Chapter 6

14 5 0
                                    

"Hoy, ba't antahimik mo?" tanong ni Ethan sa 'kin habang nasa loob kami ng tricycle, pauwi na. "Mapapanis laway mo niyan."

Hindi ko siya nilingon. "Wala ako sa mood magsalita."

"Bakit? Dream mo ba maging pipi? Pansin ko simula noong bumalik kayo galing sa canteen antahimik mo na. May nangyari ba?" pinatunog niya ang kamao. "May umaway ba sayo? Sino ha? Sino? Aabangan ko sa gate bukas!" maangas na tanong nito.

Napa-irap na lang ako sa ere. "Wala." tipid na sagot ko bago sumandal sa gilid ng tricycle atsaka humalukipkip.

Sinilip niya ang mukha ko. "E bakit ka ganiyan, Blaire babe?"

"Wala nga. Kulit mo." iritableng sagot ko.

"Weh?" hindi naniniwalang tanong nito. "May tuldok ka ba?"

Kumunot ang noo ko sa kanya. "Tuldok?"

"Period, menstruation, dalaw, regla ganon? Babae ka ba talaga?" natatawang tanong nito.

"Isang salita pa dudugo na bunganga mo sa 'kin." pananakot ko dito. Magsasalita pa sana siya pero kaagad ko siyang pinanlakihan ng mata. "Isa." pikon na saad ko at kaagad naman niyang zinipper ang bibig. Binalik ko ang tingin sa labas ng tricycle.

Umayos siya ng upo bago bumuntong hininga. "Alam ko yung ginawa ni Cash kanina,"

Nabaling kong muli ang tingin sa kanya.

"Tinulungan ka niya kay Ma'am Anne. Antalino pala nun, 'no? Isipin mo mabilis niyang nagawan ng sentence yung word na variety." manghang saad niya. "Mabait naman pala siya, e."

"Mabait?" sarkastikong tanong ko.

Kumunot ang noo niya. "Oo? Saka diba inalok ka niya ng trabaho."

Napasinghal ako. "Yung nangyari kanina, aksidente lang yun. He didn't intended to help me because he's ruthless motherfucker who has a filthy mouth." madiin na saad ko.

Umawang ang labi niya at sunod sunod na napakurap.

Dinuro ko ang mukha niya at takot naman niyang nilayo ang mukha. "Isa pa, hindi niya 'ko inofferan ng job para tulungan ako. He did that on a purpose and that is to downgrade and belittle my humanity!" buwelta ko. "And what? Mabait siya?" I laugh with full of sarcasm before I grab his collar and inch our gap. "That motherfucker don't deserve to be called nice because he's far from being it! Besides he's a devil from hell who sent here in earth to pester my life and to stain my dignity!" sigaw ko sa mukha niya.

"Ah B-blaire babe. . . masyado ka atang malapit?" nakangiwing saad niya.

Mabilis kong binitawan ang collar niya at umayos ng upo. Masyado pala akong nadala ng emosyon ko.

"Ahm, nag. . . nag-away ba kayo kanina?" mahinang tanong nito.

"Huwag mo ng alamin." malditang sagot ko.

Awkward itong tumango. "Pero alam mo, kung ano man ang sinabi niya sayo, huwag mo na lang masyadong pansinin yun kasi mas-stress ka lang. Iwanan mo na lang lahat ng inis sa school. Isa pa, hindi niya deserve kahit ang pagpasok niya sa utak mo."

Tiningnan ko siya at tinanguan niya ako. Hinawakan niya ang ulo ko bago ako ngitian ng matamis. "Tingnan mo, nagmukha kang 10 years older ngayon-" hinampas ko siya sa braso. "Aray!" napanguso ito bago umayos ng upo.

Inirapan ko siya. Pero may point rin naman siya. I should let my anger stay in school. And Cash didn't even deserve to enter my mind. Bakit ba 'ko masyadong affected sa sinabi niya e walang kwentang opinyon niya lang naman yun at isa pa, he didn't even know me. So why I care? Cash just wanted to ruin my mood and disturb my peace. And hahayaan ko siyang manalo? Of course not!

The Aromantic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon