Isang linggo. Isang linggo matapos ang party ni Cookie. At isang linggo na rin siyang hindi pumapasok. Ang bali-balita ay lilipat na ito. Hindi ko alam kung anong rason. Wala akong pakialam kung anong rason niya.
Malayo na si Sensei sa akin. Hindi ko na siya nakikita. Kung dati ay walang araw na hindi ko nakikita ang mukha niya, ngayon naman ay araw araw ko na siyang hindi napagmamasdan.
I never had a chance to talk to him. Minsan ay sinadya ko siya sa room niya ngunit wala ito. Blinock niya rin ako sa fb pati yung number ko. Sabi ni Ethan ay lumayo na rin si Sensei sa kanya. Hindi naman daw siya yung nanakit pero bakit nadamay siya. Bagsak tuloy parati sa mga test.
Hiningi ko kay Ethan ang class schedule niya. Tuwing 1-3pm ay vacant nila kaya malamang nasa library si Sensei ng mga oras na ito.
Kaya eto ako ngayon at naglalakad patungo sa library. Nagba-bakasakaling makausap siya. Napatingin ako sa langit, madilim ito at mukhang may nagbabadyang bagyo.
Pagpasok sa loob ay kaagad ko nilibot ang tingin sa paligid. Marami rami ring tao sa loob. Napangiti ako nang makita si Sensei na busy na nagbabasa sa pinaka dulo.
Kaagad ko siyang nilapitan. "Sensei-"
Padabog niyang sinara ang libro bago tumayo at umalis. Mabilis na dumaan ang sakit at humapdi ang puso ko. Nayukom ko ang kamao ko at pinipigilan na wag umiyak. This is breaking my heart.
Bumuga ako ng hangin bago malungkot na bumalik sa room ko. Dumukdok ako sa desk at pilit na kinukubli ang sakit na nararamdaman. Kahit anong mangyari, kailangan ko siyang makausap.
Noong uwian ay kaagad kong sinakbit ang aking bag. Malakas na ang ulan maging ang hangin nito. Tila nagngangalit ang bagyo. Buti na lang may dala akong payong.
Inabangan ko si Sensei sa kotse niya. Nangangawit na ako habang nakatayo roon. Nalulunod na rin ang sapatos ko sa baha dahil sa lakas ng ulan. Magdadalawang oras na ako nakatayo rito. Hinawakan ko ang binti ko saka pinisil pisil.
Napaayos ako ng tayo nang makita si Sensei na seryosong naglalakad papunta sa kotse niya. Mabilis ko siyang hinarang pero kaagad siyang umiwas.
"Sensei, mag-usap muna tay-"
Pabadog niyang sinara ang kotse saka humarurot papalayo. Napapapikit ako nang matalsikan ng putik ang puting puti kong chef jacket. Napakagat ako sa labi nang madinig ang tawanan ng mga nakakita. Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng mga luha ko pababa. Napalunok ako. Kumikirot na naman ang puso ko sa sobrang sakit. Pero hindi ko siya pwede sukuan. Kailangan pa namin mag-usap.
Dinial ko ang number ni Ethan, "Saang condo nakatira si Sensei?"
[Sa Solace baki-]
Kaagad ko binulsa ang cp bago pumara ng tricycle. Hindi ko na kayang palagpasin pa ang isang araw na hindi kami nag-uusap. I barely survive in one week. Gusto ko na mag sorry sa kanya.
"Naku neng, malaki na ang baha, hindi na kaya tumawid ng tricycle ko." wika ng tricycle driver kaya wala akong choice kundi bumaba.
Binuklat ko ang payong ko. Bumuga ako ng hangin bago nilusong yung hanggang beywang na baha. Basang basa na ang puting puti na uniform ko pero wala na akong pakialam. Mas mahalagang makausap ko si Sensei ngayon.
"Aray!" inda ko nang may sumabit na kung ano sa hita ko. Nang makahaahon sa baha, kaagad ko chineck ang hita ko. Napaawang ang labi ko nang makita na may konting puhit ang itim kong leggings at may konting dugo.
Hindi lang yun dahil biglang humangin ng malakas dahilan para liparin ang payong ko at tanging tangkay ang natira. Napatulala ako. "Ta... ngi... na." mabagal na mura ko.
BINABASA MO ANG
The Aromantic Girl
Teen FictionThis story is about a girl who's aromantic, she hate the concept of having a crush, butterflies on the stomach and anything sweet. She has no romantic attraction to others. And there is a man who's not interested to anyone, a nonchalant they say. I...