Kaagad nag panic lahat ng tao sa party saka chineck yung kare kare ni Pepper sa sahig.
Lumuhod yung isang lalaki bago dahan dahan inangat yung ipis na nasa kare kare.
Napatakip ako sa bibig. "Oh my gosh..." plastic na wika ko.
Everyone groaned in disgust. Lahat ng kumakain ng kare kare ay napasuka at nagkanya kanyang dura. Lahat sila ay tinapon sa sahig ang plato.
"HEY! THIS IS IMPOSSIBLE!" kabadong wika ni Cookie habang pababa sa hagdanan at kaagad lumapit sa pwesto ni Pepper. "WALANG COCKROACH SA HOUSE NAMIN!"
"OO! Walang cockroach sa bahay niyo kasi nandiyan sa kare kare!" buwelta ng isang babae.
Lihim naman akong napatawa.
"Excuse me?!" hindi makapaniwalang wika ni Cookie.
"Gago ka, Cookie! Bakit mo kami pinakain ng ipis?!" buwelta pa ng isang lalaki at kaagad nakigaya yung iba.
"H-hey! I assure you! Pest control always visit us every Sunday!" giit pa ni Cookie.
"ULOL! BURARA KA!"
"SUMASALI SA MGA BAKING CONTEST TAPOS MADUMI PALA! SIGURO PATI YANG MGA CUPCAKE MO MARUMI RIN!"
"HEY! NOT MY CUPCAKES!" sigaw ni Cookie habang pulang pula ang mukha at halatang konti na lang ay iiyak na. "I HATE YOU ALL! THE PARTY IS OVER!" sigaw niya bago nagmartsa papalayo.
"AALIS NA SADYA KAMI!"
Kaagad naman nag alisan ang mga bisita at tinumba pa yung ibang lamesa. Hinarap ko si Sensei na mukhang gulat na gulat sa pangyayari. "What the hell did just happened..."
Pinatong ko ang kamay sa kanya. Napatingin siya sa akin. "Hintayin mo na lang ako sa sasakyan. Iihi lang ako." saad ko rito at tumango naman siya.
Kaagad ako nagtungo sa cr. Pagkabukas nito ay kaagad kong nakita si Cookie na umiiyak sa harap ng salamin at sira na ang makeup niya.
Nakangiti ko siyang nilapitan habang naka krus ang braso. "Ipis na pala ang bagong sahog ng kare kare ngayon."
Matalim niya akong tiningnan sa salamin. "It's you, you planned this!" galit na galit na wika niya.
I swayed my hair. "No other than," i proudly admitted. "Now you know the feeling of being ruined." i smirked.
Mabilis niya akong hinarap at nakipaglaban ako ng titigan sa kanya. Her eyes is bloodshot. "It's not my fault that your Dad cheated on your Mother. It's not my fault that i born in this world! Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin na hindi kayo kamahal mahal hindi tulad namin?!" gigil na gigil na wika niya.
I scoffed in disbelief. "At satingin mo kamahal mahal ka?" natatawang tanong ko. "Satingin mo matapos ng nangyari kanina mamahalin ka pa rin nila? Satingin mo kapag nalaman nilang anak ka ng kabit mamahalin ka pa rin nila? NO! They just love the idea of you as a champion in baking contest and nothing else kasi wala namang kamahal mahal sayo." buwelta ko habang nanlilisik ang mga mata.
"Aminin mo na lang kasi na hanggang ngayon hindi mo tanggap na masaya na yung tatay mo sa ibang pamilya! You even use Cash for what? To hurt me?!" she chuckled in disbelief. "You act you like you him but the truth is, you're just using him to torture me cause you know that I'm head over the heels with that man, tama?!" hindi makapaniwalang saad niya.
Biglang bumigat ang paghinga ko. Hindi ko siya sinagot.
She scoffed in disbelief. "My god, Blaire! You are really willing to hurt someone's feeling just for me?! YOU'RE SO DESPERATE!"
"E ANO NGAYON HA?!!" sigaw ko pabalik. I lost it. I lost my patience. "KAYA KONG SAKTAN LAHAT PARA LANG IPARAMDAM SAYO YUNG NARAMDAMAN KO NOONG INAGAW NG MAMA MO ANG TATAY KO!" malakas na sigaw ko habang nangingilid ang luha.
BINABASA MO ANG
The Aromantic Girl
Novela JuvenilThis story is about a girl who's aromantic, she hate the concept of having a crush, butterflies on the stomach and anything sweet. She has no romantic attraction to others. And there is a man who's not interested to anyone, a nonchalant they say. I...