HM 25

3.3K 251 110
                                    

NOT PROOFREAD. NOT EDITED.

#MERRYCHRISTMAS!

From: Nanay

Umuwi kana sa bahay.

Napasuntok ako sa hangin ng makatanggap ng text kinabukasan. Pero agad din napadaing nang maramdaman ang pagsakit ng balikat ko.

"Aray." Sabi ko at bahagya yun minasahe kahit nalagyan ko na kanina ng oitment.

"Are you okay?" Tanong ni Andres nang pumasok siya sa kusina suot na ang pulis uniporme niya.

Tumango ako. "Hindi lang maganda yung lagay ng balikat ko." Ikaw ba naman gawing lubid ng dalawang hinayupak.

Kung hindi pa siguro tumawag ang estasyon baka buong gabi pa naghihilaan sa akin sina Misagh at Monteverde. Daig talaga nila ang mga bata sa pagiging immature nilang dalawa!

Wala naman kaso sa akin kung may galit nila sa isa't-isa. Ang ayoko lang yung dinadamay at napeperwisyo ako. Tulad ngayon? May trabaho pa ako mamayang gabi pero heto ako, hindi gaano magalaw ang balikat dahil sa ginawa nilang paghila sa akin. Subukan talaga nila na idamay ulit ako sa away nila, pag-uuntugin ko na talaga silang dalawa.

"Gusto mo samahan kita sa hospital? Baka may nabali na dyan." Alok ni Andres.

Umiling ako at tipid na nginitian siya. "Okay lang ako. Medyo namali lang ako ng pag-stretch kagabi kaya sumakit." Pagsisinungaling ko.

"Are you sure?"

Tumango lang ako at pasimple siyang pinasadahan nang tingin. "Saka baka akala ng mga nasa hospital may huhulihin ka doon."

Tumawa siya bago ginulo ang buhok ko. "Funny, Zy."

Ngumisi lang ako sakanya.

"By the way, hindi ako nakapagluto, nahuli kasi ako ng gising." Sabi niya. "Pero may stock naman tayo sa ref, pag nagutom ka, magluto kana lang ng gusto mo, or you can use my card para magpadeliver nalang."

"Hindi na kailangan, uuwi na rin ako." Sagot ko. Napansin ko ang pagkapawi ng saya sa mukha niya ng sabihin ko yun.

"Are you leaving me?" Seryosong tanong niya.

Bahagya naman nangunot ang noo ko pero hindi ko mapigilan na matawa. "Andres, baka nakakalimutan mo may bahay din ako."

Nag-iwas agad siya nang tingin bago tahimik na nilagay sa lababo ang pinag-inuman na baso. Walang salita na lumabas na lang siya ng kusina. Hindi ko mapigilan na sundan siya nang nagtatakang tingin. 'May nasabi ba akong masama?' Sa loob-loob ko.

Ilang segundo lang ay may narinig akong nabasag, kasunod nun ay pagmumura ni Andres. Napatayo tuloy ako sa inuupuan kong stool bago nagmamadaling pinuntahan siya sa sala. Napasinghap ako nang maabutan ang basag na vase sa sahig.

"Andres!" Tawag ko sakanya bago siya nilapitan. "Okay ka lang ba?" Titingnan ko sana kung may sugat siya nang mabilis na tinabig niya ako.

Nagulat ako sa ginawa niya at mukhang ganun din siya.

"I'm sorry." Nilapitan niya agad ako at hinawakan pa sa magkabilang-balikat. "I'm sorry, Zy. I'm really sorry."

Kahit medyo kinabahan ako sa inasta niya ay dahan-dahan nalang ako na tumango at pilit na ngumiti. "A-ayos lang."

Mariin na napipikit siya nang mga mata bago bigla nalang niya ako niyakap. "I'm sorry. I'm sorry." Paulit-ulit na sabi niya.

Para akong tinulos sa kinatatayuan ko at hindi alam ang gagawin.

"I'm such a asshole for doing that."

Mahinang tinapik-tapik ko ang likod niya. "Hindi naman ako nasaktan, Andres. Kaya wala lang yun."

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon