"Tangina nitong math kahit saan nakasunod e." mura ko habang sinasakbit ang bag.
Kakatapos lang ng math namin. Sadyang ayaw ako lubayan. Naalala ko may sukat nga pala yung mga ingredients pag nagb-bake at luto kaya malamang may math nga. Takte akala ko nakaligtas na.
Vacant kami tatlong oras. Tumayo ako at kinuha ang phone ko bago nagtipa ng message sa gc namin.
Gc ng mga backstabber
:sa'n kayo?
:vacant kami
three hours.
seen 9:03am
Si Ethan lang ang nag seen sa gc namin. Mukhang may klase yung dalawa.gustokoredribbon
: Di2 Kameh
sa Lib...:senUh kazamAh
mouh?gustokoredribbon
: Yung Kalowkey
mouh 😂🫵🏻😂🫵🏻Nagsalubong naman ang kilay ko sa reply niya. Bakit ba iniisip nilang mag ka lowkey kami ni Sensei? Parang mga hangal.
Hindi ko na siya nireplyan dahil hindi ko kinakaya jeje typings niya. Naglakad na ako papalabas sa room namin at napansin ko ang pagsilay ni Cookie sa gawi ko. She smiled at me so i smiled back at her.
"Saan punta mo?" tanong nito habang nakatagilid ang ulo.
"Sa library." sagot ko bago siya tumango at tuluyan na akong umalis.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sure kung si Cash ba ang tinutukoy na tipo niya. Hindi naman kami magkaibigan para pagkwentuhan ang bagay na yun. Madalas siya ang lumalapit sa akin para kausapin ako, ganoon din naman siya sa iba. Sobrang friendly niya kaya isang buwan pa lang ka close niya na kaagad lahat ng kaklase namin.
Hindi rin kami madalas magkita ni Sensei dahil magkaibang magkaiba ang class schedule namin. Mukhang ngayon lang sumang ayon ang panahon kaya't vacant din sila.
Hindi na ako nagulat na kasama ni Ethan si Sensei. Magka blockmate naman sila saka magkakilala na rin. Malamang kinukulit ni Ethan si Sensei dahil sabi niya dati, tatabi raw siya palagi kay Sensei para mahawaan siya ng pagiging matalino nito. Pumupurol daw utak niya kapag kami ang kasama.
Naabutan ko ang dalawa sa library na seryosong nagd-drawing. Salubong na salubong ang kilay ni Ethan habang kinakagat ang lapis. Pansin ko rin ang mga crumbled paper sa tabi ng mesa. Si Sensei naman ay chill lang.
"Ayan pala yung plates na tinutukoy niyo." panimula ko pag upo sa tabi ni Sensei.
Umangat ang tingin ni Sensei sa akin kaya't nginitian ko siya at sinuklian naman niya yun nang tipid na ngiti. "Hey," bati niya sa akin.
"Hey ka rin." biro ko pa at napailing naman siya.
Pinanuod ko kung paano maingat na gumuhit si Ethan ng bilog pero nag slide ng konti ang lapis niya kaya nagkalabis ng kaunti. Nagulat ako ng guyumusin niya yun at sumandal sa upuan.
"Tangina pang anim ko ng ulit 'to." parang susuko na siya sa buhay.
"Gaga pwedeng pwede yun! Perfect nga nung bilog e. Anong problema?" takang taka na tanong ko.
Nakapout siyang tumingin sa akin. "May labis onte." sagot niya, nangingilid na ang mga luha. "Minus ten points kapag gano'n." sumubsob siya sa mesa. "Sabi ni Papa drawing drawing lang daw 'to." mangiyak ngiyak na rant niya. Engineer kasi si Tito David.

BINABASA MO ANG
The Aromantic Girl
Genç KurguThis story is about a girl who's aromantic, she hate the concept of having a crush, butterflies on the stomach and anything sweet. She has no romantic attraction to others. And there is a man who's not interested to anyone, a nonchalant they say. I...