Chapter 26

11 3 0
                                        

Third Person POV

"Oy! Pahingi pa! Wag ka madamot!" sinundot sundot ni Blaire ang pisngi ng bartender.

"Oh ano?! Gagaya ka sa tatay ko?! Ipagkakait mo sa akin 'yang alak?!" galit na bintang niya rito.

Tinitigan nang mabuti ni Blaire ang bartender. "Bakit nagiging tatlo ka na? Isa ka lang kanina ah!" tanong niya rito. "Secret powers mo ba yan?!"

Hindi siya nito sinagot at sinalinan na lang ng alak ang shot glass ng babae. Mabilis niya itong nilagok. "Lagyan mo pa!" utos niya rito.

"Lasing ka na Miss eh." buwelta pa nito at pinitik naman siya sa tenga ni Blaire.

"Ako?! Lasheng?! Hindi ako lasheng! Baka ikaw!" natatawang wika ng dalaga bago hinarap ang kamay niya sa mukha ng bartender. "Oh! Look! Ilan 'to!"

"Lima," sagot ng lalaki.

Humagalpak ito ng tawa. "Mali! Fifteen kaya!" pagtatama niya rito bago tumingin sa ibang nag-iinom at tinuro yung bartender. "Iuwi niyo na 'to! Lasheng na!"

Napailing naman yung bartender. "Miss magtatatlong oras ka na rito e."

Tiningnan siya nito nang masama."Oh tapos?! Bakit mo binibilang?! Ano 'to pisonet?!"

Napakamot naman siya sa batok. "Tanghaling tapat Miss nag-iinom ka." dagdag pa nito pero nilagyan pa rin ng alak ang baso ng dalaga.

"Oh bakit bawal mag inom pag tanghali?! Edi sana hindi kayo nagbukas para wala ako rito ngayon! Sira pala ulo mo e!" giit ni Blaire bago nilaklak yung alak at napapikit.

Pinahinga ng dalaga ang ulo niya sa may counter. Bigla na naman may tumulong luha sa mga mata niya.

"Gago bakit ansakit!" umiiyak na saad nito habang nakasubsob.  "Dapat ako yun e!" napakagat siya sa labi bago humagulgol.

Inangat niya ang ulo bago sumisingot singot. "Isa pa ngang alak."

Inabot ng bartender ang isang bote ng alak. Doon na yun mismo nilaklak ni Blaire at ininom niya na parang tubig.

Hindi niya alam kung gaano na siya katagal nakaupo roon at umiinom. Nilabas niya ang phone bago hinarap sa bartender. "Tawag mo nga si Mama ko." hilong hilo na request niya rito.

"Wala naman sa contact e." saad niya pero wala na sa tamang wisyo si Blaire.

Nag ring na ito at mabilis naman sinagot nang nasa kabilang linya.

Nilagay niya yun sa tapat ng tenga niya habang lumalagok ng alak. "Hello! Mama!" natatawang bati nito. "Gago anak pala niya yung bulbol na yun! Dapat siya na lang yung Bukambibig e! Ma! Payag ka may tatay ka pero bulbol ka?" tumatawang tanong niya bago binaba yung alak. "Ikaw bartender! Payag ka?"

Napakamot naman ito sa noo.

Pinanlakihan niya ito ng mata. "Sagot ka naman!"

[Where the hell are you?]

Napakurap ang dalaga nang madinig ang boses sa kabilang linya.

Malaki ito at malalim. Malayong malayo sa boses ng Mama niya. Sa sobrang kalasingan, hindi alam ni Blaire na si Cash ang kausap niya.

"Ay? Ma? Bakit ganiyan boses mo! Ayaw ko ganiyan boses! Nakakatakot!" nakangusong saad  niya.

[Are you drunk?]

Napahawak siya sa bibig niya. "Tangina kinidnap mo ata Mama ko?! Ibalik mo si Mama! Gusto ko makausap mama ko!" atungal nito. "Si Mama na nga lang meron ako kinuha mo pa! Paano na ako niyan?! Wala na! Mag-isa na talaga ako! Wala na!" napahagulgol ang dalaga. "Wala na nga tatay ko e! Si Mama na nga lang natira! Ibalik mo siya sa akin! FUCK YOU KA! FUCK YOU!"

The Aromantic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon