"Saan ka pupunta, 'nak?" My mother asked me as she saw me heading towards the main door.
Nilingon ko siya at nginitian. "Kina Kiana lang, 'Ma. Tutulong po ako sa research namin." I lied.
Tumango ito bilang sagot. "Mag-ingat ka. Siya nga pala, uuwi yung mga kapatid mo mamaya." anunsiyo nito.
Kaagad sumimangot ang mukha ko. "Bukas na pala ako uuwi, Ma." buwelta ko.
Tinawanan niya ako. "Hindi mo ba namimiss ang pang-aasar nila sayo?"
Ngumuso ako at umiling. "Hindi! Sawang sawa na 'ko matawag na tombits sa totoo lang!"
Simula kasi noong highschool, inaasar na nila akong tomboy dahil wala akong natitipuhang lalaki. Kahit artista o kilalang tao, wala. So they thought I like girls instead! Hindi ako tomboy 'no! But yeah I do admire some gorgeous woman but not in a romantic way! I just appreciate their beauty, that's all! Neither boy nor girl can make me fall inlove. It's just that, love is not for me.
"Basta, go back as soon as you can. Ingat ka."
I nodded at her and wave my hands before leaving the house. Isa pa nga pala, hindi ko pinaalam sa kanya na nagt-trabaho na 'ko dahil malamang sa malamang, hindi niya ako papayagan. Like what I've said before she loves spoiling me. So if she ever knew about this, she will definitely force me to resign and just focus on my studies.
Pero kasi magbabakasyon na naman at konti na lang ang subject teacher na bumubisita sa 'min dahil tapos na yung nasa lesson plan nila. Sadyang submission na lang ng mga written works, defense and projects ang kailangan. At dahil certified pabigat ako ng bayan, sila na ang bahala doon sa mga group activities. Isasama ko na lang sila sa ipagdadasal ko na makapasa sa darating na exam. Edi wala na 'kong utang na loob sa kanila! Lakas ko kaya kay Bro!
"Blairy baby! Dito ka na muna sa kusina! Tumulong ka sa pagagawa ng cupcake!" 'yan ang bungad sa 'kin ni Tita Amor pagkapasok ko pa lang sa back door ng bakeshop.
"Po?" gulat na tanong ko. Sinuot niya sa 'kin ang apron bago ako hinila sa kusina. Nasa loob rin si Tita Fery at si Cash.
"May sakit kasi si Pastry Chef Michael kaya wala kaming katulong ni kumare Fery! Sakto namang nagpadagdag ng extra 20 box cupcakes yung umorder sa 'kin! Malaking kita rin yun kaya tinanggap ko na." paliwanag ni Tita Amor.
Nahihiya ko siyang nginitian. "Hindi po ako maalam sa mga ganyang bagay e." saad ko bago sinubukang umalis sa kusina. "Sa counter na lang po ako!"
"Ay hindi!" hinila ako pabalik ni Tita Amor. "I'll double your salary." puno ng sinserdad na wika niya.
Napa-awang ang labi ko. She took that chance to put the egg in my hands. "Marunong ka naman mag bati ng itlog 'di ba, Blairy Baby?"
I bite my lips. "Eh sino pong magkakahera?"
She smiled widely at me. "Si Mang Tomi."
Napakurap ako. "Y-yung janitor po dito?"
"Yes naman!" she proudly said before pushing me next to Cash. "Magsimula kana!" then she winked at me and stormed out.
Inabot sa 'kin ni Tita Fery ang hairnet. "Madali lang 'to, Blaire! Pag nasimulan mo na, mahihirapan kana tumigil!" paninigurado nito.
Tinanggap ko ang hairnet bago tumango. Dumapong muli ang mga mata ko kay Cash na busy sa paghahalo. Kagaya ko, naka hairnet at apron rin siya. Seryoso siyang naghahalo at parang sumasabak siya sa isang baking contest. Mukhang sanay na sanay na siya.
"You can't bake a cupcake just by staring at me." pormal na saad nito at mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya.
"Tita, ano pong gagawin ko?"

BINABASA MO ANG
The Aromantic Girl
Teen FictionThis story is about a girl who's aromantic, she hate the concept of having a crush, butterflies on the stomach and anything sweet. She has no romantic attraction to others. And there is a man who's not interested to anyone, a nonchalant they say. I...