Chapter 5

17 6 0
                                    

"Tatanggapin mo ba yung offer ni Cash sayo?" mahinang tanong ni Kiana sa 'kin.

Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy na lang sa pagt-take ng notes. "Hindi ko alam."

Sa tuwing naiisip ko na kailangan ko tulungan si Mama, gusto ko tanggapin. Kaso sa tuwing naaalala ko naman na si Cash ang nag offer sa 'kin parang ayoko na pala. Parang huwag na lang. Like what I've said Cash is up to something. And my guts told me that I should stay away from him. Sa tuwing nagkikita kami, napapahiya ako. Paano pa kaya kung magt-trabaho ako sa mama niya? Saka what if warfreak na masungit na strikta pala ang mama niya? What if kaugali niya? Edi parang nagsuicide na rin ako nun. But my mom needs me. . . argh! Ewan! Nakakalito!

Ginulo ko ang buhok ko bago dumukdok sa armchair. "Ayoko na mabuhay. . ." lantang saad ko.

"Bakit hindi mo muna i-set aside ang pagkamuhi mo kay Cash? Saka isa pa, we really don't know the person yet. Malay mo mabait pala? Judgemental lang talaga tayo." giit ni Kiana.

"Pero dalawang beses na 'kong napahiya nang dahil sa kanya. Mabait pa rin ba ang tawag doon?" buwelta ko sa kanya.

"We really don't know the other side of the story. Malay mo duling lang talaga siya kaya siya nakatingin sa 'yo kahit si Lucas naman talaga ang kausap niya?" pagrarason pa nito.

Napabuga ako ng hangin. "Imposibleng duling 'yon e gold medalist siya sa Archery."

Napakurap si Kiana. Tinaasan niya 'ko ng kilay. "Saan mo nalaman 'yan?"

Iniwas ko ang tingin sa kanya. "Ni research ko siya kagabi." mahinang sagot ko.

Mabilis na dumaan ng nakaka-asar na ngisi sa mukha niya. "Crush mo siya 'no? Umamin kana!"

Mabilis akong umayos ng upo. "Yuck! Ginawa ko lang naman yun dahil I can't go to a battle without knowing my enemy!" depensa ko.

"Yung research defense natin ket isang rrl wala kang binigay tapos malalaman ko nag research ka about kay Cash?! That's a different level, Blaire!"

"Manahimik ka nga diyan-"

"KAYONG DALAWA ANG MANAHIMIK!" napaigtad ako dahil sa sigaw ni Ma'am Anne. Nanlilisik ang mga mata niya sa 'min at nagpupuyos sa galit. Sabay kaming napayuko ni Kiana. "Nagdi-discuss ako dito tapos nagdi-discuss din kayo diyan sa likod?! Anong subject niyo ha? Araling Panchismisan?!"

Nadinig ko ang mahinang hagikgikan ng mga kaklase ko.

"Ang witty niyo, Ma'am! Post ko 'yan! Hashtag Araling Panchismisan session with Teacher Kiana and Blaire!" maarteng saad ni Morisette at mas lumakas ang tawanan ng mga kaklase ko.

"Isa ka pa, Morisette! Puro ka fb kaya hindi ka tumatalino! Puro manifesting post sa fb, e kung nagrereview ka kaya para makapasa ka?!" singhal ni Ma'am sa kanya at kami naman ni Kiana ang napatawa.

Ano ka ngayon. Sawsaw pa, e.

"Kiana! Stand up!" maawtoridad na saad ni Ma'am habang nakapameywang. "Pag hindi niyo nasagot ang tanong ko, hindi kayo makakakuha ng final exam sa 'kin."

Napalunok naman ako ng laway. Buti na lang nag take ako ng notes.

Mabilis kong binaba ang tingin sa notebook ko at nagbasa habang naka focus pa si Ma'am kay Kiana.

"What is the seven elements of arts?!"

Ay naknampucha!

CPAR pala subject ni Ma'am! TNCT nirereview ko! Bobo talaga, Blaire!

"Line, color, shape, texture, form. . ." pumikit si Kiana. "V-value. . . ano pa nga ba yung isa. . ." kinagat niya ang pang-ibabang labi bago dumapo ang mga mata kay Avery, humihingi ng tulong.

The Aromantic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon