Two months later...
"Sure ka anak? Ikaw na lang ang maghahanap ng apartment mo?" tanong ni Mama.
Mabilis ko siyang nginitian. "Wag kang mag-alala, Ma. Kasama ko naman yung mga kaibigan ko!"
"Blaire! Tara na!" sigaw ni Kiana mula sa labas ng bahay namin. "Peep! Peep!"
"Speaking of! Alis na 'ko, Ma!" mabilis kong niyakap si Mama bago ako nanakbo papalabas at sumakay sa backseat ng kotse ni Avery.
Kasabay nang pagsara ko ng pinto ang pagpasok ni Ethan sa katabi kong upuan.
Inis kong tinuro si Ethan kina Kiana. "Bakit kasama 'to?!"
Tumawa si Kiana bago pumihit papatalikod para harapin ako, sa shotgun seat kasi siya nakaupo. "Isang set tayo, remember?"
"Okay! Let's go!" masayang saad ni Avery bago pinaandar ang sasakyan.
"Yun, oh! Roadtrip!" excited na saad ni Ethan at sininghalan ko siya.
"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nagsharon ka sa graduation party ni Sensei." buwelta ko.
"Aba! Two months ago na yun ah!" hindi makapaniwalang saad niya.
"Tanginamo naamoy ko pa rin yung hipon sa belt bag mo!" sigaw ko habang nakaturo sa belt bag na suot niya.
Malakas na tumawa sina Avery at Kiana.
Nag peace sign si Ethan. "Hindi ko pa kasi 'to nalalabhan, Blaire Babe!"
"ANO?!" hindi makapaniwalang sigaw ko.
"Tarantado ka talaga, Ethanol!" tawang tawa na saad ni Kiana.
"Kumusta na nga pala kayo noong crush mo?" biglang tanong ni Avery na ngiting ngiti habang naka-focus sa magmamaneho.
Napatingin naman ako kay Ethan. Matagal na rin akong walang balita sa kanila ni Remrem. Naging busy kasi ako sa sarili kong buhay nitong mga nakaraang buwan.
Napakamot siya sa batok. "Parang dragon, e. Galit palagi sa 'kin." nakangiting sagot nito.
Tinawanan ko siya bago tumingin kina Kiana. "Bobo kasi nito lumandi! Sinabihan ba namang siopao si Remrem tapos tinawag pang lambuching!"
"Hoy! Wag mo naman ako i-expose!" nakasimangot na saad nito sa 'kin.
"Lambuching ampota! Parang mais sa kakornihan ang gago!" tumatawang saad ni Kiana.
"Tama si Blaire. Bobo mo nga lumandi." komento naman ni Avery kay Ethan.
"Mapapasakin din yun mga babes ko. Malakas ang kapangyarihang itim." biro ni Ethan. "Pero mapapasakin talaga yun. Tingnan niyo sa sunod, siya na ang naghahabol sa 'kin." parang sure na sure na saad niya.
"Wag mo kaming ginagago, aso lang naman ang naghahabol sayo." buwelta ni Kiana at nagtawanan na naman kami.
"Yabang mo naman diyan, Dimagiba! Bakit, pinansin ka na ba ng crush mo ha?!" pikon na tanong ni Ethan.
"Hindi ko na siya crush!" sagot ni Kiana. "Hindi ko na siya makikita kaya tanggal na siya sa crush list ko!" bigla siyang tumili. "Mas maraming pogi sa FSU!"
"Parinig pa more sa 'kin." poging pogi sa sarili na saad ni Ethan.
Nginiwian siya ni Kiana. "Hindi ka kasali do'n. May lahi kang kangaroo."
Sinimangutan siya ni Ethan.
Sinipa ko ang upuan ni Avery. "Ikaw? Kumusta na kayo ng crush mo?" tanong ko dito.
Matamis niya 'kong nginitian. "He's courting me."
Sabay sabay na nanlaki ang mga mata namin sa sinabi niya.

BINABASA MO ANG
The Aromantic Girl
Teen FictionThis story is about a girl who's aromantic, she hate the concept of having a crush, butterflies on the stomach and anything sweet. She has no romantic attraction to others. And there is a man who's not interested to anyone, a nonchalant they say. I...