Kinakabahan ako. Kinakabahan talaga ako. Ako ang unang lalabas ngayon! Nagshuffle shuffle kami. Hindi ko alam kung bakit nagkaganon. May manunuod daw kasi na teacher galing sa STEM building at baka raw hindi niya maabutan ang paglabas ni Aphrodite dahil busy rin 'to.
Nakakahiya, sinadya niya pa talaga ako dito!
"A-ano. . . pwede ba umihi muna? Naiihi na 'ko!" kinakabahan na saad ko. Hindi naman ito ang unang beses na rarampa ako pero kinakabahan pa rin talaga ako!
"Bawal! Magtiis ka na muna diyan." striktang saad ni Akashi at wala naman akong magawa kundi sumunod sa kanya.
"Kaya mo 'yan, Blaire. Ikaw pa ba." pampalakas ng loob sa 'kin ni Raiden at tinanguan ko na lang siya.
I still don't want to be close with him. . .
"Huy, Avery! Nandoon na sa loob yung crush mo! Kasama niya si Cash! OMG! SO POGI!" balita ni Vivian pagpasok sa loob.
Napakunot ang noo ko dahil naging bulong bulongan ang Cash na 'yon sa room namin. May ganon rin palang pangalan? Siguro mukha siyang pera.
"Nasa kabilang room ang baby ko?! OMG! OMG! OMG! Parang magh-hyperventilate ako!" exaggerated na saad ni Avery habang pinapaypayan ang sarili. Tumingin ito sa likod bago umaktong nahihimatay.
"Wag niyo saluhin." pang-aasar ko pa at natigil naman siya sa pagtumba.
Inirapan niya 'ko bago umayos ng tayo."Wag ka sana madulas ka sana mamaya."
Tinawanan ko lang siya.
"Blaire," tawag sa 'kin ni Shane, siya ang emcee ng exhibit namin at nakatago siya sa likod ng arko. Habang rumarampa ako, nagsasalita siya.
"Alam ko na 'yan, oo. Saka pa lang ako lalabas pag nasabi mo na yung word na Aphrodite." simple kong saad at tumango siya.
"Galingan mo rin. Nanunuod si Cash. We can't fail him." seryosong saad nito.
Napangiwi ako. Seriously? "Hindi ba dapat yung teacher ang concern natin?" naguguluhan na tanong ko.
"No. . . Cash is more. . . intimidating and perfectionist. He's the most observant student and if he found any single mistake, he won't think twice to criticize you. Besides. . . he's kinda blunt and straightforward." page-english ni Shane. "If he found a chance to discriminate us, he won't let it split to his hand." seryosong saad ni Shane habang nakasara ang kamao. "Cash is heartless. So for the sake of your own dignity, don't fail yourself."
"Uy pabili din ng tubig!" tawag ko kay Troy habang nakataas ang kamay.
"Are you even listening?!" sigaw ni Shane sa 'kin habang umuusok ang ilong.
Tinapunan ko siya ng tingin. "Wala akong pakealam sa sasabihin niya. Basta ako, gusto ko ng tubig." seryosong saad ko bago nag-inat.
Sino ba yung Cash na yun at ganito na lang kung umakto si Shane? Tsk, kung sino man siya, wala na 'kong pakealam doon.
"Welcome to our exhibit!" napaigtad ako ng marinig amboses ni Shane.
POTA MAGSISIMULA NA!
"Now let me introduce to you the first Greek Goddess. . ." napapikit ako. TANGINA BAHALA NA! Nagawa ko nga 'to kanina e! Ngayon pa ba ako kakabahan?!
"Aphrodite," pagkasabi niya ng salitang 'yon nagsimula na 'kong pumasok sa loob. Naka poker face ako habang dahan dahan naglalakad patungo sa left side ng room. Chin up, walk flawlessly and stare to audience. Imagine you're like a princess walking in the red carpet. Imagine you're the most beautiful girl in the world though totoo naman yun.
BINABASA MO ANG
The Aromantic Girl
Novela JuvenilThis story is about a girl who's aromantic, she hate the concept of having a crush, butterflies on the stomach and anything sweet. She has no romantic attraction to others. And there is a man who's not interested to anyone, a nonchalant they say. I...