Prologue

90 7 0
                                    

Ang boring daw ng buhay pag wala kang nagugustuhan. Yung tipong wala lang, humihinga ka lang kasi no choice ka ganon, pero ako, wala akong pakialam. I don't see myself admiring someone from afar ta's biglang maghuhugis puso yung mata ko. Ini-imagine ko pa lang nac-cringe na 'ko e.

Yuck gago.

Kaya naman nao-out of place ako sa mga kaibigan kong inlove at patay na patay sa mga nasa STEM building. Ewan ko rin sa mga 'to, kakapanuod ata ng kdrama at meteor garden kaya lumaking malalandi. Pero hindi ko sila binabackstabb ha, sinasabi ko naman 'yon sa harap nila at aware sila do'n.

"Can't relate na naman si Ms. Aromantic, ang babaeng walang kilig sa katawan." puna ni Kiana sa 'kin na umani ng tawanan.

Nandidito kami ngayon sa room at nagc-chismisan sa likod. Nakabilog ang upuan namin na tila may group activity kami.

Inirapan ko naman sila bilang sagot. "Panghe naman ng crush mo." buwelta ko dito.

Kaagad nagsalubong ang kilay niya at akmang hahablutin ang buhok ko pero kaagad siyang napigilan ni Avery. "Bwiset ka! Amoy aficionado kaya si bebe Kendrick ko!" irit ni Kiana.

Tumawa si Avery. "Wag mo ng patulan, Kiana. Kita mo namang laki 'yan sa broken family kaya hindi naniniwala sa pag-ibig." pang-aasar pa nito.

Sa halip na mainis, natawa pa 'ko sa sinabi niya.

Totoo naman e, dahil talaga do'n kaya hindi ako naniniwala sa potanginang pag-ibig na 'yan kasi if love really exist, bakit nambabae si Papa at iniwan kami? To clarify things, hindi ako bitter. Tanggap ko na 'yon. Tinatawanan ko na nga lang e.

"Feeling ko hindi na siya aromantic, manhid na siya." singit pa ni Ethan habang nakatingin sa 'kin at tumatango tango. Siya ang nag-iisang lalaki sa tropa namin.

Ewan, bakla siguro talaga 'to nahiya lang umamin.

Kaagad 'yon sinang-ayunan ng mga hayop kong kaibigan.

"Pag ikaw talaga na-inlove, makikita mo." pananakot pa ni Kiana.

Nginisian ko siya. "Mas posible pang tamaan ako ng kidlat keysa mangyari 'yan."

Natigil ang kwentuhan namin ng dumating ang teacher namin sa MIL. Halos minura ko na nga pati si satanas nang bigla na naman 'tong nagpa-surprize quiz e once a week nga lang siya umattend ng klase sa 'min dahil tinatamad siya umakyat ng 4th floor.

"By the way, next week is the exhibit of Greek Gods and Goddesses, so now, you have to choose at least eight of your classmate to perform the exhibit. Three boys and Five girls to be specific."

Oo nga pala, 'yan ang final project namin sa MIL dahil graduating na kami. Marami rin gawain at halos tambakan na kami ng written works lalo na sa creative non-fiction dahil halos ata ng pagsusulat ginawa na namin. Tapos yung deadline sabay sabay, kesyo next month pa naman daw ang pasahan. Mabuti sana kung iisa lang subject namin ano? Idagdag mo pang sabay ang research defense ng 3i's namin at entrep.

"Aba, yung pabigat sa groupings problemadong problemado." pang-aasar ni Ethan sa 'kin habang nakatitig sa mukha ko.

Inirapan ko siya. Tama naman siya doon pero ako ang nagbabayad ng pamparint at bond paper 'no! "Tingin mo sa 'king pabigat hindi nas-stress? Tao rin ako 'te."

Natawa naman siya sa sinabi ko bago ginulo ang buhok ko. Kaagad ko tinampal ang kamay niya bago nakasimangot na inayos ang buhok ko. Hirap kaya ayusin nito! Bwiset na school air!

"Si Blaire, sir! Perfect siya maging Aphrodite! Goddess of Beauty!" kaagad naghiyawan ang mga kaklase ko nang sabihin 'yon ni Raiden, ang president ng room namin at nakakadiri mang sabihin pero crush niya 'ko!

Napangiwi ako nang bigla niya 'kong kinindatan. Wtf? Hindi tayo talo.

