MOIRA YUIJI VERDIN POV
“Kuya Xiooo!” Sigaw ko kasabay ng malakas na pag-iyak.
Ang lapit-lapit ko na sa kanya kanina pero dahil sa bwesit na lalaking 'to, hindi ko manlang siya nayakap!
“Will you stop crying? You're so f*cking annoying!” Saway ng lalaking 'to sa'kin habang busy sa pagmamaneho.
Sinamaan ko lang ito ng tingin at mas lalong pinalakas ang iyak.
Pake ko sa'yong animal ka!
Maya-maya pa ay naramdaman kong huminto ang sasakyan at nakarinig ako ng kasa ng baril.
“You shut up your damn mouth or I'll shoot you?” iritang tanong nito sa'kin.
Agad naman akong napatahimik. Mas gusto kong manahimik na lang kaysa manahimik ng habang buhay!
“Good.” Itinago nito ang baril at muling nagmaneho.
Tumahimik na lang ako at tumingin sa labas ng bintana. Pagkatapos niya akong hilahin palayo kanina kay kuya ay isinakay niya ako sa sasakyan.
Ewan ko kung saan niya ako dadalhin, basta ang iniisip ko ngayon ay si kuya.
Okay lang kaya siya? Eh kasi no'ng umalis kami, nagbabarilan pa rin kasi sila.
Siya na lang ang meron ako kaya ayukong mawala pa siya sa'kin.
Sana naman ay hindi siya nasaktan!
Napatingin ako sa harapan nang makita ang isang napakalaking gate.
Bumukas ito kaya pumasok kami sa loob.
Napatingin ako sa labas ng bintana, napakalawak ng harden. May malaking fountain din sa may gilid!
Tumigil ang sasakyan sa harapan ng napakalaking bahay. No, hindi lamang ito malaking bahay.. this is a freaking mansion!
Bumaba si Knight kaya bumaba din ako.
Napanganga ako nang mas makita sa malapitan 'yong malaking bahay.
Dito ba nakatira 'tong Knight? Ang yaman niya naman pala!
“Sir Knight!” Napatingin ako sa sumigaw at nakita si Betty na papalapit sa'min.
Nandito na pala siya?
“Where are they?” tanong nito kay Betty na ang tinutukoy siguro 'yong mga kasama nito kanina sa opisina.
“Nandoon pa rin po sila sa bahay, sir. Siguro mamaya nandito na sila,” sagot nito.
“Good.” Tumango ito tsaka tumingin sa'kin. “Ihatid mo na din ito sa kwarto niya,” usal nito at iniwan na kaming dalawa ni Betty.
Hindi na ako umangal pa nang kaladkarin ako ni Betty papasok ng mansion.
Hindi ko masyadong napapansin ang itsura ng loob ng mansion dahil sa bilis ng paglalakad nitong humihila sa'kin, galit yarn? tsk!
Pumasok kami sa isang kwarto.
Nailibot ko ng tingin ang buong kwarto at masasabi kong mas maganda ito at mas malinis kesa sa kwarto na tinutulugan ko dati sa isang bahay.
“Hoy! Ito damit oh.” Ibinigay nito sa'kin ang isang damit. “Maligo kana at magbihis, ang baho mo na kasi!” nandidiring saad nito at naglakad na paalis.
“B-betty! Sandali lang!” pagpipigil ko dito.
Tumigil naman ito at pinagtaasan ako ng kilay.
“I j-just wanna ask you if my b-brother is okay? Hindi ba siya nasaktan?” Gustong-gusto ko na talagang malaman kung ayos lang si Kuya Xio.
Napayuko ako nang hindi ito sumagot.
“Im just w-worried,”naiiyak kong bulong.
”He's okay, nakaalis ito ng ligtas.” Napaangat ako ng tingin sa kanya. “Kaya huwag ka nang mag-alala at maligo kana.”
Napangiti ako at mabilis na tumango.
“I will! Thanks betty!” sabi ko kaya lumabas na ito ng kwarto. Napaupo ako sa kama at napaiyak sa sobrang saya.
Okay lang si kuya, thank you Lord! Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag pati si kuya nawala sa'kin, I might kill myself if something happens to him.
Nang kumalma na ako ay napagdesisyunan ko nang maligo. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na agad ako ng banyo na nakatapis lang.
Wala namang masama dun, ako lang naman mag isa..
Pero laking gulat ko nang madatnan ang isang lalaking nakaupo ngayon sa kama at seryusong nakatingin sa'kin.
“K-Knight? Why are you here?”
END OF CHAPTER 6
YOU ARE READING
Abducted By A Mafia Boss
Mystery / ThrillerKNIGHT QUANTUM (MAFIA BOSS SERIES ONE) UNDER EDITING!!
