It's been a week since that batuhan ng putik happened. It makes us feel more comfortable with each other. I appreciate all his efforts, kahit yung pagbati niya ng good morning sa umaga.
Nasanay na ako sa kanya. Kapag nilalandi niya ako, i don't feel cringe anymore. I don't know, it's just happen magically.
Lagi na rin kami magkasama tuwing same kami ng vacant. Minsan na lang namin kasama si Ethan dahil madalas nagpapaiwan na raw yun sa room nila at doon nagagawa ng plates.
Tuwing breaktime ay sabay kami kumakain at minsan ay sinusundo niya pa ako sa room namin. Syempre usok ilong na naman si Cookie. Hatid sundo niya pa rin ako kahit sa hapon pa class niya, hinahatid niya ako sa University tapos uuwi siya ulit.
Nandito kami ngayon ni Sensei sa library, tulog siya sa tabi ko at nakatagilid ang ulo sa desk.
Napakagat ako sa labi para pigilan ang pag guhit ng ngiti sa labi ko. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. Dahil tulog naman siya, malaya ko siyang matititigan.
Naka side view siya kaya't pansin na pansin mo ang napaka tangos nitong ilong. Sobrang haba rin ng itim na itim niyang pilik mata, mas mahaba pa sa akin.
Napalunok ako nang dumapo ang mga mata ko sa labi niya.
His lips look so red and soft...
His face look so perfectly sculpted by the famous sculpture. Bakit ngayon ko lang napapansin ang mga bagay na 'to?
Dahan dahan mumulat ang mga mata ni Sensei. Ngayon ko lang din napansin na almond pala ang color ng mga mata niya.
It looks so captivating and praiseworthy.
Napakurap ako nang marealize na nakatitig na rin siya sa akin. Tumighim ako bago kinuha yung libro at binuklat sa nagbasa kunware.
Umayos ng upo si Sensei. "How long you've been staring at me?"
Hindi ko siya nilingon. "Chineck lang kita kasi baka tumutulo na pala yung laway mo." pagrarason ko pa. "Busy kaya ako magbasa rito."
Kahit hindi nakatingin, alam kong tinaasan niya ako ng kilay. "Really?"
Tumango tango ako. "Yup!"
"How can you read it if it's upsidedown?"
Nanigas ako sa kinauupuan bago napakurap. Napalunok ako bago dahan dahan binaba yung libro saka nagpeke ng ngiti sa kanya. "Gusto ko kasi may thrill. Yung mahihirapan ako, oo."
He shook his head while smiling. "You and your lame excuses."
Napanguso naman ako. We talk a little before we decided to finally go back to our respective classrooms cause the class is about to start.
"Blooming ka," puri ni Pepper sa akin habang nakahalumbaba sa may desk. Hindi ko rin alam bakit siya nakaupo sa tabi ko.
Napailing ako habang nakangiti. Hindi ko rin alam kung bakit ako nakangiti. Basta these past few weeks, lalo nag vibrant ang awra ko.
"Pautang,"
Napatawa ako bago siya binato ng nakabilog na papel. "Ulol hanap ka ng ibang mauuto mo!"
Humaba ang nguso niya. "Ay teka," umayos siya ng upo. "Pupunta ka sa party ni Cookie?"
Mabilis na kumunot ang noo ko bago nilapit ang mukha sa kanya. "Party?"
Taka niya akong tiningnan. "Sa Sunday. Kasi diba nanalo na naman siya sa baking contest! Tapos naisipan niya magpa-party." may hinugot siyang invitation card galing sa bulsa bago pinakita sa akin.
You're invited in Cookie's Party. 6:00pm in the evening at Rodriguez Residence.
Napataas ang kilay ko. Sa bahay pala nila yung party?

BINABASA MO ANG
The Aromantic Girl
Novela JuvenilThis story is about a girl who's aromantic, she hate the concept of having a crush, butterflies on the stomach and anything sweet. She has no romantic attraction to others. And there is a man who's not interested to anyone, a nonchalant they say. I...