KEVIN XIO VERDIN POV
“Wala parin kayong balita tungkol sa kapatid ko?!” Inis kong sigaw sa lalaking inutosan kong maghanap kay yuiji, sa kapatid ko.
Umiling ito at yumuko.
“Sorry boss xio pero wala, ito lang 'yong nakuha namin nang puntahan namin 'yong lugar kung saan huling nakita si ma'am yuiji” Inabot nito sakin ang isang cellphone na sinisigurado kong pagmamay-ari ng kapatid ko.
Tinitigan ko ito at at nakitang may kaunting basag ang screen.
“K-kuya may mga lalaking p-papalapit sakin, hindi ko sila kilala”
Napapikit na lang ako at na pakuyom ng kamao nang malala ang huling sinabi sakin ni yuiji bago siya mawala.
Sinong mga lalake?!
Nakarinig ako nang mga katok sa labas ng kwarto kaya na idilat ko ang aking mga mata.
“Come in” Bumukas naman ang pinto at pumasok si roger, assistant ko.
“Good evening sir xio” Yumuko ito “Nakauwi na po sa pilipinas si Knight Quantum”
Napataas ang kilay ko at masama itong tinitigan.
“So? what? Do I look like I care? F*ck!” Napahilot ako sa aking sentido
Knight? Mas importante ang kapatid ko ngayon.
“I'm sorry sir xio pero matagal na kayong may alitan ni sir quantum dahil sa mga negosyo niyo, kaya may kutob akong baka siya ang nag padukot sa kapatid niyo, kay ma'am yuiji”
Natigilan ako at napagtanto ang mga sinabi nito sakin. F*ck he have a point.
“Roger” Tinitigan ko ito ng seryoso “Manmanan mo ang mga kinikilos ni quantum, lahat ng mga galaw nito at kung saan man siya nag pumupunta ay irereport mo sakin. Understood?”
“Yes Sir!” Yumuko ito at mabilis na umalis.
“And you, albert” Tumingin ako sa lalaking inutosan kong hanapin si yuiji “Find my sister again or puntahan mo ang mga kaibigan ni yuiji baka nandooon lang siya”
“Sige po sir xio” Yumuko din ito bago umalis.
Knight Quantum nakauwi kana pala?
Pag nalaman kong may kinalaman ka sa pagkawala ng kapatid ko mapapatay kita.
YUIJI MOIRA VERDIN POV
Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata at kasabay nun ay ang pag-tunog ng aking tiyan.
Sh*t! I'm hungry! Kahapon pa nila ako hindi pinapakain!
Nakabusangot akong napaupo sa kama at tulalang napatingin sa may pinto, hinintay na bumukas ito at may pumasok na mga pagkain!
Kahapon nagising na lang ako na may kadena na ang isa kong paa, natatakot na siguro silang makatakas ulit ako.
Napaayos ako ng upo ng bumukas ang pinto at sumilip si ateng katulong na naitulak ko kahapon.
“Sandali lang!” Pigil ko sa kanya nang makitang aalis na ito.
Bumaba ako sa kama at tangkang lalapitan ko ito nang hindi ko magawa dahil nakakadena nga pala ang isa kong paa.
Haysst.
Kaya nakatayo lang ako sa kama at hindi makalapit sa kanya.
“Ano?” Taas kilay na tanong nito sakin.
Galit siguro ito dahil sa ginawa ko kahapon.
“I-i want food, I'm starving” Usal ko
Pinagkunotan lang ako nito ng noo at umalis na parang walang naririnig.
“W-WHAT? HEY! HOY! I SAID I'M HUNGRY!!” Inis akong naupo sa kama.
Bwesit na katulong 'yon! Sabi kong gutom ako pero iniwan lang ako!? Napakawalang puso.
Agad ulit akong napatayo nang biglang bumukas ang pinto.
Akala ko si ateng katulong 'yong papasok pero hindi pala, kundi isang lalaking kulay puti ang buhok at may takip ang isang mata.
“W-who are you?” Lumapit ito sakin kaya napaatras ako.
Hindi ako nito sinagot at patuloy na naglakad papalapit sakin at tsaka tinanggal ang kadenang na sa paa ko.
“Wait..w-what are you doing?”
Tinitigan ako nito at kinaladkad palabas ng kwarto.
“He wants to talk to you” Sabi nito na nagpalakas ng tibok ng puso ko.
He?
END OF CHAPTER 2

YOU ARE READING
Abducted By A Mafia Boss
Mystery / ThrillerKNIGHT QUANTUM (MAFIA BOSS SERIES ONE) UNDER EDITING!!