Chapter 15

14 3 0
                                        

Blaire POV

"Bukambibig, Blaire Jaix. With honor."

Napangiti ako nang marinig ang mga palakpakan ng kaklase ko.

Hindi nila ako maasar sa apelyido ko ngayon dahil kay Mama!

Today is our graduation day. Hindi ko namalayan na nakalipas na pala ang isang linggo. Ni hindi ko na nga tanda ang mga scores ko sa exam. Parang kanina lang desperada pa 'kong nagpapapirma ng completion slip, ah.

Kumapit ako sa braso ni Mama habang umaakyat kami sa hagdanan ng stage. Nakipagkamay ako sa mga bisita ng school namin bago pumunta sa gilid at doon sinabitan ng medalya.

"I'm so proud of you." malambing na saad ni Mama.

Parang hinaplos ng mga salita niya ang puso ko. Matamis ko siyang nginitian bago humarap sa camera at ngumiti.

Ngiting ngiti ako habang bumababa ng stage at bumalik sa upuan ko. Nagkahiwalay na kami ng daan ni Mama dahil sa likod ang upuan nila.

"Galing oh! With honor kahit pabigat sa groupings! Totoo ang himala!" buwelta ni Kiana at kaagad ko siyang tiningnan ng masama. Malakas na nagtawanan ang mga kaklase ko at yung mangilan ngilan din na taga ibang section na malapit sa 'min.

Pasalamat siya at malayo ang upuan niya sa 'kin! Isigaw ba naman! Kakahiya!

Papakyuhan ko na sana siya nang makita si Ma'am Anne na nakataas ang kilay sa 'kin.

Naknampucha baka bawiin diploma ko bigla.

Mabilis akong umupo. Nagpalakpakan kaming lahat ng tawagin ang pangalan ni Akashi sa stage.

"Ocheo, Akashi Rim, With Highest Honor." proud kaming nagsigawan at natahimik lang kami ng sawayin kami ng teacher namin.

"Valedictorian of the Batch 2022-2023, Rank 1 in Humanities and Social Science, Academic Excellence Awardee in Humanities in Social Science by the Philippine Senate, Journalist of the Year, Qualifier of Regional Schools Press Conference Feature Writing in English, 1st Place in Division Schools Press Conference Feature Writing in English, Best in Research, 1st Place in Talumpati 2022, Outstanding Performance in Arts, STI College Balayan Excellence Award, Lyceum of the Philippines University - Batangas Excellence Award and a PUP passer."

Nagtaasan ang balahibo ko habang manghang pinapanuod ang pagsabit ng mga medalya sa leeg niya. She deserves it. She really do. Ngayon pa lang, masasabi ko ng magiging successful siya sa hinaharap. She has a bright future. At sobrang proud ako na isa ako sa mga naging kaklase niya.

Nakangiti ako habang pinapanuod ang pagbalik niya sa upuan. I've never seen her this happy.

Halos umabot rin ng dalawang oras ang sabitan na 'yun dahil HUMSS strand ang may pinaka maraming estudyante. Ngayon, nags-speech naman yung mga bisita ng school namin.

Katamad makinig.

Nilabas ko ang cellphone mula sa bulsa ng white dress ko. Tinapat ko ang camera sa mukha ko habang hawak sa kabilang kamay ang diploma at kagat kagat ang medalya. I winked before I clicked. Mabilis ko 'tong sinend kay Sensei.

4:00

:You sent a photo.

:Graduate na 'ko, Sensei!


:Who asked?

Mabilis akong napasimangot nang mabasa ang reply niya. "Sama talaga ng ugali nito."


:Joke. Congrats.

:But is it really necessary to bite the medal?

:Ewan, ginaya ko
lang mga cm ko.

The Aromantic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon