Chapter 25

14 3 0
                                        

"Ah," tipid na saad niya habang nakatulala.

Tinawanan ko siya. "Miss mo cupcake ko, ano? Akala ko ba poisonous yun." pang aasar ko sa kanya.

Napa tsk na lang siya.

"Wala na akong class after. Kakaurat din 'tong college life. Nag aksaya ka ng pamasahe para sa isang klase lang." nakasimangot na reklamo ko. Totoo yun, major subject kasi kaya bawal umabsent.

"I have class in DiffCal." saad niya.

"What time?" tanong ko.

"9:00am to 11:00am." sagot niya.

Mapatingin ako sa relo ko. "Twenty minutes na lang pala. Balik ka na sa room mo!"

Sa halip na sumunod, hindi siya gumalaw at tinitigan lang ang mukha ko.

"Huy!" tawag ko rito. "May dumi ba ako sa mukha?" anxious na tanong ko.

"No, just give me a minute." sagot niya at sadyang hindi inaalis ang titig sa akin.

"Bakit?" naguguluhan na tanong ko.

"I haven't seen you for a while." sagot niya.

Totoo yun, one week na talaga kaming walang face to face interaction kasi kahit sa bakeshop ng Mama niya ay hindi na kami nagkikita. Busy si Sensei sa research, plates at kung ano ano pang bagay kaya hindi na siya nakakabisita sa bakeshop ng Mama niya. Nagdagdag na rin ng tauhan si Tita kaya hindi na siya kailangan. Sinadya raw yun ng Mama niya para makapag focus siya sa pag-aaral.

Pero ano naman ngayon kung hindi na kami nakakapagkita madalas?

Kumunot ang noo ko. "Oh tapos?"

"I just want to remember your face." seryosong sagot niya.

Napangiwi naman ako. "Ayos ka lang ba?"

He lick his lower lips. Bumuntong hininga siya pagkatapos. "This is confusing." baritonong saad niya.

"Alin ang confusing?" naguguluhan na tanong ko.

He bite his lips. "Everything."

Napatawa na lang ako at pabirong tinulak ang dibdib niya. "Kaka compute mo 'yan. Sige na, may klase ka pa."

He brushed his nose. "Alright. Goodbye, Kenin." he uttered halfheartedly.

Tinanguan ko siya. "Oo, gege, bye bye!"

Tumango rin siya bago mabagal na pumihit papatalikod sa akin. Pinanuod ko siyang maglakad papalayo at kinawayan ko siya nang bumaling siya nang tingin sa akin. May napansin akong kaunting lungkot sa mga mata niya. Sa inaakto niya parang isang taon kaming hindi magkikita.

Noong mga nakaraang linggo ko pa napapansin ang mga weird niyang tingin sa akin. Mula noong birthday ng Mama niya.

May pinagdadaanan kaya siya?

Napakamot na lang ako sa batok at napagpasyahan ko nang bumalik sa apartment. Naabutan ko roon si Avery.

Mukhang galing siya sa cr at lambot na lambot.

Kaagad ko siyang inalalayan at pinaupo sa may kama niya. Kaagad ako kumuha ng isang basong tubig at inabot sa kanya.

"Ayos ka lang?" nag aalalang tanong ko.

Tumango siya bago ininom yung tubig pero nanakbo na naman siya sa cr para sumuka.

Sinundan ko siya at hinimas himas ang likod.

Tila may nag snap sa utak ko.

Nanlaki ang mga mata ko. "PUTANGINA AVERY BUNTIS KA BA?!" hysterical na sigaw ko.

The Aromantic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon