"Kahit 'wag niyo na make-up-an si Blaire, maganda na 'yan." saad ni Raiden.
Kung hindi lang ako nilalagyan ng eyeliner ngayon malamang umikot na 'tong mata ko.
"Tama na ang kapupuri kay Blaire. Wala naman 'yang pakealam sa mga sinasabi mo." buwelta pa ni Akashi, ang tirador ng ABM strand at vice president ng room namin. Siya rin ang nagm-make up sa 'kin ngayon.
Exhibit na namin ngayon. Time really flies at nakalipas na kaagad ang isang linggo ng hindi ko man lang napapansin. Siguro gan'on talaga pag graduating ka na, mabilis ang oras. Parang nagmamadali.
Dumapo ang mga mata ko kay Kiana. Katabi ko kasi siya dahil sabay kaming inaayusan ni Akashi. Multi-tasker talaga 'to.
Nakamurot ang mukha niya at mukhang may tantrums siya ngayon.
"Huy, bakla, ba't ganiyan ang itsura mo? Ampangit." tanong ko dito.
Mabilis niyang nakurit ang braso ko kaya napahiyaw ako sa sakit. GINAWA AKONG ISDA!
Maiyak iyak kong hinipan ang braso ko. Parang humiwalay ata yung balat sa laman.
"Wag mo 'kong pinipikon, Bukambibig. Badtrip buong circulatory system ko ngayon." buwelta niya.
"Wag kang malikot, Blaire. Lalagyan na kita ng eyeshadow." anunsiyo ni Akashi at sinunod ko naman siya.
"Bakit? May nangyari ba?" tuloy kong chika kay Kiana habang nakapikit.
Nakakakiliti naman 'tong ginagawa ni Akashi sa mata ko.
"Ininvite ko si Kendrick. . . for the first time, sinendan ko siya ng private message. Napa-swallow my pride ako doon para lang i-invite sana siya manuod ng exhibit natin ngayon."
"Ang kaso?"
"Ang kaso. . ." nadinig ko ang pag-atungal niya. "Mas gusto niya raw mag-exam keysa umakyat baba sa 4th floor!"
"Pota! Yung makeup mo, Kiana! Yung eyeliner nasira na!" mura ni Akashi bago ako tiningnan ng masama. "Dami mo kasing tanong, e."
Mabilis akong nag peace sign sa kanya.
"Huy anong nangyari kay Kiana babe?!" tanong ni Ethan ng makapasok sa loob.
Napanguso ako ng makita ang pagmumukha niya. Tapos na siya ayusan bilang Hades. Dapat pangit ayos nito e! Bakit ang gwapo niya ata!
Bagay pala sa kanya yung dark makeup tas kunwari may itim na ugat sa right eye. Nakaitim rin siyang lipstick. As in lahat, itim. But it suits him well. Sabagay, Australian ang nanay niya e. That justify everything.
Pinagkrus ko ang daliri ko bago tinapat sa kanya. "Lumayo ka satanas! Hindi ka nababagay sa mundong ito! Hambarabida! Hambarabida! Umalis ka!"
Pinaningkitan niya 'ko ng mata pero sumakay na rin siya sa trip ko. Tumawa siya na mala demonyo habang nakataas ang dalawang kamay sa hangin. "Hindi mo 'ko mapapa-alis! Akin ang lupang ito!"
"Hindi! Kay Asyong!"
Sabay kaming tumawa pagkatapos nun. Natigil lang kami ng sinabunutan ako ni Akashi pabalik sa upuan ko. Para tuloy akong batang nagt-tantrums ngayon habang nakaupo! Hmp! KJ!
Matapos ang ilang minuto, natapos na rin ako. Suot suot ko na rin ang costume ko at ang masasabi ko lang ay. . . GUSTO KO NG UMUWI! AYOKO NITO! WHITE DRESS AMP!
Sumusinghot singhot ako habang inaayos ang costume ko. White puff dress 'to na nilagyan ng malaking belt na kulay gold. May malaki rin akong kwintas na kulay gold. May nakadikit rin sa braso ko na gold na tela at ginupit gupit ang dulo. May kemerut rin ako sa ulo na parang perlas ata at kinulot nila ang dulong banda ng hanggang beywang kong buhok.
"WOW, BLAIRE BABE! GANDA GANDA MO!" puri sa 'kin ni Ethan bago walang pasubali na pinicturan ako.
"DELETE MO 'YAN! EPIC AKO DIYAN!"
Ngumuso siya. "Hindi ah! Ganda nga e!" hinila niya sina Kiana at Avery bago inabot kay Akashi ang cellphone. "Picturan mo kami, remembrance sa shs life namin."
Inakbayan niya 'ko at si Kiana habang si Avery naman ang inakbayan ko.
"1.2.3! SMILE!"
*CLICK!
*CLICK!
*CLICK!
"Send mo 'yan sa gc natin, Ethan. Myday ko later after ng exhibit." saad ni Avery pagkatapos kaming magpicturan. Mukha lang mabilis pero naka sampung pose ata kami doon. Halos epic lahat 'yon, for sure.
Nagthumbs-up lang si Ethan bilang sagot at tutok na tutok sa cp niya.
Akashi claps her hand. "10 minutes na lang, mags-start na. Magready na kayo. Wag muna kayo magpa-pakita sa mga tao para hindi spoil ang exhibit natin. Dito lang kayo sa room." paalala nito.
Bali kasi, hiniram namin ang room ng kabilang section. Ito ang naging dressing room namin at yung room namin ang magiging main exhibit, doon kami rarampa.
"Ilang beses ba kami rarampa?" tanong ko kay Akashi.
"Hindi per section ang pasok nila sa loob so bali. . . mga ten or more times niyong uulitin yung rampa niyo. 20 students lang muna ang papapasukin sa loob dahil medyo mainit rin dahil tinakluban natin yung mga bintana ng kurtina at isa pa, medyo maliit na yung space na rarampahan niyo dahil may mini arko pa tayo sa loob na pagtutungtungan niyo sa final pose niyo bago kayo pumunta sa mga pwesto niyo. May picture taking rin na magaganap so bali si Laxus ang magiging photographer at iu-upload doon sa page na ginawa ko para doon nila hanapin yung mga mukha nila after ng exhibit." mahabang paliwanag ni Akashi. Siya kasi ang parang coordinator ng exhibit namin.
With highest honor kasi si ateng kaya isang pribilehiyo na nasabunutan niya 'ko kanina.
"Sana magpapicture sa 'kin si Froster!" kinikilig na saad ni Avery.
Kaagad humaba ang nguso ni Kiana. "Hindi aakyat ang baby ko."
Inakbayan siya ni Ethan. "Edi ako na lang magpapa-picture sa 'yo!" positive na saad nito habang nakaturo sa sarili.
"Sira, e kasali ka rin, bawal ka umalis sa pwesto mo! Isa pa, hindi ikaw ang crush ko!" maarteng saad ni Kiana bago tinanggal ang braso ni Ethan sa balikat niya.
Ethan pouts like a child. "Bakit ba kasi hindi ka niya aakyatin dito?"
"Kasi tanga ka daw." singit ko sa kanila at kaagad niyang sinundot ang tagiliran ko at napatalon naman ako bigla. "Siraulo ka talaga!"
Nagmake face lang ito sa 'kin bago tumawa.
"So ganto ang pagkakasunod, si Zeus ang una sunod si Artemis, sunod si Demeter, sunod si Hermes, sunod si Athena, sunod si Hades at panghuli si Aphrodite." anunsiyo ni Akashi.
"Save last for the best, ika nga nila." biglang saad ni Raiden na nagpangiwi sa 'kin.
"Naniniwala na talaga akong aromantic si Blaire dahil after 2 years na panlalandi sa kanya ni Pres, walang effect." saad ni Ikay, one of my classmate at halimaw sa gen math dati. Sila palagi ni Akashi ang magkalaban sa debate. 3-2 na nga score nila e.
But neither did they know, kaklase ko mula kinder hanggang 6th Grade si Raiden. Nagkahiwalay lang kami ng school noong magj-junior high na kami, that's also when I met Avery, Kiana and Ethan. But before them, Raiden was my first friend. Hindi ko alam kung anong nangyari why we ended up like this. Maybe because I don't want to reconnect with the past. Wala rin namang nagt-tanong kung magk-klase kami dati so I didn't budge. Siya rin naman, tahimik lang tungkol do'n.
"Sus, gano'n talaga pag hindi mo gusto ang tao. Kahit anong gwapo pa niyan, o talino, kung hindi mo gusto, hindi mo gusto." sagot ni Chloe, kaibigan niya.
"Zeus ikaw na!" tawag ni Akashi kay Raiden pero nakatulala lang ito. "Zeus, ano ba?!"
"Psst! Uy!" tawag ko kay Raiden at mabilis naman siyang napatunghay at napatingin sa gawi ko.
"Y-yes?" gulat na saad nito.
"Ikaw na daw." nginitian ko siya "Galingan mo." binigyan ko siya ng thumbs up.
BINABASA MO ANG
The Aromantic Girl
Fiksi RemajaThis story is about a girl who's aromantic, she hate the concept of having a crush, butterflies on the stomach and anything sweet. She has no romantic attraction to others. And there is a man who's not interested to anyone, a nonchalant they say. I...