Chapter 7

12 5 0
                                    

"Huy, inadd kita ulit sa gc." balita ni Kiana sa 'kin ng makalabas ang teacher namin.

Last subject na lang at mag-uuwian na kami.

Tumango na lang ako bago tinago ang notebook sa bag ko.

"Galit na galit ka daw kahapon sabi ni Ethan. Anong chika mo?" tanong ni Kiana.

"Wala. . . academic stress lang." I reason out.

Napabulalas ito ng tawa. "Naks, academic stress sabi ng walang ambag sa research. Sinong ginagago mo?"

Inirapan ko siya. "Palagi niyo na lang dinadahilan sa 'kin 'yan. Tsk, hindi ba pwedeng masyado lang akong bilib sa inyo kaya hindi na 'ko tumutulong?"

"Oo, sa sobrang bilib mo ni research title natin hindi mo alam." giit pa niya. Dedepensahan ko na sana ang sarili ko ng bigla niya 'kong taasan ng kilay, naghahamon. "Sige nga, what is our research title again?"

I chin up. "The impacts of social media usage to the communication skills of Grade 12 HUMSS student in Ford Senior High School!" confident na sagot ko.

She laughed in disbelief. "Mali! Noong first semester pa 'yan e!"

Napanguso ako.

"Huy, Blaire!" napabaling ang atensyon namin kay Avery. Lumapit siya sa 'min. "Pinatatanong ni Mama kung payag kana daw ba sa inaalok ni Cash?"

Napabuntong hininga ako. I still don't know if I should tell them or not. Baka kasi i-ship na naman nila ako sa lalaki at mag imagine pa sila ng kung ano ano. Isa pa. . . baka tanungin nila kung bakit payag na 'ko. I just hate dramas and too much question. Pero hindi ko rin kayang magtago ng sikreto sa kanila. Saka malalaman rin naman nila yun pag binisita nila si Tita Fery sa bakeshop. Mas maganda ng alam nila at ako ang nagsabi.

Tipid ko siyang nginitian bago dahan dahan tumango. "Oo."

"WHAAAATTT???!!" hindi makapaniwalang sigaw ni Kiana.

"OMG! TALAGA?! PAYAG KA NA?" tuwang tuwa na tanong ni Avery.

Tumango ako. "Oo naman. . . para kay Mama."

Pumalakpak si Avery. "Tama behavior!"

"Eh teka lang!" singit ni Kiana. "Bakit ka pumayag? Parang kahapon lang inis na inis ka do'n ah? Anong nangyari? Ba't nagbago isip mo?" sunod sunod na tanong nito.

Napabuga ako ng hangin. "Para nga kay Mama, Kiana. Kulit mo naman."

"So kakainin mo lahat ng sama ng loob mo at itatago mo sa kasulok-sulokan ng bituka mo?" exaggerated na tanong nito.

"Oo, baka sakaling tumaba ako." pilosopong sagot ko.

Avery giggled before pinching Kiana's cheek. "Wag mo na ngang ganyanin si Blaire, Kiana. Baka magbago isip niyan!"

Ngumuso ito. "Kinakabahan kasi ako para sa kanya. . ."

"Ba't ka naman kinakabahan?" curious na tanong ko.

Tumingin siya sa 'kin. "Naalala mo yung sinabi ko sayo tungkol kay Cash? Na baka mabait naman yung tao? Kalimutan mo na yun dahil sabi ng instinct ko hindi daw."

Alam ko. . .

Hinampas siya ni Avery sa braso. "Grabe ka naman sa tao! Hindi mo pa nga siya nakakausap ng ayos tapos na judge mo na kaagad!" tiningin niya 'ko. "Wag ka maniwala kay Kiana! Mabait si Cash sabi ni Mama!"

Tinanguan ko na lang siya.

Pakitang tao lang 'yan sa Mama mo. . . ganiyan talaga ang mga demonyo, magaling magkubli.

The Aromantic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon