CHAPTER 75

1.9K 45 0
                                    

𝗪𝗔𝗟𝗟𝗣𝗔𝗣𝗘𝗥

YUIJI MOIRA VERDIN POV

Nang makaalis na ang sasakyan nila knight ay napabuga na lang ako ng hangin, sana makauwi sila ng ligtas.

Binitawan ko si kniji ng mag simula ng mag likot ito sa mga bisig ko at ng maibaba ko ito, ayon
na una na nga itong pumasok kisa sa'kin balak ko na sanang sumunod dito ng may mag takip ng panyo sa ilong ko.

Hindi ko na nagawang sumigaw at lumaban pa ng unti unting nanlabo ang paningin ko

~

Nagising ako ng maramdaman ko ang walang humpay na pag yugyog sa'kin, idinilat ko ang mga at sinalubong agad ito ng mukha ng Isang batang babae.

𝑆𝑖𝑛𝑜 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 '𝑡𝑜?

Umupo ako kaya naman mabilis itong bumama sa hinihigaan kong kama at napatayo nalamang ito sa gilid ko.

Napatitig ako sa buong kwarto ito lang kama ang gamit na nakikita ko at Isang malaking salamin na nakadikit na ata sa dingding.

Napatingin ulit ako sa batang hindi manlang nag sasalita, pinakatitigan ko itong mabuti at halos manlaki ang mga mata ko ng mapansing kamukha n'ya si Ivan.

“Kapatid kaba ni i-ivan?” gulat kong tanong.

Napatitig ito sa'kin bago dahang dahang tumango.

Kong ganon si Mr. Aginno ang nag padukot sa'kin!

Nilapitan ko ang bata at lumuhod sa harapan nito, napansin ko ang medyo payat napangangatawan nito, nakaputi itong dress kaya kita ko ang peklat sa mga maliit na braso nito.

May mga fresh pangang sugat tanda na sinaktan pa lang ito.

“Baby sinasaktan kaba nila?” naawang tanong ko sa bata.

Hindi ito umimik kaya napabuntong hininga na lang ako.

Parang hindi ito sanay mag salita.

“Ako pala si ate yuiji, don't worry baby okay? May mag liligtas sa atin dito”

“Sa batang 'yan oo pero sa'yo wala” sabay kaming napatingin sa taong pumasok sa kwarto.

Mr. Aginno..

May kasama itong dalawang lalake, lumapit s'ya sa'kin at nginitian ako.

Agad ko naman itinago ang batang babae sa likuran ko pero nagulat ako ng lumapit ang Isa sa mga lalaking kasama nito at pwersahang kinuha ang bata sa akin at ibinigay kay aginno.

“Alam ko ang plano nila, they want to save this little girl” Usal nito at pabagsak na binitawan nito ang bata sa sahig

Napakunot ang noo ko at napakuyom ng kamay dahil sa ginawa sa bata, ang sama n'ya!

“Paano mo nalaman ang plano nila knight?!” sigaw ko.

Sinabi ba ni Ivan?! Pero bakit? alam n'yang ililigtas namin ang kapatid n'ya at kasama s'ya sa magliligtas!

“Bago pa ako traydorin ni ivan, nag palagay na agad ako sa kan'ya ng speaker sa buong sulok ng bahay na tinitirahan n'yo dahilan para alam ko ang mga pinag uusapan n'yo alam ko kasi darating ang araw na talikuran ako ng gagong 'yon akala n'ya siguro simpleng speaker lang 'yon HAHAHAHA”

“Bwesit ka!” lalapitan ko sana ito ng pigilan ako ng isa sa mga taohan nito.

“Kaya alam kong gusto nilang iligats ang kapatid ni ivan, then okay! Bahala silang iligtas ang batang 'yan at sunogin nila ang resort na ito pero..” lumapit ito sa'kin at hinawakan ang panga ko ng napakahigpit.

Abducted By A Mafia BossWhere stories live. Discover now