"Sabi ng mga kapatid mo, palagi ka raw wala sa bahay. Maaga ka raw umaalis at hapon ka na kung bumalik."
Napalunok ako at napainom ng tubig. Nandito kami ngayon sa kusina at kumakain ng umagahan. Kaming dalawa pa lang ni Mama ang gising dahil mga 10am na kung bumangon ang mga kapatid ko, sinusulit ang bakasyon.
"Anong ginagawa mo, anak?" mahinanong tanong ni Mama.
Halos isang buwan at kalahati na rin akong nagta-trabaho sa bakeshop ni Tita Amor. Doon ko plano ilaan ang bakasyon ko. Isa pa, two months ang sembreak namin at mag-iisang buwan pa lang.
"Nagagala po. . . kasama sina Kiana." I lied.
"Nakausap ko si Ethan. Hindi ka raw sumasama sa kanila." sagot ni Mama.
I chuckled nervously. Ethan pahamak ka! "Kaya nga po hindi ako sumasama kina Ethan dahil kasama ko si Kiana." pagdadahilan ko. I make sure I'm making eye contacts with her so she wouldn't notice that I'm lying.
Bumuntong hininga siya bago tumayo. "Siguraduhin mo lang na hindi ka gumagawa ng ikakagalit ko." malamig na saad niya bago umalis.
Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyang nawala sa paningin ko si Mama. "Daplis na 'ko do'n, ah."
Mabilis akong tumayo at umakyat patungo sa kwarto ko para maligo. Mukhang hihintayin ko na muna na maka-alis si Mama bago ako makalabas. At mukhang kailangan ko rin kausapin ang mga kapatid ko tungkol dito.
Pagkaligo, sinilip ko sa bintana si Mama at nakita ko ang pagsakay niya sa isang taxi. Mabilis akong gumalaw at nagtungo sa kwarto ng mga kapatid ko. Sa iisang kwarto lang sila natutulog dahil tatlo lang ang kwarto namin sa bahay.
Nasa double deck si Kuya B1 at B2 habang si Kuya B3 naman ay nasa sahig.
Kinalampag ko ang dala kong kawali at flipper. "Gising mga saging!" sigaw ko.
They all groaned. Lahat sila ay nagtakip ng unan sa tainga.
"Ang aga pa, B4." antok na saad ni Kuya Blaze.
"May sasabihin ako!" sigaw kong muli pero hindi sila nakinig.
"Let us sleep naman, B4." Kuya Blake uttered, groaning.
Nagulat ako ng batuhin ako ng unan ni Kuya Brent sa mukha. "Matutulog pa kami! Labas!"
"Siraulo ka!" sigaw ko bago siya dambahan sa kama at sinabunutuan.
"Aray! Aray ko! B4! T-tulong naknampcuha! A-aray!" namimilipit sa sakit na sigaw nito.
"Ano ba kasi yung sasabihin mo?" inis na tanong ni Kuya Blake.
Umalis ako sa ibabaw ni Kuya Brent bago tumingin sa kanila.
"Buntis ako."
Lahat sila ay napaupo."WHAT?!" sabay sabay nilang sigaw.
"Charot." mataray kong saad at para silang lantang gulay na bumagsak sa kama.
"Bwiset ka talagang babae ka." bulong bulong ni Kuya Brent.
"Aatakihin kami sa pinagsasabi mo e!" reklamo naman ni Kuya Blake.
"You better not to do this again." seryosong saad ni Kuya Blaze habang nakatulala sa kisame.
"Kidding aside, I have a secret to tell you." panimula ko.
"Ano na naman niyan? Baka kagaguhan na naman ha." nakasimangot na saad ni Kuya Brent.
"No, this is serious. . ." huminga ako ng malalim bago bumuntong hininga.
"May part-time job ako." panimula ko.
BINABASA MO ANG
The Aromantic Girl
Teen FictionThis story is about a girl who's aromantic, she hate the concept of having a crush, butterflies on the stomach and anything sweet. She has no romantic attraction to others. And there is a man who's not interested to anyone, a nonchalant they say. I...