Tuliro.
Tuliro ako habang nag iihaw ng marshmallow sa bonfire. Nakabilog kaming lima roon.
Kiana. Ako. Avery. Ethan. Sensei.
Ganiyan ang arrangement ng upo namin. Gabi na at plano namin mag star gazing.
Hindi ako makatingin sa direksyon ni Sensei dahil sa nangyaring confession kanina. Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang yun ay iniwan ko siya at bumalik ako kina Kiana na tuliro at lumilipad ang utak. Hindi ako makapaniwala. Gulong gulo ang utak ko maging ng emosyon ko. Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Hindi ko alam kung paano umakto. Ni hindi ko na nga siya nagawang komprontahin dahil umurong ang dila ko. Feeling ko pa ay pipiyok ako kapag sinubukan ko magsalita.
Dapat ba ako magalit dahil hindi niya pinangatawanan ang motto namin? Akala ko ba there's no such thing like pagibig? E bakit siya nag confess? Saka kelan niya pa ako gusto? Matagal na ba? Bakit niya ako nagustuhan? Wala namang kakaiba sa akin bukod sa pagiging aromantic ko. Saka aware naman siya na ganoon ako kaya bakit siya nahulog sa akin? Saka diba pusong bato siya? Ano 'to? Bakit may pa ganon?
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Mukhang kailangan namin mag-usap dahil hindi ako makakatulog nito. Gusto ko man siyang iwasan pero hindi pwede dahil mapapansin nina Kiana kung magiging distant ako bigla. Malamang ay hindi nila ako titigilan.
Napabuntong hininga ulit ako. Naalala ko si Raiden bigla. Kaibigan ko rin siya dati pero iniwasan ko na siya noong umamin siya sa akin. Alam ko ang toxic ko roon pero hindi ko na siya magawang kausapin katulad ng dati. Feeling ko ay trinaydor niya ako. Kaibigan turing ko sa kanya tapos crush pala turing niya sa akin. Hindi ko na pwede gawin ang dati kong ginagawa sa kanya dahil bibigyan niya na ng malisya yun. Ayoko naman na isipin niya na gusto ko rin siya. Umiwas ako para hindi ko siya mabigyan ng mixed signals. Para rin sa kanya yun.
Pero paano ko iiwasan si Sensei ngayon? Feeling ko ay hindi ko kayang i-cut off siya. Isa pa hindi na ako bata katulad nang dati para takasan ang ganitong bagay. Masyado na kaming malapit sa isa't isa.
Sunod sunod kong sinubo yung apat na marshmallow sa bibig ko.
"Te gutom na gutom?" natatawang tanong ni Kiana habang nakatingin sa akin.
Nagpeke na lang ako ng ngiti. Kahit hindi nakatingin, aware ang buong sistema ko na kanina pa nakamasid si Sensei sa akin.
"Cash tropa diba may dala kang gitara?" tanong ni Ethan.
"Ah, yes?" sagot nito.
"Kanta ka naman oh!" request ni Ethan.
Matagal bago ito sumagot. Napatingin ako kay Sensei. Dahan dahan siyang tumango habang hindi nakatingin sa akin.
Umiwas na ako at kunware ay naghahanap ng shooting star sa langit.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag alis ni Sensei. Nakahinga naman ako nang maluwag pero saglit lang yun dahil bumalik siya bitbit ang gitara.
Nakanguso ako habang nakatingala sa langit. "One, two, three..." binibilang ko kunware yung mga stars.
Nadinig ko ang pag strum nito sa gitara.
"Kung ika'y magiging akin
Di ka na muling luluha pa
Pangakong di ka lolokohin
Ng puso kong nagmamahal..." panimula nito.Napaawang ang labi ko nang marinig ang boses niya. Parang si Adie lang!
Napairit si Kiana ganoon din si Avery. Si Ethan naman ay nakanganga at hindi makapagsalita.
Dahan dahan akong napatingin sa kanya at nagtagpo ang aming mga mata.

BINABASA MO ANG
The Aromantic Girl
Ficção AdolescenteThis story is about a girl who's aromantic, she hate the concept of having a crush, butterflies on the stomach and anything sweet. She has no romantic attraction to others. And there is a man who's not interested to anyone, a nonchalant they say. I...