Chapter 31

19 3 0
                                        

Bigla niya tinapakan ang break ng kotse dahilan para tumama ang ulo ko sa unahang upuan. Malambot naman yun kaya hindi masakit pero halos lumabas ang kaluluwa ko sa ginawa niya!

"Shet! I'm sorry! I-i'm sorry!" he apologize quickly and stopped the car on the side of the road. Mabilis siyang pumihit para icheck ako.

Sinimangutan ko siya habang inaayos ang buhok ko. "Bakit ba bigla ka nag preno?! Kung gusto mo mamamatay, wag mo ako idamay!" sermon ko rito.

"You shocked me! I was caught off guard! You were just sleeping a while ago then suddenly you opened your eyes and you told me to fucking court you?!" mabilis na paliwanag niya habang pulang pula ang mukha at umaalon ang lalamunan.

"Oh bakit?! Ayaw mo ba?! Edi wag!" bawi ko rito habang nakataas ang kilay.

"W-wait, no! Gusto ko! And i'm gonna court you whether you like it or not! Besides i was planning to ask for your mother's permission so i can finally court you! BUT DAMN!" napatakip siya ss bibig habang nanlalaki ang mga mata. "You asked me yourself..." hindi makapaniwalang saad niya. Napatawa naman ako dahil sa inakto niya. "I-I can't fucking believe this is actually happening, like, you?" tinuro niya ako. "You told me to court you? As in you? You ask me? Am i not dreaming? Am i hallucinating? Can you slap me-"

PAK!!

And so i did.

Tumango siya habang hawak hawak ang pisngi. "Okay, i'm not dreaming." he uttered softly. "Can i kiss you?"

PAK!!

I slapped him again.

"Ulol magmaneho ka na!" buwelta ko rito bago binalik ang tingin sa labas ng bintana.

Pinayagan na nga manligaw tapos hihingi pa ng kiss? Ay sadyang oportonista!

Nakangiti naman siyang tumango bago nagmaneho na ulit. "Thanks for the slapped. That's so memorable."

...

Alas dies na nang gabi nang tuluyan ako makauwi sa bahay. Sadyang si Sensei pa ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan bago kinuha yung maleta sa likod.

Kukunin ko na sana ng mag no sign siya. "Let the suitor do his job."

Napangiwi naman ako bago simulang maglakad pero pinigilan niya ako.

Mabilis niyang inalis yung maliliit na bato na nasa harapan ko at siya na rin ang nagbukas ng gate.

Plastic ko naman siyang nginitian bago pumasok sa loob. Hahakbang na sana ako nang pigilan niya na naman ako bago winasiwas yung mga bato na nasa harap ko gamit ang paa niya.

Napakrus ako ng braso nang dumapo ang mga mata niya sa akin. "Anong ginagawa mo?"

He chuckled awkwardly. "Baka madapa ka kasi."

Madapa? A lizard egg shape na bato madadapa ako? Aba nga naman.

Napailing na lang ako bago naglakad papunta sa bahay namin. Binuksan ko ang pinto at pinaupo ko si Sensei sa may sofa.

"Ma nandito na po ako!" tawag ko kay Mama bago pumunta sa may kusina para kuhanan ng tubig si Sensei.

"Anak!!" masayang bati sa akin ni Mama habang naglalakad pababa sa hagdanan. Binaba ko ang hawak na baso sa may lababo bago siya sinalubong nang mahigpit na yakap.

"Miss ko na hipon niyo, Ma." mangiyak ngiyak na wika ko.

Umagwat siya at hinarap ako. "Yung luto ko miss mo pero ako hindi?" naka pout na saad niya at napatawa naman ako.

The Aromantic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon