"Hi Remrem!" masayang bati ko rito kahit ansama ng tingin niya sa akin.
Hindi niya ako pinansin at binaling ang tingin kay Sensei. Nakasimangot siya at mukha siyang trinaydor na naman.
Inilayo ni Sensei ang kamay niya sa akin bago seryosong tumingin kay Remrem. Ako naman ay nakamasid lang sa kanilang dalawa habang kumakain ng hipon. Hindi ko kaya tigilan.
"We need to talk." seryosong saad ni Remrem.
"Okay, go on." sagot ni Sensei.
"Not here. We need to talk. Alone." madiin na buwelta niya.
Mukhang matindi ang tensyon na nabubuo sa dalawa kaya nagkusa na ako. Tumayo ako habang hawak hawak ang plato ko. Nginitian ko sila. "Dito na lang kayo mag-usap. Sa baba na lang ako." volunteer ko pa at mabilis na bumaba.
Bakit palagi nakasimangot si Remrem pag naabutan kaming nagkasama ni Sensei?
Syempre isa lang ang rason. May gusto siya kay Sensei. Halatang halata siya pero hindi ko sure kung dense ba si Sensei o wala lang talaga siyang pakialam.
Madalas kasi seryoso lang yung mukha niya. Ayun na ata normal face niya. Hirap basahin ng utak.
Doon ako sa may swimming pool tumambay dahil doon wala masyadong tao. Tahimik lang ako kumakain doon nang biglang may tumabi sa akin.
Nilingon ko ang isang lalaking naka buzz cut at color blue ang buhok. Moreno siya at may hikaw sa kaliwang ilong. Kamukha niya yung lalaking nasa do revenge na movie.
Nginitian niya ako at tinanguan ko na lang siya. Medyo napatawa ito. "Sarap ng hipon diba?" panimula niya habang kumakain din. Parehas hipon ang binabanatan namin.
Tumango ako. "Sarap luto ni Cash."
"Masarap talaga magluto ang pinsan ko na yun." pag sang ayon niya.
Tumango na lang ako at nag focus na ulit sa pagkain. Mag pinsan pala sila. Kaya pala gwapo rin ang isang ‘to. Kaso mukhang bagong labas sa rehab.
"Magkaklase kayo?" tanong nito.
Umiling ako. "Hindi." tipid na sagot ko bago uminom.
"Girlfriend ka niya?"
Nasamid naman ako. "G-gago!" mura ko habang umuubo.
"Huy okay ka lang?!" nagpapanic na saad niya at tumango ako bilang sagot.
"Wag ka kasi dada nang dada! Umiinom yung tao tapos kung ano ano sinasabi mo!" reklamo ko.
Napaawang ang labi niya. Nagulat sa inakto ko pero natawa na rin siya kinalaunan.
"Sabi na tomboy ka e." mapanghusgang wika nito.
Napakunot ang noo ko. "Pinagsasabi mo?" maangas na tanong ko.
Tinuro niya ako. "Ayan oh! Angas mo!" saad niya. "Saka nakita kita kaninang naglalakad papunta rito. Laki ng galaw mo, barakong barako." puna niya pa.
Napakurap ako."Yabang?"
"Oo nga!"
Napabuga naman ako ng hangin. Nawalan na ako ng gana kumain. Char busog na talaga ako.
Nabalot kami ng katahimikan pagkatapos nun. Ganda pa naman ng dress ko tapos barako pala ako maglakad.
Tumighim ito pagkainom ng tubig. Mukhang tapos na rin siya kumain kagaya ko.
Hays ang dumi pala ng kamay ko.
"Gusto mo sabay na tayo maghugas ng kamay?" aya nito sa akin nang mapansin na nakatingin ako sa marumi kong kamay.
BINABASA MO ANG
The Aromantic Girl
Teen FictionThis story is about a girl who's aromantic, she hate the concept of having a crush, butterflies on the stomach and anything sweet. She has no romantic attraction to others. And there is a man who's not interested to anyone, a nonchalant they say. I...