Chapter 4

19 6 0
                                        

"Sinetch itey, anlakas magmaganda hindi naman pala siya ang kausap–"

Binato ko ng unan sa mukha si Kiana. "MANAHIMIK KA!"

Malakas na tumawa ang tatlo.

Nandito kami ngayon sa bahay ni Avery, nasa kwarto to be more specific. Nakadapa kami sa carpet habang nanunuod ng horror movie at suot suot ang couple dino hoodie namin. Sabado ngayon at magkaka-group rin kami sa research kaya nagyakag ng sleep over si Avery. Girls night nga dapat 'to e, kaso may epal kaming boybestfriend kaya naudlot. Tsk, hindi ka pa ba nasanay, Blaire?

"Ang epic mo talaga ro'n. Dahil sayo, maging remarkable ang exhibit natin sa mga STEM student. Kilalang kilala ka na nila." pang-aasar pa ni Avery.

Totoo yon. Lahat ng STEM student na nandodoon sa exhibit namin pinagkalat ang nakakahiya kong pagmamaganda kay Cash at oo! SIYA SI CASH NA SINASABI NI SHANE SA 'KIN! THAT'S HIS NAME! AND YES HE'S HEARTLESS!

Sa tuwing magkakatagpo ang landas namin napapahiya ako! At hindi ko na kayang maulit pa 'yon! Not now that I'm graduating! Gusto ko maka pagtapos ng hindi nag-guidance!

"Ano ka ngayon, Blaire babe?!" pang-gagaya ni Ethan sa 'kin.

"Tanginanyong lahat." malutong kong mura bago ngumuya ng sandamakmak na pop corn.

"Lutong magmura ta's yung bio sa fb bible verse." puna ni Ethan at nagtawanan na naman sila. "Literal na holyshit."

Inirapan ko siya. "Yung Ethanol name mo ta's sarili mong ugali hindi mo madis-infect." panta-trashtalk ko.

Bumulalas ng tawa si Kiana at Avery habang si Ethan naman ay madramang napahawak sa puso.

"Ouch ha!"

Inakbayan ako ni Kiana. "Pero alam mo, hindi lang ikaw ang napahiya ng Cash na 'yan."

Napabaling ako ng tingin sa kanya. "Talaga?"

"True," pagsang-ayon pa ni Avery habang naka focus na sa panunuod.

Tumango tango si Kiana. "Last month, tandang tanda ko, June 24, 12:54pm, sa gymnasium, kasama ko si Ethan ng mga araw na 'to pero wala siyang alam sa nangyari. Bumili kami ng snacks ta's no'ng pabalik na kami sa room, narealize ni Ethan na kulang pala sukli niya kaya bumalik siya sa canteen at iniwan ako sa gym. Doon ko nakasalubong si Cash tapos alam mo ba, akala ko inaabot niya sa 'kin yung burger ta's ansabi niya pa, 'sayo na lang' syempre kinilig ang lola mo, tapos noong tatanggapin ko na, bigla siyang nag U-turn!" parang batang nagsusumbong na kwento ni Kiana.

"Prankster pala siya, e!" natatawang komento ni Ethan.

"Bobo baka nag-assume ka lang kagaya ni Blaire!" saad ni Avery, tumatawa.

Maging ako ay napatawa sa kwento niya. What a relief that I'm not the only one who got dumped by that asshole.

"Bobo ka rin! Sa 'kin kaya nakatingin! As in eye to eye contact kami!" buwelta ni Kiana.

"Bakit daw nag U-turn?" curious na tanong ko.

"Naubusan ng gas." sagot ni Ethan at kaagad ko siyang binatukan.

"Kay Lucas niya pala binibigay." sagot ni Kiana. "Pero alam niyo ha, ang weird niya! Parang nangga-gago palagi!" tumingin siya kay Avery. "Ikaw? Anong kwento mo about kay Cash?"

Napabaling ako ng tingin kay Avery.

"Ha? Wala naman. Napagkwentuhan lang namin nina Ikay si Cash noong magkagroup kami sa isang activity. Even Shane got dumped by him pala. Parang natrauma raw si Shane sa nangyaring yun. Hindi ko alam yung buong pangyayari pero ang sabi ni Ikay, Shane stop attending class after the incident." paliwanag ni Avery.

The Aromantic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon