Chapter 35

9 2 0
                                    

"So that's Raiden you were talking about." basag ni Sensei sa katahimikan.

Dahan dahan ako tumango habang sinisipa sipa yung bato. Nandito kami ngayon sa may mapunong parte ng University, naglalakad patungo sa... puta saan nga ba kami papunta?

Pagkahila niya sa akin papalabas ng cafeteria ay sinundan ko na lang siya. Wala akong ideya kung saan kami patungo. Parang paikot ikot na lang ata kami.

Kahit nahihiya, sinilip ko ang mukha niya. Kunot na kunot ang noo nito.

Napakamot na lang ako sa batok. "Selos ka ba?" tanong ko rito.

Nagsalubong ang mga mata namin. He sighed. "Of course, i should be the one eating with you."

Binaba ko ang tingin sa nilalakadan namin. Lihim akong napangiti pero iniling ko ang ulo ko bago muling tumingin sa kanya.

Bakit ba ako ngiti nang ngiti?!

Tumighim ako. "May klase ka ba ngayon?" tanong ko sa kanya.

Tumingala siya bago umiling. "Wala na, how about you?" balik na tanong niya sa akin.

I smiled at him, halip na sagutin hinablot ko ang kamay niya at hinila siya, sabay kaming nanakbo ngayon.

"Hey, where are we going?!" nagtatakang tanong niya habang nanakbo.

Nilingon ko siya, i smirked. "Somewhere only we know." sagot ko rito bago binalik ang tingin sa daan.

Binitawan ko siya pagkarating namin sa labas ng gate. Nagtungo kami sa kotse niya at laking gulat niya nang ako ang umupo sa driver seat.

Inilahad ko ang kamay sa kanya. "Susi mo,"

He blinked twice, shock and confusion is visible in his face. He didn't say a word and he just put his key on my palm.

I smirked at him. "Sakay," astig na wika ko at kahit naguguluhan, umikot siya at umupo sa shotgun seat. Pagkasuot ng seatbelt saka ko pinaandar ang kotse.

"Do you know how to drive?" kabadong tanong ni Sensei habang mahigpit ang hawak sa seatbelt.

I nodded proudly. "Napanuod ko lahat ng movie ng Fast and Furious." pinalagutok ko ang leeg at mga daliri ko.

Napalunok siya. "That's a bad news."

*BROOM! *BROOM!


Pinaharurot ko yung kotse ni Sensei. I was smiling the whole time while biting my lips.

Antagal ko na rin hindi nakakapagmaneho dahil banned ako sa kotse ni Kiana. Pinagmaneho nila ako dati dahil masama ang tama ni Kiana.

Kumusta naman?

It was so damn fine. The car was filled with shouts, curses... and vomit. And not only that, nakipaghabulan pa kami sa mga traffic enforcer pero dahil magaling ako magmaneho, nalusutan namin sila.

Ang kaso hindi na ulit ako nakapagmaneho pagkatapos noon.

Woah, i miss those days.

I push the accelerator with my right foot with my heel resting on the ground, causing it to speed up.

"FUCK!" mura ni Sensei. "Drive slowly, will you?!"

"WOAH! THIS IS SO LIBERATING!" hiyaw ko habang umoovertake sa mga sasakyan.

Feeling ko ako na naman ang main character ng Fast & Furious!

"There's a car!" Sensei shouted as he point the car towards us.

I licked my lower lips as i effortlessly avoided the car by turning left. "And now there's none," i uttered before laughing like a lunatic.

"Damn Kenin, i will never lend you my key again!" pagsisisi niya habang mahigpit pa rin ang hawak sa seatbelt.




The Aromantic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon