Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Dahan dahan ko minulat ang mata ko bago mapatingin sa gwapong lalaki na katabi ko ngayon. Nakapulupot ang braso niya sa beywang ko habang tulog na tulog.
Hindi na tumila ang ulan kahapon kaya dito niya na ako pinatulog. Wala ring extra room ang condo niya kaya tabi kami natulog. Naglagay pa siya ng dalawang unan sa pagitan namin para raw safe ako. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin niya roon.
Wala na yung unan na nilagay niya sa gitna at nakasiksik na siya sa akin ngayon. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha. Sinuklay ko ang buhok niya dahilan para mapa flinch siya ng kaunti. Mahina akong napatawa. Ang cute niya pala matulog. Para siyang baby, baby ko. HUY?!
Maingat kong inalis ang braso niya sa beywang ko bago dahan dahan na umalis sa kama. Naghilamos ako ng mukha.
I tied up my hair as i walk towards the kitchen. Balak ko siyang lutuan ng breakfast.
Binuksan ko yung ref. Kumuha ako ng hotdog at egg saka ito prinito. Hotdog ang inuna ko sunod ang itlog. Nag fried din ako ng rice. Busy ako sa pagluluto nang madinig ko ang boses ni Sensei.
Tinatawag niya ang pangalan ko at bakas ang pagpapanic sa boses niya. Napabaling ako ng tingin nang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at muntik pa siya madapa papalabas. "KENIN-" sabay kaming napakurap sa isa't isa.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
Umayos siya ng tayo before he sigh in relief. "I thought it was a dream." saad niya bago ako niyakap ng mahigpit at niyakap ko rin siya pabalik.
Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "Good morning, cutie."
Tumingala ako bago nginitian niya ng matamis. "Good morning, baby."
Napaawang ang labi niya bago mabilis na namula ang mukha at hindi makatingin ng diretso sa akin. "Ginulat mo ako..." nakangusong wika niya.
Napatawa naman ako. "Ay wait!" umalis ako sa pagkakayakap niya. Umungol siya pero wala na ring nagawa. "Baka masunog niluluto ko!" sambit ko bago hinalo halo yung fried rice na nasa kawali.
Napasinghap ako nang yakapin niya ako mula sa likod saka pinahinga ang baba niya sa balikat ko. "Sarap naman niyan, misis ko."
Kaagad naman umakyat ang dugo ko papunta sa mukha! Para kaming bagong kasal! Parang ganito yung nasa koreanovela na pinapanuod nina Avery!
Napalunok ako bago pinatay yung electric stove. Tumighim ako. "Breakfast na tayo."
He groaned. "Maya na," tamad na wika niya.
"Gutom na ako." giit ko at nakanguso naman niya akong binitawan.
Hinarap ko siya at nagulat ako nang mabilis niya akong hinalikan. He smiled playfully at me. "Good morning kiss." saad niya bago kinuha yung hotdog at lamesa bago dinala sa mesa.
Naiwan naman akong gulat na gulat. I know my cheeks is blushing right now. Umiling iling ako bago sinalin yung fried rice sa isang bowl at dinala rin sa mesa.
SABI NA MAY KASUNOD PA YUNG FIRST KISS KO KAHAPON E!
May dalawa ng plato sa mesa. Pinaghila ako ni Sensei ng upuan at kaagad naman akong umupo rito.
Pinagsilbihan ako ni Sensei, siya ang naglagay ng fried rice at ulam sa plato ko.
Pinanuod ko ang pagsubo niya. Kuminang ang mga mata niya bago nag thumbs up sa akin. "Ang sarap!" puri nito bago sunod sunod na sumubo.
Napangiti naman ako at nagsimula na rin kumain.
Tinapat niya sa bibig ko ang hotdog na nakatusok sa tinidor. "Tikman mo hotdog ko!" he grinned at me.

BINABASA MO ANG
The Aromantic Girl
Teen FictionThis story is about a girl who's aromantic, she hate the concept of having a crush, butterflies on the stomach and anything sweet. She has no romantic attraction to others. And there is a man who's not interested to anyone, a nonchalant they say. I...