"Paano pag hindi nakapasa ang isa sa 'tin sa Ford University?" kinakabahang tanong ni Kiana.
Nandito kami ngayon sa may bench malapit sa gym. Lunes ngayon at tuwing weekends lang ang trabaho ko kaya buhay estudyante na naman ako.
"Imposible yun, tayo tayo rin naman kasi ang magkakasama noong entrance exam." sagot ni Avery habang nanunuklay ng buhok.
"Basta ako, siguradong sigurado na 'ko mga babes ko. Nilandi ko ba naman guardian angel ko kagabi." kampanteng saad ni Ethan habang nilalantakan yung bananaque.
"Ako, ewan. Nagpanic ako sa oras, e." kibit balikat na sagot ko habang nakataas ang paa sa mesa at naka krus ang braso.
"Ha?! Bakit ka nag panic? Pero nakagaya ka naman sa 'kin diba?" kagat labing tanong ni Kiana.
Napatawa ako. "Syempre naman."
Nakahinga ng maluwag si Kiana. "Okay, sure na pasa ka na."
"Diyan sa periodic exam hindi sure 'yan." buwelta ni Avery at tinawanan siya ni Ethan.
I smirked at her. "Kahit hindi na, ga-graduate pa rin naman ako dahil napirmahan na lahat ng completion slip ko."
"Huy anong lahat?! Si Ma'am Anne pa kaya!" pagtatama ni Kiana sa 'kin.
Napa-ayos ako ng upo. "Naknampucha, si Ma'am Anne pa talaga."
Ethan laughs. "Goodluck, Blaire babe. 50-50 ka do'n."
Avery laughs, too. "Delikado completion slip mo."
I bite my lips. "Cutting tayo, samahan niyo 'ko magsimba."
"Ay naknampucha maka-diyos." komento ni Ethan.
"Kahit si bro nalito kung plus one ka ba sa langit o hindi, e." natatawang saad ni Kiana.
"Blaire and her crazy remarks." umiiling na saad ni Avery.
Napanguso ako.
Nag-aamanamin ako habang naglalakad kami patungo sa teachers office sa ground floor ng STEM building. Nandito kami para puntahan si Ma'am Anne at magpapapirma ng completion slip.
"Good afternoon po, Ma'am Anne." panimulang bati ni Avery nang makarating kami sa office niya.
I hide myself on Ethan's back. Feeling ko talaga hindi niya pipirmahan ang akin! Kasalanan 'to ni Kiana! Saka diba kasali rin si Kiana?! Ba't kampanteng kampante ata siya?!
"Nandito po kami para magpapirma ng completion slip." magalang na saad ni Avery.
"Akin na." mataray na saad ni Ma'am Anne.
I watched as Avery gave her completion slip and how Ma'am Anne signed it.
Binalik niya ito. "Next,"
Sumunod naman si Ethan sa kanya at walang alinlangan niya itong pinirmahan. "Next," sumunod naman si Kiana sa kanya. Ma'am looked at her and raised her eyebrow as she sign the completion slip. "Sana naman hindi ka na dadaldal sa college life mo." masungit na saad nito bago binalik kay Kiana ang papel.
Kiana laughed apologetically. "Hindi na po talaga, Ma'am! Nagbago na po ako. I change na po, for the best."
Inirapan siya ni Ma'am. "Next na,"
Umalis si Ethan sa harap ko at nagka eye to eye contact kami ni Ma'am Anne.
I sheepishly stepped forward and give her a nervous smile before I give her my completion slip. "G-good afternoon po, Ma'am."
Pinagkrus niya ang braso niya bago tumingin sa papel na hawak hawak ko. "How can I sign your completion slip if there's no Araling Panchismisan there?" she asked coldy.

BINABASA MO ANG
The Aromantic Girl
Teen FictionThis story is about a girl who's aromantic, she hate the concept of having a crush, butterflies on the stomach and anything sweet. She has no romantic attraction to others. And there is a man who's not interested to anyone, a nonchalant they say. I...