FIRST DAY OF MY COLLEGE JOURNEY AT HINDI AKO NAKAPAG TOOTHBRUSH.
POTANGINA!!!
"Gago ba't kasi iniwanan yung toothbrush! Napaka bobo!" tawang tawa na saad ni Kiana habang pinaghahampas ang braso ni Avery.
Si Avery naman ay halos maluha na at wala ng tunog yung tawa. Ni hindi niya na nga rin magawang makapagsalita e.
"Tanginaniyo hindi kayo nakakatulong." mura ko sa sobrang pagkapikon.
Kasalanan 'to ni Mama! Siya naghanda ng gamit ko! May dala akong toothpaste pero toothbrush wala! Ending nagmumog na lang ako tapos tinira ko yung fresh na baon baon ko sa byahe kahapon.
MALE-LATE NA KASI KAMI PAG BUMILI PA 'KO NG TOOTHBRUSH! Hindi ko rin saulado 'tong lugar. Malas!
Hindi pa rin sila tapos tumawa kahit nakapasok na kami sa loob ng gate ng unibersidad.
Sobrang daming estudyante na pagala gala at mukhang first day of school din nila dahil may hawak silang mapa at nagtuturo pa. Halatang hindi sila umattend sa orientation noong isang araw.
Magkaka-iba kami ng course nina Kiana. Si Avery ay flight attendant, tapos si Kiana, nursing. Si Ethan naman ay civil engineering. Nasabi niya rin sa 'kin na kablockmate niya raw si Sensei.
Nasa same apartment pa rin kami nina Ethan pero nasa 2nd floor siya. May kasama siyang dalawang lalaki do'n. Nasa 3rd floor kasi kami pero kahit ganoon, parati pa rin siya naka tambay sa apartment namin. One of a girls talaga.
"Hala pota andaming pogi!" manghang saad ni Kiana.
Nakangiwi ko siyang nilingon. Naghugis star na ang mga mata niya habang nakatingin sa tatlong lalaki na mga 6 footer at mapuputi.
"Naks, hindi makita yung nakasulat sa board pero pag pogi kahit andaming tao kitang kita?!?!" i said annoyingly.
Dumapo naman ang mga mata ko kay Avery na naka-ayos na ng tayo habang nanunuklay ng buhok.
Kinalabit ko siya. "Hoy! Bawal ka na." suway ko kay Avery at nginiwian niya 'ko.
"Stupid. Ayun yung manliligaw ko oh!" may tinuro siya sa di kalayuan at sinundan ko 'to ng tingin.
Ah, si Foster pala. Nakatayo siya sa may tabi ng bench habang nakapamulsa. Mukhang hinihintay si Avery. Nagkawayan sila at nagpalit ng matatamis na ngiti. Lihim naman akong nasuka.
"Bye na! Kita na lang tayo later!!" paalam ni Avery sa'min at tinanguan ko na lang siya.
"Hoy Avery magco-condom ha!" kadiring paalala ni Kiana at halos batuhin siya ng sapatos ni Avery bago nanakbo papunta sa direksyon ng lalaki.
Nang lingunin ko si Kiana ay nakatingin na siya sa 'kin habang may nakakalokong ngiti sa labi.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano?" maangas na tanong ko.
"Saan naghihintay si Cash?" mapang-asar na tanong nito.
Kinunotan ko siya ng noo. "Pinagsasabi mo?"
"Asus! Sabihin mo na kaagad! Kung si Cash ang bf mo dapat hindi mo nilo-lowkey! Kung ako 'yan imement ko pa name niyan sa bio ko!"
"Sige lang, gampanan mo 'yang katangahan mo." sagot ko rito bago magsimula ng maglakad.
"I guess everyone found their lovers except me." habol pa nito bago maglakad na rin sa opposite direction ko. Napailing na lang ako habang pinapanuod siyang magpa cute sa tatlong lalaki na tinititigan niya kanina.
Sino kaya sa kanila ang magpapalabas sa clingy side ni Kiana? Hays... ano bang pake ko.
Tinapat ko ang kamay ko sa bibig ko bago bumuga ng hangin at inamoy amoy ito. "Mabango naman." saad ko habang sumisinghot singhot.

BINABASA MO ANG
The Aromantic Girl
Fiksyen RemajaThis story is about a girl who's aromantic, she hate the concept of having a crush, butterflies on the stomach and anything sweet. She has no romantic attraction to others. And there is a man who's not interested to anyone, a nonchalant they say. I...