hindi niya mapigilan itanong iyon na parang kaharap lang niya to. Alam niya na marami pa siyang dapat gawin na walang kinalaman sa babae. Pero imbes na isipin ang mga iyon, heto't siya nagpapakalasing habang pilit kinakalimutan ang pakiramdam na yakap at hawak niya ang dalaga.

Umiiling-iling siya bago muling tumungga ng alak. Dumaloy ang init na dala nun sa lalamunan niya patungo sa kanyang katawan.

Hindi niya napigilan alalahin ang itsura ng dalaga sa sarili niyang kama. Magulo ang buhok at himbing na himbing ito sa pagtulog. Ilan beses pinasok ng demonyo ang utak niya para pagsamantalahan ito, pero dahil hindi lang naman katawan nito ang habol niya, nagawa niyang kontrolin ang sarili. At bakit niya pa pipilitin si Zyra na gawin nila iyon kung alam niyang darating din ang panahon na ito pa ang magmamakaawa sakanya para dalhin niya to sa kama niya.

Ngumisi siya. Iniisip palang niya ang gagawin kay Zyra sa oras na mapasakanya to ay hindi na siya makapaghintay. Ngunit saglit nakuha ang atensyon niya sa isang text na natanggap.

From: Kuya

Do your job properly. Don't wait for me to make a move. You won't like it.

Imbes na replyan ang kapatid, mas pinili niya na i-off ang cellphone. Hindi niya alam kung ano pang kailangan ng lalaking iyon gayong sinunod naman niya ang inuutos nito.

"You seems lonely."

Napalingon siya sa nagsalitang iyon. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa pagkakita sa babaeng naglalakad palapit sa kanya. Matagal na niyang tinapos ang ugnayan sa babae pero lagi naman tong humahabol sakanya. Tulad ngayon, nalaman na naman nito kung saan siya pupunta.

"Charlotte."

Mapang-akit na ngumiti ito sakanya sabay dikit ng katawan nito sa kanya.

"Buti naman alam mo pa ang pangalan ko."

Napailing lang siya at akmang tatagay ulit nang mabilis iyon inagaw ng babae at mapang-akit ang tingin nito sakanya habang umiinom sa bote ng alak. Kung hindi pa siguro niya nakilala si Zyra, siguro patuloy siya maaakit ni Charlotte lalo na't maganda naman ito. Isama pa ang katawan nito na konting tela nalang ang tumatakip doon na lalong nagpapabaliw sa mga lalaking nakakakita dito.

Noong hindi pa nagku-krus ang landas nila ni Zyra, matagal din siya nagkaroon ng ugnayan kay Charlotte. Bukod kasi na magaling naman talaga ito sa kama, tulad niya hindi rin ang tipo nito ang nakikipagrelasyon. Mas gusto nito na hanggang kama lang ang lahat. And that what he wants too. Not until he met Zyra.

"What do you want?" Tanong niya dito nang umupo na ito sa tabi niya.

"You know the answer babe." Anito sabay malagkit na tumingin sakanya.

"I want you." Pasimple pa to humaplos sa hita niya pero agad niya iyon inalis.

"Matagal na tayong tapos, Charlotte. At alam ko na marami kang reserba."

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon