𝗝𝗨𝗜𝗬𝗜'𝗦 𝗖𝗨𝗥𝗜𝗢𝗦𝗜𝗧𝗬
YUIJI MOIRA VERDIN POV
Halos dalawang araw na ang lumipas simula ng magkasakit ako.
At ngayon mabuti na ang pakiramdam ko.
Sa dalawang araw na lumipas parang ang daming nangyari, naging mas malapit kami ni betty tapos yong dalawang kambal. Pasaway parin hanggang ngayon!
Si Ivan naman sunod parin ng sunod sa'kin as if naman na makakatakas ako dito eh ang dami dami ngang mga bantay.
Tapos si knight, hindi ko alam kong na saan siya. Hindi kuna siya nakita simula ng magkasakit ako.
Sabi ni betty sakin lagi daw itong nasa kwarto o nasa opisina nito at nag tratrabaho.
May sariling opisina kasi ito dito sa bahay.
Sayang nga eh, hindi patuloy ako nakakapag pasalamat dahil hindi kami nagkikita.
“BAKIT HINDI MO SINABI?!”
Gulat ako ng makita ko si betty na nakaupo na sa kama ko.
Kalalabas ko lang galing sa banyo at katatapos ko lang maligo.
“Ang alin?” nagugulohan kong tanong.
Naupo ako sa tabi nito.
“NA SI IVAN PALA YONG NAGBABANTAY SAYO?!”
“Matagal na siyang nagbabantay sakin” Pinag taasan ko ito ng kilay “Bakit ba? May mali ba dun?”
“W-wala na naman n-na gulat lang ako” Nag iwas ito ng tingin.
Mmm?
“Eh bakit ka nandito? At tsaka may dapat ba akong malaman tungkol kay ivan huh? Betty? Parang iba kasi yong—”
“Aalis na ako! S-sige na bye!” Putol nito sasasabihin ko at agad na umalis.
Kita mo to! Matapos akong
Tanongin ng kong ano ano iiwan ako? Tss!Ganyan kami ka close!
Nang matapos akong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto.
At doon nadatnan ko si ivan na nasa labas at nasa gilid ng kwarto ko at nagbabantay.
Pinakatitigan ko ito ng mabuti, nagtataka nga ito sa ginagawa kong paninitig.
Mmm, bakit parang ang big deal kay betty kong si ivan yong nagbabantay sakin?
Bakit kaya?
Napailing na lang ako at nagsimula ng maglakad.
Wala akong maiisip na dahilan!
Dumeretso ako sa kusina at kumain.
Mabilis lang iyon at natapos din ako kaagad.
Si ivan naman sunod lang ng sunod sakin.
Pumasok ako sa silid ng magkambal at halos mapanganga ako ng makita ang itsura ng kwarto..
Ang gulo! Ang daming nakakalat na mga kong ano anong mga basura.
Napailing na lang ako at na pag desisyonang linisin na lang itong kwarto.
“Tks!”
Mga ilang oras din ang ginugol ko sa paglilinis bago na pag pasyahang puntahan sila sa kani kanilang mga silid para kumain.
“Lexi.." Kumatok ako ng tatlong beses.
Bumukas din naman agad ang pinto.
“What?”
“Kailangan niyo ng kumain ng kambal mo” Usal ko
“I'm not hungry”
“Huh? It's almost nine o'clock and the morning and you're not still hungry?!”
Anong tiyan ba ang meron ka?
“So what?” Isinirado nito ng maglakas ang pinto.
Pshh, ang taray!
Napabuntong hininga na lang ako at pupunta na sana sa kwarto ni lexon ng makita ko itong nasalabas na ng kwarto niya at nakatingin sakin.
“I'm not hungry too” Wika nito at bumalik na ulit sa kwarto.
Gosh! Ang aarte ng mga batang ito promise!
Hindi ko nga alam kong paano ko nakakayanan na bantayan sila, siguro dahil alam kong pwede akong patayin ng kuya nila kapag hindi ko sinunod yong gusto nito na maging babysitter ng mag mag kambal.
Naupo na lang ako sa sofa at hinintay na lumabas sila.
Ilang oras din akong naghintay bago sabay silang lumabas ng kwarto at kumain.
At doon na tapos ang araw ko..
Wala masyadong nangyari..
—
Gabi na, mga 10 na ng gabi.
Buong araw akong nasa silid ng magkambal para alagaan at bantayan sila.
Lumabas na ako ng kwarto ng magkambal at napakunot ang noo ko ng hindi ko makita si ivan.
Nasaan kaya iyon?
Dati kasi pagkalabas ng pagkalabas ko ng kwarto ng kambal lagi ko siyang nakikita dahil hinintay niya ako, pero ngayon wala siya?
Hindi ko na lang iyon pinansin at pumunta na lang ng kusina para kumain.
Natapos din naman agad ako kaya napag pasyahang ko ng pumunta na ng kwarto ko.
Pero agad akong napadigil sa paglalakad ng makarinig ako ng malakas na ingay galing sa itaas.
Tunog ng parang may na basag.
Lumapit ako sa may hagdanan at nag simula ng umakyat.
“Yuiji? Saan ka pupunta?”
Nalatigil ang isa kong paa sa ire ng narinig ko ang boses ni betty.
Lumingon ako at nakita ko siya sa baba na nakakunot ang noong nakatingin sakin.
“M-may narinig akong ingay sa itaas, ano yun?” Tanong ko
“Hwag mo ng pansinin yon, nandiyan sa itaas yong kwarto ni sir knight” Tumalikod na ito sakin “Mag bingibingihan ka na lang sa mga naririnig mo yuiji, hwag na hwag kang aakyat dyan at papasok sa kwarto ni sir knight kong ayaw mong—” Tumigil ito sa pagsasalita.
Lumingon siya sakin at binigyan ako ng seryosong tingin.
“Matulog ka nalang” Pagpapatuloy nito at iniwan akong nagugulohan.
Ngayon ko lang nakitang seryoso si betty nang ganon, bakit kaya?
Napatingin ulit ako sa itaas bago na pag pasyahang pumunta na lang sa aking kwarto.
—
Hindi ako makatulog, siguro dahil sa mga sinabi sakin ni betty.
Nakaramdam naman ako ng uhaw at lumabas na ng kwarto.
Habang binabagtas ang daan papunta sa kusina bigla ko na namang narinig ang ingay na parang may nababasag at mas malakas ito kisa kanina.
Nang gagaling yong ingay sa itaas.
Tumitig ako doon at mabilis na iniwas ang tingin at pilit na hindi ito pinapansin.
“𝑴𝒂𝒈 𝒃𝒊𝒏𝒈𝒊𝒃𝒊𝒏𝒈𝒊𝒉𝒂𝒏 𝒌𝒂𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒏𝒂𝒓𝒊𝒓𝒊𝒏𝒊𝒈 𝒎𝒐 𝒚𝒖𝒊𝒋𝒊” Bigla kong narinig ang boses ni betty sa isipan ko.
Damn! Don't do anything stupid yuiji!
Humakbang ako ng ilang beses palayo doon pero kusang bumalik ang mga paa ko malapit sa may hagdanan.
Arrghh! Hindi ko talaga kayang baliwalain ang mga naririnig ko.
Naglakad ako papalapit sa may hagdanan at ilang beses munang napalunok bago mag simulang umakyat.
“I'm sorry betty pero hindi ko kayang mag bingingihan katulad ng gusto mo..”
END OF CHAPTER 17