HM 16

2.9K 209 64
                                    


UNEDITED

Napangiwi agad ako sa bumungad sa akin sa loob ng motel. Never talaga ako magiging kumportable sa ganung lugar. Bukod sa ang sikip-sikip na nga ng hallway, dinig na dinig ko pa ang mga ungol sa bawat silid na dinadaanan namin. At ang mas malala pa ay iyong magugulat nalang ako na may bigla nalang na kumakalabog sa dingding.

"Hindi ka pala sanay sa ganitong lugar, pero ang lakas ng loob mo tumulong." Komento ng walang iba kundi si Misagh. Masama ang tingin na nilingon ko siya.

"Nasa ugali na kasi ng mga tao ang maging matulungin at dahil hindi ka nga tao, hindi mo ulit maiintindihan iyon."

Siya naman ang gumanti nang masamang tingin sa akin.

"Whatever, Slut. Just find the  room." Aniya at sinulyapan ang lalaking nasa likuran niya at nakapiggy back sakanya.

"Masyadong mabigat ang gagong to. Ilaglag ko kaya, tingin mo?"

Mabilis na tumingin ako sa harapan para itago ang ngiti na sumilay sa labi ko. Parang temang ang Misagh na to. Hindi na ako muli lumingon sakanya kahit rinig ko ang pagrereklamo niya.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko na ang hinahanap na kwarto.At tulad nang ugali ng isang hayop, hindi ko pa masyado nabubuksan ang kwarto ay mabilis na ako tinulak ni Misagh papasok kaya napatumba ako sahig samantalang walang pag-iingat naman niya tinapon nalang sa kama ang karga na si Monteverde.

"Kailangan mo ba talaga gawin yun?" Hindi ko mapigilan mainis sakanya. Nanghihina na napaupo siya sa sahig at sumandal sa gilid ng kama sabay sinulyapan ako.

"What?"

Inirapan ko to sa pagkukunwari niya. Tumayo nalang ako at pinagpagan ang sarili.

Nagkatinginan ulit kaming dalawa.

"What?" Sabi ulit niya sa akin na parang nanghahamon ng away. Puros what. What-whatin ko kaya ang mukha niya. Napasulyap nalang ako sa paa ni Monteverde. Parang hindi ata kumportable matulog na may suot na sapatos. Namalayan ko nalang na lumapit ako doon at tinanggal ang sapatos na suot nito.

"Tss." Napasulyap ulit ako kay Misagh nang marinig iyon mula sakanya. Napahinto ako sa ginagawa at hinarap siya.

"Ano na naman bang problema mo?" Tanong ko sakanya. Pero imbes na sumagot ay basta nalang siya tumayo at humarap din sa akin. Pakiramdam ko ay nanliit ako sa pagtayo niya sa harapan ko lalo na't kung makatingin siya sa akin ay parang isa lang akong hamak na langgam at kaya niyang tirisin. Eh matangkad lang naman siya ng konti sa akin.

"Hindi mo siya gusto pero umaakto ka namang girlfriend niya."

Napasulyap ako sa hawak na sapatos nang matukoy kung anong ibig sabihin nun.

"Nagtanggal lang ng sapatos, girlfriend na agad? Sabagay, ang mga hayop ay makikitid talaga ang utak at hindi--uhmmp! " Hindi ko natapos ang sasabihin nang agad niya tinakpan ng isang kamay niya ang bibig ko.

"Tigilin mo nga ako sa kakatao at kakahayop mo." Aniya. Tiningnan ko siya nang masama at ako na mismo nangtanggal ng kamay niya sa bibig ko.

"And don't touch me! Baka kung saan pa nanggaling ang kamay na yan! Yuck!"

Tumingin siya sa kamay niya na nakatakip kanina sa bibig ko sabay sulyap ulit sa akin.

"Gusto mo malaman?"

"Kahit hindi mo sabihin, alam ko na galing yan sa isang buhay na kinitil mo na naman."

"Or pwede din galing sa alaga ko."

Literal na nanlaki ang mga mata ko sa narinig at pakiramdam ko namula ako. Malakas na hinampas ko siya ng sapatos ni Monteverde.

"Bastos!"

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon