Parang binibiyak ang ulo ko nang magising. Nasapo ko ang ulo ko. Dahan dahan ako bumangon bago nagpunta sa cr para maghilamos.
Papalabas na ako ng cr nang harangin ako ni Kiana habang nakataas ang kilay at nakakrus ang braso.
"Kelan ka pa natutong mag-inom, babaita ka?" supladang tanong nito sa akin.
Nilagpasan ko siya bago nagtungo sa kusina at nagtimpla ng kape. Nakasunod naman siya sa akin hanggang sa umupo ako sa mini couch namin at tinabihan ako.
"Paano ako nakauwi?" tanong ko habang humihigop ng kape. Wala akong maalala sa nangyari kahapon. Basta ang alam ko nagpunta ako sa bar at nag walwal.
"Edi hinatid ka ng ka lowkey mo." sagot nito habang umiirap.
Napatingin ako sa kanya. Si Sensei? Paano niya nalaman na nasa bar ako?
"So bakit ka nga nag inom? Tangina sabi mo kay Avery bibili ka lang ng gamot? Kelan pa naging botika yung bar ha?" panenermon nito sa akin. "Tapos twenty minutes lang dapat yung gugugulin mo para makauwi pero bakit inabot ka ng anim na oras? Napiritay ka te?" sunod sunod na bunganga nito sa akin.
Sinimangutan ko siya. "Daig mo pa si Mama manermon." puna ko rito.
"Ano nga kasi?! Bakit nga?!" gigil na tanong nito habang pinanlalakihan ako ng mata.
Suko naman akong napabuntong hininga. "Nakita ko lang naman ang magaling kong ama sa mall kasama bagong niyang anak na kaklase ko pala. Ano okay ka na?" masungit na sagot ko bago siya inirapan.
Lumambot naman ang ekspresyon niya. "Ano ginawa mo?" mahinang tanong nito.
"Inaway ko syempre. Pakialam ko naman kung nasa mall kami." mataray na sagot ko.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito.
Inirapan ko siya. "Satingin mo bakit ako nag inom?" balik na tanong ko sa kanya. Napanguso naman siya.
"Sino yung anak?"
Napatitig ako sa kape na iniinom ko. Paano ako papasok niyan kung makikita ko pagmumukha niya?
"Si Cookie." tipid na sagot ko.
Napaawang ang labi niya. "Yung kasama mo parati nitong mga nakaraang linggo?! Yung kulot ang buhok?!" paninigurado nito.
Tumango ako.
"Tangina kaya pala hindi ko gusto. Hindi nagkakamali instinct ko e! Basta kulot, salot!" napatawa naman ako. "Kapag nakita ko iyan ako mismo magtutuwid sa buhok niya." nanggigigil na dagdag pa nito. "Ay teka!" she snapped her fingers.
"Ano?" tanong ko rito. Bilis magbago ng mood.
"Long weekend ngayon gago!" saad niya halatang excited.
"Oh? uuwi ka?" tanong ko.
Umiling siya. "Wala si Mama! mabubulok lang ako sa bahay. Ikaw ba?"
Umiling din ako. "Wala rin si Mama. Kasama ni Gov sa Batangas, may inaayos ata."
"AYOS!" she clapped her fingers. "Mag ca-camping tayo!" excited na saad niya.
Napakurap ako. "Saan tayo sasakay?"
Malawak siyang ngumiti sa akin. "Edi kay Cash mo!"
Napaawang ang labi ko. "Ano?!" gulat na tanong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit? Long weekend naman ah! Walang gagawin! Saka sarado din bakeshop diba? Pumayag din siya!"
Wow, napapayag niya yun?
"Mag ayos ka na! Bibili lang ako mga snacks natin." paalam niya bago lumabas.
Napatulala naman ako sa kawalan bago sumandal sa couch. "Ano kayang ginawa kong katangahan kahapon?" tanong ko sa kawalan. Makikita ko naman si Sensei mamaya, makakapag sorry din ako kung ano mang kahihiyan ang nagawa ko kahapon.

BINABASA MO ANG
The Aromantic Girl
Teen FictionThis story is about a girl who's aromantic, she hate the concept of having a crush, butterflies on the stomach and anything sweet. She has no romantic attraction to others. And there is a man who's not interested to anyone, a nonchalant they say. I...