Chapter 30

12 3 0
                                    

Sabado nang gabi. Nandito ako ngayon sa may gilid ng kalsada at nag aabang ng masasakyan pauwi sa bahay namin.

Pagkagaling namin mula sa camping, napagpasyahan naming umuwi na dahil wala na pala kaming stock ng pagkain sa apartment. Nauna na silang dalawa umalis at ako nama'y natulog muna ulit at hapon na nagising.

Tungkol doon sa palaka, hindi nila alam na ako ang naglagay nun. I told them i went outside to pee and then when i came back, they were already shouting in fear and disgust. I was the one who opened the tent and helped them to go out. I know it's kinda evil. My favorite animal is me when i took my revenge.

And now my karma came, wala akong masakyan na jeep pauwi.

"Tangina," malutong na mura ko habang nakatingin sa jeep na nilagpasan lang ako. Sige, ganiyan kayo, nilalagpas lagpasan niyo lang ako. Parang hindi niyo ako pinipilit sumakay sa jeep niyo pag kulang ng isa. Mga opportunistic!!!

I tapped my feet on the ground like what I always do when I'm losing my patience.

Few minutes after, a very familiar car stopped by my side. The car window opened and i click my tongue as i saw the annoying exquisite face of Sensei. Of course, hindi dadaan ang isang araw na hindi kami nagkikita. Coincidence? nope. Destiny? Definitely not. He planned this.

"Need a ride?" he asked before licking his lower lips.

"Tagal mo rin nakaparada sa may tabi ng building ah. May hinihintay ka?" taas kilay na tanong ko rito.

Napaawang ang labi nito. Akala niya siguro hindi ko mapapansin yung blue sport car niya at nag-iisa rito sa lungsod. Napansin ko yun noong hapon pagkagising ko, sumilip ako sa may veranda ng apartment at may nakita akong asul na kotse sa may kabilang building. Nakatago pa ito ng konti at tanging yung pinaka dulo lang nito ang makikita mo.

"How did you..." he cleared his throat. He knows there's no point of asking. "You're alone in your apartment. I just wanna make sure you're safe." paliwanag niya pa.

Hindi ko siya sinagot at tinaasan ko siya ng kilay habang naka krus ang mga braso.

"You... wanna ride?" he asked again awkwardly.

Hindi ko siya sinagot.

"Hey, it's getting late, wala ka ng masasakyan pa uwi. Hatid na kita..." tinaas niya ang isang kamay sa ere. "Walang malisya."

I looked at the vehicles that passing by. Puro tricycle na ito at motor. Tumingin din ako sa wrist watch ko. Mag a-alas otso na nang gabi. I guess i have no choice but to let him fetch me.

Tinaasan ko siya ng kilay bago hinawakan ang maleta ko. "Walang malisya," paglilinaw ko.

He smiled happily before stepping out of his car. Kinuha niya ang maleta ko bago nilagay sa likod ng sasakyan. Ngiting ngiti niyang binuksan ang pinto ng shotgun seat para sa akin. "My pleasure,"

I smiled back at him. "No thanks." mataray na sagot ko bago umupo sa back seat.

He get in the car while scratching his neck. He start the engine and we drove away.

I didn't look at him. Not even a single glance. Nakahalukipkip lang ako sa tabi habang nakatingin sa labas ng bintana. Ganitong ganito ako noong unang sumakay sa kotse niya. "Yung jacket mo, ibabalik ko na." malamig na wika ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang mga mata niya sa salamin. "Why so sudden?"

"Para wala ka ng dahilan para bumalik sa bahay." prangkang sagot ko rito.

Nabalot kami ng katahimikan pagkatapos nun. Napabuntong hininga ako. Sayang. Nanghihinayang ako sa friendship namin. Napa komportable ko na sa kanya. Nasanay na ako sa kanya. But why we can't just stay friends forever? Why do he have to fall for me? Bakit sa akin pa? I thought our relationship is platonic. We agreed with the same thing, that love doesn't exist. But why...

The Aromantic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon