"Nakakapanibago talaga ang college life." saad ni Ethan habang nakahalumbaba sa may mesa. "Nakakaurat yung saturday class."
Mukhang gusto niya na sumuko sa buhay. Ako rin.
Nandito kami ngayon sa may mini park malapit sa apartment namin. Linggo ngayon at wala kaming pasok, isa pa ay day off ko rin.
Isang buwan pa lang ang nakakalipas pero gusto na namin umuwi. Noong una ay excited kami kasi para kaming ibon na nakalaya at pwede na namin gawin ang gusto namin. Yung walang sasaway. Pero gagi, nakakasawa siya actually. Like bahay school bahay school lang kami kapag walang ginagawa kasi hindi kami familiar sa lugar. Nakakaurat. Buti na lang nakahanap ng pwedeng tambayan si Ethan. Isa pa nakakasawa na yung fast foods saka delata.
"Miss ko na sinigang na hipon ni Mama..." mangiyak ngiyak na saad ko habang nakasandal sa upuan at mukhang lantang gulay.
"Mag aral na lang kayo keysa mag himutok kayo riyan." buwelta ni Kiana habang nakasubsob sa libro.
Umayos ako ng upo. "Nasaan pala si Avery?" tanong ko nang mapansin na tatatatlo lang kami.
"Foster." tipid na sagot niya habang hindi inaalis ang tingin sa libro.
Tumango na lang ako. Mas napapadalas ata date nila nitong mga nakaraang araw. Pero okay lang kasi palagi naman on time umuwi si Avery. Binantaan ko kasi iyang si Foster, sabi ko pag hindi niya inuwi si Avery exactly 9pm, wag na wag siya magpapakita sa akin kasi bubutasin ko talaga gulong ng kotse niya.
Napakunot naman ang noo ko habang nakamasid kay Kiana. Hindi ko alam kung anong nangyari sa babaeng ito at bigla siya naging bookworm. Noong first week ay okay pa naman siya pero noong sumunod ay tila nagbago ang ihip ng hangin at bigla siya nag focus sa pag aaral. As in tutok na tutok talaga. Adulting ba tawag dito o baka sobrang talino ng crush niya at gusto niya ma reach???
Asa pang tamaan ng adulting 'tong si Kiana. Hanggang ngayon hindi pa rin siya marunong maglaba. Mukhang tama yung pangalawa.
Isa lang ang naiisip ko.
"May crush ka bang law student?" tanong ko rito at mabilis siyang sinara ang libro, nag chin up at taimtim na tumingin sa akin.
"Hindi ko crush si Luhen Cullman." tanggi niya kahit wala naman kaming sinasabi. Mukhang kakaiba tama neto.
"Pass sa halata, Kiana babe." natatawang wika ni Ethan na kanina’y papatay na. Biglang sumigla si gago.
"Hindi muna inantay na magtanong ako eno." natatawa ring saad ko.
"Promise." nag cross my heart pa siya. Seryoso siyang tumingin sa aming dalawa. "Hindi ko na siya crush. Kahit ang sarap ikiss ng malalambot niyang labi. Kahit ansarap titigan ng hazel brown niyang mata, kahit ansarap pisilin ng matangos niyang ilong, kahit ansarap hawakan ng makinis niyang mukha, kahit ansarap sarap niyang amuyin at kahit gusto ko mag jack don’t go kapag nakikita ko siya." exaggerated na wika ni Kiana habang nag niningning ang mga mata.
Napangiwi ako. "Pinagsasabi mo?! Iw! Nagtaasan balahibo ko!" saad ko habang kinikiskis ang dalawang kamay sa mga braso ko.
"Kakasuka! Nakakakilabot! Nakakatakot!" oa naman na react ni Ethan. "Pero teka, hindi ba may gf yung Luhen? Palagi ko siya nakikita sa building namin. May nililigawan atang engineering student." saad ni Ethan.
Umirap si Kiana. Mukhang nabanas na kaagad. Bilis talaga magbago mood nito pag crush pinaguusapan. "Ulol wala siyang shota. Nakita ko status niya sa fb, single pa rin."
"Te uso lowkey ngayon." buwelta ko pa.
Umiling siya. "Hindi siya ganon. Gagaya mo pa 'yan sa inyo ni Cash." buwelta niya pabalik habang naka smirk.

BINABASA MO ANG
The Aromantic Girl
Teen FictionThis story is about a girl who's aromantic, she hate the concept of having a crush, butterflies on the stomach and anything sweet. She has no romantic attraction to others. And there is a man who's not interested to anyone, a nonchalant they say. I...