HM 2

3K 220 69
                                    

UNEDITED

Ang akala ko bilang pagiging alalay ni Agent ay may aksyon at exciting na magaganap sa buhay ko--- but I was wrong. Bukod sa nastuck kami sa traffic sa edsa, wala rin kaming ginawa kundi libutin ang isang mall. Hindi ko alam kung paano natagalan ni Tippy ang pagsama sa taong ito. Napakaboring nito kasama, tapos ang bilis-bilis din maglakad.

"Gutom na ako, wala ba tayong plano kumain?" Hindi ko na napigilan itanong ng akmang papasok na naman kami sa isang botique. Pansin ko na kanina pa siyang may hinahanap na damit pero sa halos tatlong oras naming paglilibot wala pa siyang nabibili. Pinagtitinginan din kami, paano kasi pareho pa kaming nakauniporme. May iba pa namang tao na makakita lang ng nakaunipormeng pulis akala mo may ira-raid na o di kaya huhulihin.

"Mamaya na." Aniya sabay lingon sa akin. "At sa katawan mong iyan, hindi naman halata na gutom ka, Piggy."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, bago pa ako makapagsalita pabalik sakanya ay mabilis na siyang pumasok sa loob ng botique.

"Bahala ka sa buhay mo, Monteverde! Basta ako kakain na!" Pahabol na sabi ko at nag-iba ng direksyon imbes na sundan na naman siya.

Naghahanap ako ng pwedeng makainan sa mall na iyon nang may bigla namang bumangga sa aking likuran. Nakakunot ang noo na nilingon ko kung ano iyon o mas tamang sabihin kung sino iyon. Bahagya nanlaki ang mga mata nito ng mapansin na nabunggo niya ako.

"Nako. Sorry, Miss!" Hingi agad niya ng paumanhin sabay layo sa akin ng ilang metro.

"Nasaktan ba kita? Pasensya na ah! Medyo malakas iyong pagkakatulak sa akin ng kasama--" Napahinto ito sa pagsasalita ng lumingon ito sa likuran niya. "Teka. Nasaan na naman ang lalaking iyon?" Anito sabay tingin sa paligid bago muli akong nilingon.

"Na-nawala siya. Pero pasensya na talaga, Miss."

Ngumiti ako dito saka tumango. Napansin ko ang bahagya nitong pagkatigil.

"No worries. Hindi naman ako nasaktan." Sabi ko nalang at tinalikuran na siya nang hindi na siya nagsalita pa ulit. Ngunit bago pa ako makapaglakad ulit ay nagulat pa ako sa muling pagsulpot ng lalaking iyon sa harapan ko.

"Hi ulit." Anito sabay ngiti sa akin. "Alam ko masyado akong mabilis. But can I get your number? Pati pangalan mo na rin? How about your address? Your hobbies? And dislikes?"

Mabagal ako na napakurap ng mata sa sinabi nito. He chuckled at my reaction before he hand me his hand. "I'm Sebastian Indigo Domenador. But you can call me yours and I will call you mine."

"Huh?" Tanging nasambit ko nalang. Infairness hindi nga siya mabilis, sobrang bilis lang.

Natawa ito saka tumayo ng tuwid. "Matagal na kasi akong naghahanap ng babaeng pulis na maganda. And luckily, I found you! Is this destiny? Will you marry me?" Anito at ngumiti na naman sa akin.

Napataas ang isang kilay ko dahil doon. Amoy, fuckboy.

"Look, Mister, I don't belive in destiny saka gutom ako." Sagot ko at nilagpasan siya. Hindi na ako nag-abala na lumingon ulit sa lalaking iyon. Napakacreepy kaya niya. May itsura sana, weird lang. Nagpapasalamat na din ako na hindi na niya ako sinundan baka hindi ako makapagpigil at posasan siya bigla.

Nakapila na ako sa isang fastfood chain nang mamataan ko ang isang babae na kakapasok lang sa entrance nun. Hindi lang ako ang napatingin sakanya kundi halos lahat ng taong kumakain sa fastfood na iyon ay napalingon sakanya. Bukod sa ang puti niya, ang ganda-ganda naman talaga niya. Para siyang anghel na binaba mula sa langit. Pero.. bakit parang pamilyar siya sa akin? Saan ko ba nakita ang babaeng anghel na iyon?

"Eunice!" Napatingin ako sa lalaking tumawag sakanya at ganun nalang ang gulat ko nang makita si Monteverde iyon. Hinawakan nito sa braso ang babaeng mala-anghel saka ito hinila palabas ng fastfood. Dulot ng pagkabigla siguro hindi na nakapalag iyong babae.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon