HM 9

2.9K 226 50
                                    

"Date me.."

Malakas na napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko.

Malinaw pa din sa alaala ko ang sinabi ni Monteverde, pero hindi malinaw sa akin kung bakit niya iyon sinabi? 'Di kaya...May gusto siya sa akin?'

Pinilig ko agad ang ulo.

Imposible. Saksi ako kung ano ang nararamdaman niya kay doktora, kaya malabong mangyari na may gusto siya sa akin. Yes. Malabo talaga. 'Pero bakit iniisip mo? Apektado ka?' Napasimangot ako sa sinasabi ng isip ko. At bakit naman ako apektado? Wala naman ako gusto kay Agent Monteverde. 'Talaga lang?' Naipikit ko ang mga mata. Para na akong baliw sa pakikipag-usap ko sa sarili gayong dapat binabalewala ko nalang ang sinabi ni Monteverde.

"Zyra!"

Mabilis ako nabalikwas ng bangon sa kama nang bigla nalang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Kinuha ko agad ang baril sa ilalim ng kama at tinutok iyon sa taong bigla nalang pumasok sa kwarto.

Nakahinga ako ng maluwag at binaba ang baril nang mapag-sino iyon.

"Nay naman!" Napapadyak ako sa sobrang inis. Tumambad sa akin ang nakasimangot na mukha ng Nanay ko na may dala pang walis tingting.

"At ngayon ay balak mo pa akong barilin?!" Nahihintakutan na sabi niya nang mapansin ang hawak kong baril. Umismid lang ako dito saka bumalik sa kama.

"Wag niyo kasi ako ginugulat. Alam niyo naman na medyo praning ako."

Lumapit ito sa akin saka hinampas nalang ako ng walis tingting na dala niya. Napatayo ulit ako.

"Nay naman!" Hinimas ko ang braso na natamaan ng walis. Kahit kailan may pagkabayolente talaga ito.

"Wag mo akong ma Nay-Nay dyan! Aba, Sobra sa isang araw ka hindi umuwi, tapos kung makahilata ka lang sa kwarto mo parang walang taong nag-aalala sayo!" Muli ako nito hinampas kaya tumakbo na ako palayo dito.

"Sorry naman! Nagpapahinga lang ako sandali pero bababa din naman ako para makipag-usap sa inyo."

"Siguraduhin mo lang, Zyra! Dahil makakatikim ka talaga sa akin kapag hindi mo sinabi kung anong nangyayari sayo!" Banta pa niya bago lumabas sa kwarto ko. Pabagsak na umupo ako sa kama. Ang ayoko sa lahat ay ang pinag-aalala ang mga magulang ko. Pero sa larangan ng trabaho ko ay hindi nga maiiwasan iyon kaya hangga't maaari sinasarili ko lang ang problema ko, pero mukhang patay talaga ako sa Nanay ko kung hindi niya magustuhan ang paliwanag ko.

******

Ilan beses na ako napainom ng tubig habang nanonood sa akin ang apat na pares ng mga mata. Nakaupo sila sa mahabang sofa na binili ko noong unang sweldo ko.

Alanganin na ngumiti ako sakanila, na hindi naman nila sinuklian. Masama ang tingin ni nanay, si tatay naman ay parang dismayado. Iyong dalawang nakakabata kong kapatid na sina Zion, (15 years old) at si Zaida (7 years old) ay mapang-asar lang nakatingin ang mga ito sa akin at parang handang-handa na sila na masermunan ako ng mga magulang namin. Kahit mas matanda ako sakanila ng ilang taon sa edad kong 24 ay minsan lang may galang ang mga ito sa akin. At iyon ay pag araw lang ng sweldo ko.

"Umalis ka na sa pagiging pulis mo, Zyra! Mag-asawa ka nalang!" Pagbubukas ni nanay ng usapan.

Napangiwi ako. Humagikhik naman iyong dalawa kong kapatid.

"Nay, mahal ko po ang trabaho ko tsaka wala naman pong nangyari--" Hindi ko natapos ang sasabihin nang hinampas ni Nanay sa center table ang walis na kanina pa niya dala. Hindi lang ako ang napatalon sa inuupuan kundi pati ang tatay at ang dalawa kong kapatid.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon