"Hi, Blairy Baby! Come inside!" pang we-welcome ni Tita Amor sa 'kin.
Kaagad ko siyang nginitian ng matamis bago pumasok sa loob ng bahay nila. Mangha kong ginala ang paningin nang makita kung gaano karami ang bisita ni Sensei. Lahat ata ng tao dito ay mga kilalang tao! Kita ko rin yung Mayor namin! And most of the people here are wearing suit. Buti na lang talaga at naka blue dress ako na pa off-shoulder at above the knee.
"Andami niyo pong bisita na mga Men in Black, Tita Ganda." biro ni Ethan.
Oo, kasama ko siya. Nabalitaan niya kasi na pupunta ako sa graduation party ni Sensei kaya nagpumilit siyang sumama dahil wala naman daw siyang gagawin. Kailangan ko rin ng kasama dahil alam kong ma-o-out of place ako dito kaya pumayag na rin ako.
Dapat sana sina Avery at Kiana ang kasama ko kaso ayun, graduation din ng mga crush nila kaya mag-kanya kanya muna raw kami. Kakapal ng mukha e hindi naman sila imbitado.
Tinawanan siya ni Tita Amor. "Silly, kid." komento ni Tita bago tumingin sa 'kin. "Hillux is upstairs. He hate this kind of thing and he will surely stay up there until the party is over." saad ni Tita. "Also, the food is in the dining area, okay?" tumango ako. "I also have to entertain the other visitors so bye bye and enjoy! I'm happy to see you both." nginitian ko siya bago siya tuluyang umalis at lumapit sa isang babae.
Nilingon ko si Ethan. "Mauna kana sa dining area. Ibibigay ko lang 'tong regalo kay Sensei."
Tumango siya bago nilapit ang bibig sa tenga ko. "May dala akong supot. Mag take out tayo ng shanghai." ngising ngisi na saad nito.
Mabilis kong hinampas ang braso niya. Tiningnan ko siya ng masama. "Mahiya ka nga!" maloko ko siyang nginitian. "Dagdagan mo na rin ng hipon."
Pursigido siyang tumango sa 'kin at tawang tawa kami na nag-apir.
I know he was just kidding around. There's no way he can do that.
Or so I thought. . .
Nagsimula na kaming maglakad ni Ethan sa magkabilang direksyon.
Umakyat ako sa hagdanan habang hawak hawak ang cupcake na nasa kahon. Sumalubong sa 'kin ang isang mahabang pasilyo na may apat na kwarto sa bawat pagitan at isang pinto na nasa dulo.
Napanguso ako. "Saan kaya nagtatago si Sensei dito?" tanong ko sa sarili.
"I'm here."
Napaigtad ako at mabilis na binaling ang tingin sa kanan ko. Nakita ko si Sensei sa may veranda. Naka sandal siya sa hamba ng sliding door habang nakapamulsa.
He looks fresh. Nakasuot siya ng white polo na nakatiklop ang manggas hanggang sa siko niya at itim na trouser. Mukhang hindi pa rin siya nakakapagpalit.
Matamis ko siyang nginitian bago naglakad papalapit sa kanya. Umayos siya ng tayo at binaba ang tingin sa hawak hawak kong box ng cupcake.
Masaya ko 'tong inabot sa kanya. Binalik niya ang tingin sa akin. "Congrats, Sensei."
"Thank you, Kenin." nginitian niya ako bago tinanggap ang regalo ko. Pinagmasdan niya ang laman ng box. "Wow, may whipped cream na. Improving." biro nito.
Napatawa ako sa sinabi niya. "Sa sunod may palaman na 'yan!" mayabang na saad ko.
He nodded while smiling. "I will look forward for that."
"Siya nga pala, ayaw mo raw bumaba sabi ni Tita. Bakit? Sayang naman, andaming tao."
"I hate crowded places. My social battery is low." sagot niya.
"Introvert ka sa gwapo mong 'yan?!" natatawang tanong ko. "Kung ako ikaw, mag-a-artista pa 'ko!"
He raised his eyebrow at me. "Did you just confess your feelings for me?"
BINABASA MO ANG
The Aromantic Girl
Teen FictionThis story is about a girl who's aromantic, she hate the concept of having a crush, butterflies on the stomach and anything sweet. She has no romantic attraction to others. And there is a man who's not interested to anyone, a nonchalant they say. I...