Chapter 34

17 3 0
                                        

"Let me kiss you."

Mabilis akong yumuko. "A-ah... m-male-late na tayo." nangangatal na wika ko at hindi makatingin sa kanya.

Saka pa lang ako nakahinga nang maluwag noong umalis na siya at umikot para magtungo sa driver seat.

Tahimik lang kaming dalawa sa byahe. Hindi ko siya nililingon. Nakahalukipkip lang ako sa may upuan habang nakatingin sa labas ng bintana at nilalaro ang daliri ko. Mukhang alam niyang ayaw ko siya kausapin kaya hindi niya ako kinukulit.

Muntikan na...

Muntikan niya na ako halikan...

Tangina para akong natuod. Gusto ko nang makarating sa school agad dahil masu-suffocate na talaga ako rito sa loob. Idagdag mo pang sobrang taas ata ng heart rate ko, baka nasa mga 200 na yun ngayon dahil sa sobrang bilis.

Normal naman siguro bumilis ang tibok ng puso kung muntik ka na mahalikan diba? This is justifiable naman diba?

Mabilis pa sa alas kwarto akong bumaba sa kotse ni Sensei, kakaparada niya pa lang, wala pang three seconds lumabas na ako kaagad sa sasakyan niya at iniwan siya sa loob. Hindi ko siya nilingon kahit alam kong nakasunod siya sa akin.

"Blaire,"

Awtomatiko namang tumigil ang mga paa ko sa paglalakad. Did he just called me using my name?

He hold my arms and i keep looking down, hindi ko talaga kaya makipag eye contact sa kanya ngayon! Sobrang pula na ng mukha ko!

"I'm sorry..." he apologize to me.

Dahan dahan ako tumanggo. "O-okay lang... una na a-ako." napapikit ako dahil sa pags-stammer ko.

Pumihit na ako bago naglakad papalayo. Mukhang hindi niya na ako sinundan dahil tila invisible na ako sa mga mata nang nakakasalubong ko.

I was silent the whole time. Buong klase ay tahimik ako at lumilipad ang utak. Sa sobrang lutang ay hindi ko na namalayan na break time na pala at isang oras nang tapos ang klase.

Bumalik lang ako sa reyalidad when Taylor; one of my classmates snapped her finger infront of my face.

"Okay ka lang?" tanong nito.

Dahan dahan ako tumango bilang sagot.

"LQ kayo ni Cash?" pang uusisa nito.

Mabilis naman ako umiling bago tumayo. "Bili lang ako sa cafeteria." mabilis na wika ko bago nag martsa papalabas ng room.

Konti lang ang tao sa cafeteria nang pumasok ako. Konti lang ata ang walang klase ngayon. Mukhang busy na lahat.

Bumuntong hininga ako paglapag ng tray sa mesa atsaka umupo. Isang spaghetti at burger ang laman nito. Nakalimutan ko bumili nang maiinom.

Tatayo na sana ako para bumili ng panulak nang may naglapag ng isang coke in can sa mesa.

Dahan dahan akong napatingin sa naglagay nito. It was Raiden wearing his playful smile again. Nilapag niya ang tray sa mesa bago umupo sa tapat ko.

Umayos ako nang upo bago tumighim. "Salamat,"

Tumango tango siya. "Kumusta ka na? It's been a month since the last time i saw you." saad niya bago sumubo ng spaghetti.

Bumuntong hininga ako bago napakamot sa noo at nilaro laro yung pagkain. "Okay lang naman ako."

"But your action speak otherwise." taas kilay na saad niya. Napaangat ako nang tingin sa kanya. "So tell me, what's wrong?"

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Hindi ko mapigilan ni hindi matawa nang mapansin na mukha na siyang zombie. Malaki ang eyebags niya at gulo gulo ang buhok. Maski ang butones ng polo niya ay sala ang kabit.

The Aromantic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon