𝗡𝗔𝗜𝗜𝗛𝗜 𝗔𝗞𝗢!
YUIJI MOIRA VERDIN
“Will you stop starring at me!” umiwas naman akong ng tingin sa kan'ya at hinigop ang kape ko, sungit!
Nasa coffee shop kami ngayon, inaya ko s'ya dito.
Gusto ko rin kasi s'yang makausap.“Almera..” pag tawag ko sa pangalan nito, tumingin naman s'ya sa'kin at tinaasan ako ng kilay.
Hayy, ng sabihan ko s'ya noong para s'yang barbie ay totoo talaga, dahil sa mga mata niyang kulay asul tapos mapulang labi, white skin and blonde hair. She is literally a living barbie doll!
“What?!” mataray na sagot nito “Don't tell me gusto mo parin ng autograph ko? just give me the pen or 'di kaya kahit ipa tattoo mo 'yang signature ko sa noo mo wala akong pake!”
“No” bumuntong hininga ako “Gusto ko lang itanong sa'yo kong bakit ayaw mong matuloy ang kasal namin ni knight?”
Natigilan ito sa pag inom ng kape at mariin akong tinitigan.
“Hindi ba obvious? I like him! I like your soon to be husband! My gosh!” maarte nitong inayos ang buhok na humarang sa mukha n'ya “And actually matagal ko na s'yang gusto, lagi ko s'yang nakikitang kasama ni uncle”
“Pero ikakasal na kami” mahinang usal ko
“I don't care, kaya nga gusto kitang patayin eh” Umirap naman ito
“I'm afraid you can't.. baka ikaw pa unang mapatay ko” bulong ko.
Nakita kong nag message sa'kin si clark at hinahanap ako nag reply naman agad ako sa kan'ya at sinabi ko kong nasaan ako ngayon, nasa malapit lang namin kaming coffee shop kaya alam kong madali n'ya akong mahahanap.
“Pwede ka namang mag hanap nang iba” usal ko
”No girl, I want him” napakrus pa ito Ng brado at nginisihan ako.
Tsk! Asa ka! Di ko s'ya ibibigay sa'yo!
Mag sasalita na sana ako ng may maramdaman akong kamay sa balikat ko ng lingonin ko ito ay nakita ko ang nakingiting mukha ni Clark.
Bilis naman!
“Tara na? Hinahanap kana ni boss knight sa'kin kala niya naman itatanan kita”
“Mamaya na may kausap pa kasi ako” napa sulyap naman s'ya sa kausap ko bago ibinalik ang tingin sa'kin tsaka tumango.
“Sa labas na lang ako maghihintay miss yuiji” usal nito at mabilis na umalis, napatingin naman ako sa mga babaing nandito na halos mabali na ang leeg nila masunda lang ng tingin si Clark, iba talaga karisma ng lalakeng 'yon.
Ibinalik ko naman ang tingin ko kay almera at nakita ko itong nakatingin rin sa paalis na si Clark.
“Almera kailangan na natin itong linawin” hinihintay na ako ni baby knight! “Hindi na pwedeng mapasayo si knight kasi ikakasal na ka—”
“Sure! Okay lang! Ikasal kayo kong gusto niyo!” nagulat ako ng hawakan nito ang mga kamay ko “I'm so happy for the both of you, invite niyo ko sa kasal ha!”
Nagtaka naman ako sa biglaang pag babago nito, kanina lang galit na galit tapos ngayon gusto niyang invited s'ya sa kasal namin?
“But I have one question for you”
“What is it?” I curiously asked her
“Who is that man earlier? his so freaking hot!” parang batang kinikilig ito.
Napanganga naman ako.
“Si Clark?”
“Ohh clark pala pangalan n'ya! I want him! Girl tulungan mo naman ako sa kan'ya” napanguso naman ito.
YOU ARE READING
Abducted By A Mafia Boss
Mystery / ThrillerKNIGHT QUANTUM (MAFIA BOSS SERIES ONE) UNDER EDITING!!