"Raiden, kilabutan ka nga! Mas bagay maging Hades 'to!" buwelta ni Ethan na umani ng tawanan at kaagad ko siyang pinagbubugbog at todo aray naman siya pero natawa pa rin.

Bwiset! Lagi na lang ako napapagtripan! Maling section talaga napuntahan ko!

So yun nga, dahil sa bwiset na Raiden na 'yon ako na nga ng gaganap na Aphrodite sa exhibit!

Noong una ayaw ko kasi shet naman hindi ko kaya umawra awra sa harap ng maraming tao! KASO NAKNAMPUCHA IT'S EITHER SASALI DAW AKO SA EXHIBIT O MAGS-SYMPOSIUM AKO MAG-ISA!

Bagsak balikat akong napabuntong hininga dahil naging final decision na 'yon.

Si Raiden si Zeus, si Lucas si Hermes at bagay na bagay talaga ang gaganap na Hades, sino pa ba edi ang salaulang si Ethan. Si Kiana naman si Athena, Avery as Artemis at si Jean si Persephone.

"Sir sino po yung pupunta sa exhibit?" tanong ni Jean, secretary namin pero tamad magtake ng notes.

"Lahat ng G12 STEM student. Sa kanila niyo ibebenta ang ticket niyo at sabihin niyo sa 'kin pag hindi sila bumili dahil page-examin ko sila."

Impit na nagtilian ang mga kaklase kong babae at syempre, pinaka malakas ang kay Kiana at Avery.

Sa tatalandi talaga.

"Omg! Omg! Pwede ba Sir wedding gown suotin ko?!" tumitiling tanong ni Kiana habang pinapaypayan ang sarili.

"As if naman papakasalan ka ni Kendrick panghe." sagot ko dito at kaagad nanlisik ang mata niya sa 'kin at binato ako ng notebook.

Napabulalas ako ng tawa nang si Ethan ang tinamaan sa halip na ako. Duling talaga 'to umasinta.

"Aray Kiana babe!" napanguso si Ethan habang hinihimas ang noo niya.

Ganoon natapos ang klase namin sa buong araw. Panay asaran lang at malamang tulog na naman ako pagkarating sa bahay dahil napagod ako sa kakatawa.

Magkaiba ang daan namin pauwi at kami lang palagi ni Ethan ang magkasabay dahil magkalapit lang ang bahay namin. Sinamahan muna namin sina Kiana at Avery sa paradaan para makasigurado kami na ligtas silang makakauwi. Araw araw naman gano'n dahil kahit maloko si Ethan, napaka protective niyang kaibigan.

Swerte ng magiging gf nito. Kaso baka mamatay siya sa selos dahil may tatlo 'tong gbf na abot langit ang ganda. . . at yabang na rin.

Hinawakan ko ang braso ni Ethan habang nakatayo kami sa may gilid ng paradahan. Tuluyan nang naka-alis ang jeep na sinakyan ni Kiana at Avery at naghihintay na lang kami ng tricycle.

Sinandal ko ang ulo ko dito at napakunot ang noo ko. Teka. . . kelan pa tumigas ang braso ni Ethan? Wala naman 'tong muscle sa katawan ah. Saka parang mas tumangkad ata siya at wait? bakit ganito 'tong amoy niya? Hindi siya amoy baby cologne! Napaka manly ng amoy.

"Nagpalit ka ba ng pabango, Ethan?" tanong ko dito pero hindi siya sumagot.

Napakurap ako nang makita ang isang lalaki na bumibili ng ice cream sa di kalayuan, teka. . . si Ethan ba 'yon?

NAKNAMPUCHA SI ETHAN NGA!

Kung nandoon si Ethan edi kaninong braso 'to?!

Mabilis kong binitawan ang braso ng lalaki bago pulang pula na humarap sa kanya.

TAMA! HINDI NGA SI ETHAN 'TO! MAS LAMANG ATA 'TO NG BENTENG PALIGO SA KANYA!

Intimidating ang aura niya at mukhang may galit sa mundo malayo sa bubbly personality ni Ethan!

"Hala sorry kuya! Akala ko ikaw ang kaibigan ko! Sorry talaga! Sorry! Sorry!" sunod sunod na paumanhin ko habang yumuyuko. Nakakahiya!

Napa-awang ang labi ko nang kumuha siya ng alcohol sa bag at binuhos niya sa braso niya. Walang emosyon itong nakatingin sa 'kin habang pinupunasan ang braso, diring diri.

"Disgusting."

The Aromantic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon