Chapter 1

30 6 0
                                        

"Galit ka pa rin ba Blaire babe?"

Inirapan ko si Ethan ng sunod sunod at tumalikod sa kanya. Nagkunwari akong nagtatahi ng kung ano ano para hindi lang siya mapansin.

Tangina kasi. Sabado na ta's nasa school kami. Halip na tulog, nag-gagawa kami ng costume ng mga Greek Gods and Goddesses na 'yan dahil bawal mag-hire. Kailangan daw sariling gawa para na rin "daw" makatipid. Eh naknampucha yung ambagan namin 50 pesos e 70 students kami dito.

Anong tela ba gagamitin? Tanso? Bwiset.

Feeling ko talaga nabulsa na 'yon ng treasurer namin. Palaisipan pa rin sa 'kin kung pa'no siya nagka iphone 14 e nagtitinda lang naman sa palengke nanay niya. Hindi naman sa bintangera ako ha, pero hindi biro ang iphone 14 na 'yan idagdag mo pang puro siya singil e siya nga 'tong hindi makabayad sa mga school fees.

Teka nga! Anlayo na ng usapan! Andaldal ko talaga pag nagi-inner dialogue ako!

Napaigtad ako ng sundutin ni Ethan ang tagiliran ko. Lumobo pa ang pisngi niya para pigilan ang pagtawa. "Blaire babe. . . sorry na nga."

"Ba't kasi hindi ka nagpaalam na bibili ka pala ng ice cream ha? Bakit bigla kang nawala? Mahirap ba magsabi?" napatulala ako sa kawalan ng maalala ang pagpunas ng lalaking 'yon sa braso niya. "Nang dahil sayo, nadungisan ng lalaking 'yon ang buo kong pagkatao. Wala siyang tinira sa 'kin. Ang puri ko. . ." naiiyak kong hinawakan ang braso ni Ethan. "Ang puri ko Ethan! Wala na!"

"Hala siya, overacting award goes to Blaire Jaix Custodio Bukambibig."

Mabilis akong lumayo sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. Dogshowan pala ng apelyido ha. "Oh talaga ba Ethanol Jin Magdamit?"

Sumimangot siya bago ako binato ng tela sa mukha. "Wala kang ice cream mamaya."

"Hoy! Puro kayo daldalan diyan! Gumawa nga kayo! Kaya hindi umuunlad ang pilipinas e."

"Oh talaga ba kiana dimaano dimagiba?!" sabay naming sigaw ni Ethan.

"Puro sigaw naknampucha!" reklamo ni Avery.

"Di nga Avery Goldilocks?!" sigaw ni Ethan. Napatingin ito sa 'kin. Nagtataka siguro siya kung bakit hindi ako sumigaw.

Nginisian ko siya. "You're done."

"WHAT DID YOU JUST SAY?! ETHANOL JIN?!" parang kulog ang sigaw na 'yon ni Avery.

Kung si Kiana nat-trigger pag nilalait crush niya, si Avery naman nat-trigger pag inaasar ang apelyido niya.

Mabilis na tumayo si Ethan. "S-sorry Avery Babe-ARAYYYYYY!!" mabilis siyang sinugod ni Avery at sinabutan.

Aliw na aliw ako habang pinapanuod ang dalawang magbaldahan sa sahig. Pero syempre hindi siya ginagantihan ni Ethan. Nakangiti pa nga siya, e. Kahit ano atang gawin sa kanya nakangiti pa rin siya. "Bakit?! Mas gusto ko nga 'yong goldilocks keysa sa red ribbon e!" pang-aasar pa nito.

. . .

SA HULI wala rin kaming naitulong. Nanira pa nga ng gamit si Ethan at Avery e. Kaya ayon, pinauwi na kami ng mga kaklase namin dahil baka daw pati kami tahiin na nila.

"Teka bakit pati ako kasama?" tanong ni Kiana habang naglalakad kami papalabas ng gate.

"Syempre isang set tayo. Saka as if naman kaya mo manatili sa room ng wala kami." sagot ko dito.

Napatawa si Ethan at Avery. Oo, bati na sila.

"Aba oo naman! Kaya ko!" taas noong sagot nito. "Anong tingin niyo sa 'kin, kinder garten na umiiyak pag hindi nakita ang nanay sa labas ng bintana?!"

The Aromantic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon