CHAPTER 23

2.1K 47 0
                                    

ONE SHOT AND YOUR GONNA DIE [PART 2]

YUIJI MOIRA VERDIN POV

Bumukas ang pinto at pumasok ang Isang lalaking may hawak hawak na baril na kong hindi ako nagkakamali Isa sa mga nagbabantay dito sa mansion nila knight.

“Ok lang po ba kayo?” Tanong nito ng makalapit ito sa'min

“Ayos lang naman kami, a-ano ba ang nangyayari sa labas? Bakit may naririnig kaming mga p-putukan?” Tanong ko.

“May sumugod pong mga kalaban”  tumingin ito sa labas ng pinto at tumingin ulit sa'min “Kailangan na nating umalis, sumunod po kayo sakin” at naglakad na nga ito palabas ng kwarto.

K-kalaban?

Hinawakan ko naman sa kamay si Lexi at sumunod na sa lalake.

Mga kalaban kaya ni knight yong sumugod ngayon dito?

“Dito tayo” mahinang usal ng lalake.

Sumunod naman kami sa kanya.

Nang nasa may sala na kami bigla kaming pinutukan ng baril ng Isa sa mga kalaban.

Kaya agad kong hinila papunta sa likod ng malaking sofa si Lexi para makapagtago.

*BANG*BANG*

Nang wala ng marining na ingay at dahan dahan akong sumilip at doon nakitang patay na ang lalaking magliligtas na sana sa'min ni Lexi.

Napatakip ako sa bibig ko ng papalapit na sa pwesto namin yong kalaban.

Nadapo ang paningin ko sa baril na malapit sa amin, hindi ko alam kong kaninong baril iyon pero kapag nakuha  yang baril pwede ko pang maligtas ang sarili namin.

Pero paano? Pwede akong mamatay kapag tinangka kong kunin yong baril, makikita niya ako!

Nilingon ko si Lexi ng maramdaman kong mas humigpit ang pag hawak nito sa kamay ko.

Kita ko ang takot sa mga mata nito.

Natatakot siya..

Nang makita ko ang itsura nito nag karoon ako ng lakas ng loob na kunin ang baril.

Binatawan ko ang kamay ni Lexi, tinignan niya naman ako ng punong puno ng pagtataka ang mga mata.

“Dito ka lang..” I murmured

Huminga muna ako ng malamim at lakas loob na lumabas sa pinagtataguan namin.

Agad akong tumakbo papalapit sa may baril at ng nakuha na ito'y nakarinig ako ng putok ng baril at kasabay noon ang paghapdi ng kaliwang braso ko.

Shit!

Mabilis kong itunutok sa kanya ang baril na hawak hawak ko at hindi na ako nag dalawang isip na ipaputok ito sa kanya.

Natamaan ko siya sa ulo..

Bumagsak ang walang buhay nakatawan nito sa sahig.

Napaupo din ako sa sahig dulot ng panghihina, mabuti na lang tinuruan ako ni kuya noon kong paano bumaril.

“Y-your bleeding!” patakbong lumapit sa akin si lexi.

Tinignan ko naman ang sugat sa braso ko bago tinignan ang na kabulagtang kalaban, nabaril ako ng bwesit na 'yon!

“I'm okay..” tinulungan niya akong tumayo

“But—”

“Shh..ok lang ako, ang kailangan nating gawin ngayon ay kong papaano tayo makakaalis dito o saan tayo pwedeng mag tago” Hinawakan ko ang kamay nito at lumapit sa bintana at doon ay sumilip.

Kitang kita ko ang papasok na dalawang armadong lalake dito sa mansion.

“Halika” Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at pinapasok doon si Lexi “Dito ka lang huh? Hwag kang lalabas”

“Huh eh i-ikaw? P-papano ka?”

“Magpapahabol ako sa dalawang kalaban at kapag hinabol na nila ako doon kana lalabas ng kwarto at aalis dito sa Bahay, humingi ka ng tulong” Usal ko.

“No!” Umiyak ito “You will stay here with me!”

Mahigpit ko itong yinakap.

“Akala ko ba matapang ka? Ang tapang tapang mo noong una tayong nagkita, tapos ngayon iiyak iyak ka?” Natatawa kong tanong.

“Ehhhh! Dito ka lang yuijiI!”

Humiwalay ako sa pavkakayakap at hinarap ito.

“Kailangan mong maging matapang Lexi tsaka alam kong ano mang oras nandito na ang kuya knight mo para iligtas tayo, Kaya dito kalang at lumabas kana kapag hinabol na nila ako”

Tumango na lamang ito.

“Please be s-safe..”

Ngumiti na lang ako bago isinarado ang pinto.

Aaminin kong masakit yong isang braso ko dahil sa tama ng bala pero kailangan ko ding maging matapang.

Naglakad ako papalapit sa may pinto at tanaw na tanaw ko dito na ang dalawang kalaban.

“Please be safe...”

Bigla kong narining ang boses ni Lexi sa isipan ko.

I will..

Huminga muna ako ng malamim bago buong lakas na sumigaw.

“HOY! NANDITO AKO!!!”

!

Abducted By A Mafia BossWhere stories live. Discover now